Timaxa's POV
Nakarating kami sa Classes Dorms. Bumungad sa amin ang isang malaking gate na mayroong nakaukit na 'Classes Dorms'. Nang pumasok kami sa gate, ang unang building na bumungad sa amin ay maihahalintulad mo sa mga 5 star hotel sa mga magazine at sa labas pa lamang ay makikita mo kung gaano kaganda at kaespesyal ito. May malaki din itong simbolo na ang kulay ay asul.
"Mam yang building na po iyan ay para sa mga Class A students, ang mga Xenatra. Madalas po yung mga inihahatid ko na estudyante na mula diyan malalaki mag-tip. Kahit libre po itong transportation sa university nagbibigay padin po sila ng pera. Kuwento po ng mga naglilinis ng kuwarto diyan, ang gaganda daw po ng mga kuwarto sa building na iyan kaso karamihan sa mga studyante dyan ayaw magpalinis ng kwarto dahil takot daw po silang manakawan." kuwento ng driver sa akin.
Ilang metro pa lang ang layo naming sa unang building o sa bulding ng mga Xenatra ay bumungad sa amin ang building na medyo simple sa naunang building. Maganda din ito pero maikukumpara mo ito sa building ng mga Xenatra na mas simple. May malaki din itong simbolo na ang kulay ay violet.
"Mam yan naman ay para sa Class B students, ang mga Mediavetra. Halos lahat kami na service at dorm service personnel sa university laging naandito. Para bang gamit na gamit kami mam." sabi niya
"Kaso maliit sila mag tip minsan hindi na nagtitip dahil kasama naman daw po yung serbisyo namin sa binabayaran nila. May ka-kuripotan po ba mam. Madalas din maraming natatanggal na naglilinis ng kuwarto dahil sa kanila. Madalas po nilang pagbintangan silang nagnanakaw o naninira ng gamit kahit sila naman ang may kasalanan. Pero mam yung iba diyan malaki din mag tip dahil ayaw nilang ikumpara sa mga Xenatra at gustong-gusto nilang lumipat doon sa Class A Dorm." dagdag kuwento ulit ng driver sa akin. Hindi ko alam kung bakit kuwento siya ng kuwento sa akin na para bang isa akong turista
At sa pinakahuli tingin ko ay dito ako mamamalagi. Class C at isa na ako sa mga Loudetra ng unibersidad na ito magmula bukas. Nang tumingin ako sa simbolo ng dorm ay nakita ko na kulay puti ito.
"Mam yan naman po ay para sa mga Class C students, Loudetra." sabi niya.
Ilang segundo ang lumipas ay hindi na siya nagsalita ulit. Hindi na siya nagkuwento tungkol sa Loudetra. Pagkalingon ko sa puwesto niya ay tila ba nanghihinyang siyang nakatingin sa building.
"Mam yan na po yung tatlong Classes Dorms at Classes ng RDU!" pilit niyang pinasigla ang kaniyang boses. Agad naman akong bumaba.
"May problema ba?" tanong ko. Nagulat naman siya dahil sa wakas ay nagsalita ako.
"Ahh...hehehe..mam wala! dati po akong ano.....Class C, Loudetra" nahihiya niyang sabi at bakas ang takot sa boses niya. Magtatanong pa sana ako pero ayoko namang mag feeling close sa kaniya kaya pinili ko na lang manahimik. Nabaling ang atensyon namin sa babae na naglakad papunta sa amin. Nakauniporme siya kagaya ng ibang mga estudyante dito.
" Oh Harold! Kamusta?" nakangiting tanong niya sa driver.
"Nena! heto, maayos naman. Sige! mauna na ako at malapit nang magbreak time!" sabi niya. Nang makababa ako ay nagmamadaling umalis yung driver na si Harold.
"Miss tara na!" sabi naman ni Nena.
Habang naglalakad papasok masasabi ko na ito ang pinakasimple sa lahat medyo mabanas ng kaunti nang makapasok na kami dahil mukhang walang aircon dito. Agad niyang hiningi ang dorm number ko (119). Nakatungo lamang siya hanggang sa nakarating na kami sa floor kung nasaan ang magiging kwarto ko.
Nang bumukas ang elevator ay mabilis siyang lumabas at inihatid ako sa pinto ng room ko.
"Ahh... i-ito yung kwarto mo miss." sabi niya at tumango na lang ako.
"Salamat" sabi ko at umalis na siya.
Agad kong hinanap ang susi ng aking dorm at sa pagbukas ko ng pinto ay hindi na ako nagulat pa sa espasyo ng silid. May mini sala, lamesa at mini kitchen. May isa pang kwarto at nang pumasok ako ay bumungad sa akin ang mga gamit ko kasama ang uniporme na aking susuotin bukas na nakalapag sa kama ko. Nilibot ko ang aking kuwarto at nakita ko na may study table at banyo dito sa loob. Totoo nga ang sinabi nila na kahit nasa mababang class ka ay maganda pa din ang tutuluyan mo sa unibersidad na ito.
Napagpasyahan kong ayusin ang aking mga gamit at magpahinga. Hindi na ako lumabas dahil may pinadala naman sa akin na nasa luggage ko na pagkain kaya hindi ako magugutom.
Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock at napansing gabi na. Bumangon ako at kinain ang adobo na ipinadala sa akin kasama ng mga gamit ko. Pagkatapos ay aking tiningnan ang aking schedule at napansin kong may event bukas. Binuksan ko din ang cellphone ko upang kumpirmahin ito. May isang e-mail pa akong nabasa, wala masyadong impormasyon sa event na gaganapin bukas.
Pinagmasdan ko din ang aking uniform at napansin ang kulay puti na necktie at may nakapatong dito ang bracelet na may plate. Nakaukit doon ang aking magiging section (3D). Habang nakatitig sa aking uniporme ay bigla kong naalala yung driver na sinabing dati siyang Loudetra.
Lumabas muna ako sa kwarto ko para uminom ng tubig. Habang umiinom ay narinig ko ang malakas na pagkatok sa pinto. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang isang maliit na babae.
"Ahhhhh!" sigaw ng isang babae habang nakatingin sa mukha ko.
"Jusko miss papatayin mo ba ako sa gulat!?" sigaw niya. Ano bang ginawa ko?
"Ahhh s-sorry, a-ako nga pala si B-brena Vibar! Ako nga pala ang president ng Class C, Loudetra. Ako ang nagmomonitor sa lahat ng Class C dito sa RDU. Kapag may concern ka or problem sa building natin o sa room mo, d-don't hesitate to ask me ha. Pinapunta ako dito ni Mr. Braul para i-welcome ka. " sabi niya niya at hindi mawawala ang ngiti niya. Sa unang tingin ay aakalain mong simpleng estudyante lamang siya sa unibersidad na ito pero kung titingnan mo ang uniform niya ay may tela sa bandang kaliwang braso niya na kulay puti at nakaburda din dito ang pangalan, class at posisyon niya
Kanina pa siya nakatitig sa maskara ko. Bilang tugon ay tumango na lamang ako. Napansin ko naman na sumulyap siya sa kaniyang wristwatch.
"Uhmmm...k-kailangan mo ba ng t-tulong mamaya?...a-ano k-kasi..tutunog na kasi mamaya yung mga gong sa buong school. I-ipapakilala d-din sana kita sa ibang officers ng Loudetra. " naiilang niyang sabi.
"Hindi ako pupunta" sabi ko. Tila napitlag siya nang magsalita ako. Bakit ba lahat ng nakakausap ko dito kung hindi napipitlag, natatakot?
"H-hindi mo pa ba n-nabasa ang rules and regulations ng university? Required ang lahat ng students sa university na pumunta sa Breadiner everyday. Pinaparusahan kasi ang mga estudyante na hindi napunta sa Breadiner. Pati na din ang Classes Officers, kami." bakas ang takot sa mukha niya. Kinuha ko naman ang cellphone ko sa aking bulsa at ipinakita ang e-mail na nabasa ko kanina, mula ito kay Braul.
"Ahhh...okay, hindi kasi sa akin nasabi ni Mr. Braul." mukhang nakahinga siya ng maluwag nang mabasa ito. Narinig namin ang pagtunog ng cellphone na hawak niya.
"Teka lang ha" sabi niya sa akin at sinagot niya ang tumatawag sa cellphone niya.
"Oh Carlos napatawag ka?" bungad niya sa tumatawag sa kaniya.
"Oo ako nga, Sige pupunta na ako" nang matapos ang tawag ay hinarap niya ako ulit at nagpaalam.
"Uhmmm..una na ako miss! nice to meet you!" nagmamadali siyang umalis sa harapan ko at naglakad papunta sa elevator.
BINABASA MO ANG
Araksam El Sur
Teen FictionMay mga bagay na hindi mapigilan at hindi inaasahan. Gaya ng oras, wala kang magagawa kundi sumabay sa pagtakbo nito. Mga pagkakataon na akala mo hindi mo na ulit mararamdaman at mararanasan ang isang bagay, yun pala humahanap ng tiyempo para maramd...