25

13 0 0
                                    

Zac hugged me amidst the crowd. I hugged him back. I just wanted to be with him right now. Kasi baka hindi na..... maulit.

"Hey!"

Muntik ko nang mabitawan ang hawak ko na cellphone nang biglang sumulpot si Sarmiento sa harap ko.

Tumawa pa ito na parang tuwang tuwa pa sa ginawa nyang panggugulat.

"You're alone?" he asked, obviously. Luminga-linga pa sya sa paligid para kumpirmahin kung may kasama ba 'ko o wala.

"May nakikita ka?" pabalang kong sagot.

Umiling ito at nakanguso. Ngayon ko lang din napansin na nakapang-chef pa syang suot.

"By the way, congrats." I said.

Ngumiti ito kaya lumabas ang biloy nya sa magkabilaang pisngi. Halos hindi na din makita ang mata nya dahil medyo may pagkasingkit.

"Thank you." he replied.

Umupo sya sa upuang nasa harap ko at nakapangalumbaba akong tinignan. Ang awkward tuloy!

"Wala ang boyfriend mo?"

Agad kumunot ang noo ko sa tanong nya.

"Wala akong boyfriend." I said.

"Sino 'yung kasama mo kagabi?"

Agad akong bumaling sa kanya na ngayon ay pinaniningkitan ako ng mata.

So, nakita nya pala kami? Sa dami ng tao kami pa talaga ang napansin nya huh?

"Hindi ko sya boyfriend." I said, bitterly before glancing back in my phone.

"Friends with benefits?" aniya na parang nang-aasar at nakangisi pa ng nakakaloko.

Hinampas ko sya ng notebook ko. Kaya agad naman syang napatayo at tumatawa pa. Nababaliw na ba ang lalaking 'to?

"Sakit ah," pagreklamo nya.

"D'on kana nga!" pagtataboy ko pa.

Sakto din at tinatawag na sya ng mga kaklase nya. Kumaway lang sya sa akin at nakangiti habang paatras na umaalis. Ang kulit!

"Oh my gosh! Si Sarmiento ba 'yun?!"

Muntik na 'kong atakihin sa biglaang pagsulpot ni Sierra sa harap ko at ang lakas pa ng boses!

Umirap ako at kinuha ang mga gamit na nasa mesa at inilagay ko sa bag. Nakasunod naman si Sierra sa akin habang pabalik kami ng CONAH Building.

"You didn't even tell me na close kayo ni Aldrich teh!" panay ang salita nya habang naglalakad kami sa hallway.

"Hindi ka nagtanong, Era." I replied.

"Malay ko ba? So, pa'no kayo nagkakilala?"

I sighed.

"The day after the entrance test. Nakabanggaan ko sya sa labas ng cafeteria tapos makulit pala talaga ang lahi nya kaya sinundan nya 'ko hanggang sa may malapit sa gymnasium. We talked for a while.... then we're friends." pagku-kuwento ko. "Happy?"

"Oh my gosh! What if he likes you? How about me na?" pagdadrama pa nya. Umirap ako at tumigil para harapin sya.

"He doesn't like me, Sierra. Ganoon lang talaga ang personality nya. And I think.... kaibigan lang din ang tingin nya sa akin."

She raised a brow. Bahagya ding kumunot ang noo nya. Akala ko ay dahil sa akin pero ang mga tingin nya ay nasa likuran ko. Nagsalubong din ang kilay ko at bumaling doon sa tinitignan nya.

Si Rina.

Nagmamadali syang pumasok ng banyo habang nakahawak ang palad sa bibig nya.

Agad naman akong hinila ni Sierra palapit doon. Sumenyas pa sya sa akin na huwag daw akong maingay. Inismiran ko sya at dahan-dahang inilapit ang tenga sa may pinto ng banyo.

Chasing The Clouds Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon