CHAPTER 12

58 9 5
                                    

TWELVE

"YOUR girlfriend?" tanong ni Axton habang nakadungaw sa cellphone ni Carlo.

"Hmm," maikling sagot ni Carlo at nagtype ng mabilis.

"You can tell her," Axton shrugged. "But the more she knows the more risk she'll be in." Mukhang nagtatampo na kasi ang girlfriend ni Carlo base sa mga messages nito.

Napatingin si Carlo kay Axton, nag-iisip. He sighed then pressed the video call button. After a few seconds of ringing, the receiver of the call answered and a face of a beautiful lady appeared on the screen. She doesn't look pleased though.

[Bakit?] Halata ang iritasyon sa boses ng babae. [Busy ka 'di ba? Bakit ka pa tumawag?] nakasimangot na tanong nito. [Sem break niyo naman, pa'no ka naging busy?]

"Ganito kasi 'yan," panimula ni Carlo. "'Di ba no'ng biyernes pumunta kami sa Natividad?" Tumango naman ang kasintahan niya. "May nahanap kami...o may nakahanap sa'min. Basta! Tapos 'yong nahanap namin na 'yon... ano..." nagaalangang sabi niya. "Nagkaroon kami ng powers?"

Napakunot ang noo ng kasintahan ni Carlo, gulat at nagtataka. [Grabe nang palusot 'yan ah? Sabihin mo na lang kasi kung bakit ka busy. Hindi naman ako magagalit kung talagang importante 'yan. Gusto ko lang malaman kung ano'ng ginagawa mo.]

"'Yon nga," sagot naman ni Carlo. "May powers na kami. Ngayon kailangan naming magtraining, practiceing kontrolin kasi raw may kalaban na paparating na sisira sa mundo. Totoo 'to promise! Kung nakikita mo lang sana 'tong katabi ko ngayon, maniniwala ka."

"Show her your ability," singit ni Axton kaya napatingin sa kanya si Carlo.

[May kasama ka riyan?]

Bumalik ang atensyon ni Carlo sa cellphone niya. "Oo, siya 'yong may powers nitong na sa'kin ngayon. Wait, papakita ko," sabi niya at pinatayo ang cellphone bago siya tumayo at lumayo nang kaunti para makita ang buong katawan niya sa camera. "Alam ko, mahirap paniwalaan. Ang weird pa rin sa pakiramdam 'pag sinasabi kong may powers ako."

Tumitig siya sa sahig at pinakiramdaman ang katawan. His breathing was relaxed and his mind was clear. Isa lang ang iniisip niya, 'yon ay ang armas na gusto niyang gawin. After a moment, violet energy started forming around him that was concentrating on his palm as a sword slowly emerged.

Carlo grabbed the sword when it finished forming and looked at his cellphone. Doon niya nakita ang kasintahang gulat ang ekspresyon. "Ito, ito'ng dahilan kaya hindi kita nacha-chat. Kinakabisado ko kung pa'no mabilis makagawa ng armas."

[Totoo ba 'yan?]

Tumatangong bumalik sa pagkakaupo si Carlo pagkatapos pawalain ang hawak na espada. "Totoo, walang halong effect. Papakita ko sa'yo sa personal 'pag nagkita tayo. 'Wag ka nang magalit?"

[Hindi naman ako galit.]

"Magtampo. 'Wag ka nang magtampo."

[Hmm,] she replied, nodding. [Magti-training ka pa ba?]

"Oo eh, masyado raw mabagal paggawa ko ng armas."

[Sige, chat ka na lang 'pag tapos ka na.]

They just bid each other goodbye before ending the call. Tumayo si Carlo mula sa pagkakaupo at lumingon paharap kay Axton. "Tara."

"What's her name?" tanong ni Axton habang sinusundan si Carlo sa lugar na pinagti-trainingan nila.

"Bakit?" tinaasan ni Carlo ng isang kilay si Axton.

Axton raised his eyebrows and both of hands. "Hey, I don't mean anything. I just want to know her name, that's it."

Tinitigan muna ni Carlo si Axton bago nagpatuloy sa paglalakad. "Celena," maikling sagot niya. "Meaning moon, sakto kasi parang moon naman siya sa'kin. Kapag malungkot ako pinapasaya niya ako. Lights up my world when it's dark gano'n."

12 STEM-8Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon