Chapter 49

1 0 0
                                    

"Kumusta ka?"Tanong ni alvin sa anak pumayag narin itong makipagkita pinagmasdan ang kabuuan ni Danaya ng walang malisya ang sa kaniya lang parang wala sa ayos ito at mukhang nangangayayat.

"Huwag mo akong tanungin kung kumusta ako dahil kahit kailan ay wala kang pakialam saakin."matabil niyang dila ang nasa isip kanina huwag siyang magsusungit pero heto naalala naman ang nakaraan kaya kung ano na naman ang nasasabi.

Napayuko si Alvin kung siguro kung hindi pa nahimasmasan siguradong hindi uubra si Danaya ngunit dahil sa nagbago na siya tatangapin niya ang lahat ng masasakit na salita galing sa anak.
"Gusto kung makipagkita dahil ikaw daw ang bumili sa mag-asawa ang dating lupang kinatitirakan ng aming bahay.Gusto ko yung bilhin ulit."

"Regalo ko sana sa iyo yun." May hatid na katotohanan dahil balak ng may-ari dati na ipagbili sa iba kaso pinagpilitan ni Sabrina na bilhin niya para sa kapatid. "Kahit hindi mo na bayaran."
Napailing ang dalaga."Ayaw kung magkaroon ng utang na loob sa pamilya niyo." Maawtoridad na sinabi. "Kahit walang paghingi ng kapatawaran sa pamilya niyo pinipili ko paring magpatawad dahil sa nakaraang araw nagpag-isip isip ko na pinaparusahan ko lang ang aking sarili."

"Alam ko Danaya ang dami namin kasalanan sayo sana makapagsimula ulit tayo."
Naantig naman si Danaya ng may luhang pumatak sa mga mata ng ama.Kahit gaano mo pala kinamumuhian ang isang tao mayroon parin natitira sa puso mo na konsiyensiya."Susubukan kung makitungo ng maayos pero kung sa ngayon hayaan niyo muna akong mag-adjust dahil nasanay akong wala kayo.Bueno pag ready na kayong ipagbili ang lupa tawagan niyo ang manager ko at suya na ang bahalang makipag-usap sa inyo."

Tumayo na hindi na liningon ang ama.Kahit papano gumaan naman ang pakiramdam sa nangyari dahil nakapag usap sila ng matiwasay wala na ang yabang ng ama at may atensiyon na rin itong binibigay sa kaniya.She really need a fresh start matagal narin na naging busy sa buhay puro nalang trabaho ngayon napag-isip isip niya na mabuti pang umuwi sa probinsiya kila Jeffrey tapos pagbalik niya mag-eenrol ulit siya  saka may movie na kasama siya na bida dun muna itutuon ang oras pero sa ngayon kailangan niyang balikan ang lugar kung saan siya nagsimula.

Sinabihan naman niya ang manager kaagad naman na pumayag dahil ramdam nito siguro ang kaniyang kalungkutan di rin siya pinilut na kunin ang driver at ang sasakyan mas gusto niyang sumakay sa bus .Nagsuot nalang siya ng wig at hoodie saka facemask para di siya makilala.
Mahaba haba rin ang biyahe at hindi nasabihan si Jeffrey kaya ng makarating sa Sa bungad ng San Iguessa ay alas otso na alam na may pagbabago na ang kanilang lugar pero dahil sa probinsiya parin ay kapag alas sais o di kaya alas siyete na ay wala ng katao tao sa kanilang bayan.Kaya may pagsising nadama ng mapansing lalakarin na naman niya ang daan papunta sa kanilang barangay.
Naisip na tawagan si Jeffrey ngunit ng gawin ay walang signal ang selpon sa kinaroroonan.Mabuti na lamang ay maliit na back pack lang ang dala.
May bahagi sa utak ang nagpaalala sa kaniya ang nakaraan kung saan nilalakad ang bahaging ito papunta sa kaniyang paaralan.Marami na talagang nagbago sa kaniyang buhay.Ngunit alam na may parte sa kaniyang pagkatao na talagang nagbalik sigla ng matanawan ang baybaying dagat.Maliwanag naman ang nilalakaran kaya kahit papano ay kampante siyang maglakad pero nadoon parin ang kaba .Isang sasakyan ang nakita na parating ang balak ay maglalakad nalang baka aniya ay kung sino pang poncio pilato at dalhin sa talahiban baka may mangyari pa.Pero huminto ang sasakyan hindi maaninag pero ng buksan ito ay tumambad ang pamilyar na tao .

"Saan ka punta Miss?" May accent na sabi nito.Ibinaba ang salamin ng sasakyan at pilit na inaaninag ang babae dahil tila pamilyar sa kaniya.

"Bwisit!" Hindin naman malakas para marinig ng lalaki  sa dinami dami  ba namang dadaanan ay si Mikee pa ang makikita .

"Miss..."

"Ah diyan sana sa San Iguessa." Ngumiti siya pero may kung anong kaba ang nadarama.

"Doon din ang punta bakit di ka nalang sumabay tiyak gagabihin ka pa lalo kung maglalakad ka saka huwag kang mag-alala hindi kita gagawan ng masama."pinasadahan pa niya ito mula ulo hanggang paa ang babae dahil sa sense of fashion nito mukha itong rainbow na talagang nakakatawag pansin sa mga tao kapag nakita .

Nairita siya sa narinig wala parin talagang pagbabago ang mokong na ito sambit ng utak. "Ah sige po." Sinadya niyang lakasan ang pagsara ng pintuan ganoon na lamang ang gulat ni Mikee na tila pinagsisihan siyang hinintuan.Pinaandar nito ang sasakyan pero animang sandali ay nabahing ito dahil sa amoy ng daing na kaniyang binili sa kabayanan.Binaba ang salamin para naman kahit mapapano ay magkaroon ng fresh air dahil sa nakikita ay parang naduduwal na si Mikee na pinagsisihan niya dahil sa lakas ba naman ng hangin ay natanggal ang wig at ibang pang nilagay sa mukha.Nang tumingin sa kaniya si Mikee muntik pa nitong naibangga ang sasakyan .

"Danaya..."

Napangiwi ng makita ang itsura ng kaklase.Na parang nakakita ng multo." Ako nga ." Kinalma ang sarili sa pagkakataon na yun .
"My gosh paano kung ibang tao ang dumating.Paano kung napahamak ka saka kumikita ka naman na ng malaki hindi ka nagpahatid sa driver mo."mataas ang boses na nasabi. Halong emosyon ang nararamdaman naiimagine na ang kapahamakan kung hindi siya nagparoon.

"Im fine okay .Fyi I can protect myself and kailan ka pa naging concern sa akin paandarin muna ang sasakyan mo kasi gutom na ako." Pagtataray at may gana pa siya imbes na magpasalamat sa concern nito pero ng maalala ang nakaraan kung paano siya nasaktan.Hay!

Nakarating sila sa bahay nila Jeffrey ng walang imik .Malakas ang katok ang ginawa ngunit walang sumasagot sinubukan ring tawagan sa selpon cannot be reach .May isang batang babae ang lumapit sa kaniya at sinabing nagpunta raw ang mag-anak sa isang kaanak na namatay at babalik daw sila sa makalawa pa.Muntik na siyang matumba saan siya matutulog napatingin kay Mikee na minamasdan parin siya at tila narinig ang mokong ang sinabi ng bata.

"Doon ka muna sa bahay ko kung wala kang matutuluyan."
"Hindi na makikitulog nalang ako sa ano.."

"Danaya parang wala naman tayong pinagsamahan."bumaba ito at kinuha ang mga dalahin .

Akala ay natalsikan siya ng laway ni Mikee pero umaambon pala kaya nilunok nalang ang pride at sumama ."Diba may gagawin ka dito kaya ka pumarito?"tanong niya ng mapagtantong papunta na sila sa kabayanan.

"Bukas na mas importante ka ."

Tumunog ang kaniyang tiyan talagang gutom na siya napahiya siya dahil sunod sunod ito.Natahimik sila pareho.
Gusto niyang basagin ang katahimikan ngunit patuloy parin ang pagtunog ng tiyan.

"Baka iba diyan utot na."
Napamulagat sa narinig talagang napamulahan ng todo ang mukha gusto niya  ng kainin siya  ng lupa sa kahihiyan.

DANAYAWhere stories live. Discover now