Heir 52: Twisted Past

92.7K 2.3K 729
                                    

Heir 52: Twisted Past

Princess Light’s POV

Nakatulala ako habang yakap yakap ko ang sarili ko. Naalala ko na ang kakambal ko, ang nag-iisang kasangga ko, ang parang kabiak ng buhay ko. Patuloy pa ding tumutulo ang mga luha ko. Ang sakit sakit...

Ang sakit noong, bakit iyong mismong kakambal, iyong mismong pinakamalapit sa’yo ang makakalimutan mo. Mas matinding sakit pa ito, noong malaman kong nakalimutan ko ang lalaking bumihag sa puso ko, kasi mismong kadugo ko, mismong parang kalahati na ng buhay ko, mismong nag-iisa kong kapatid at ate ko, kinalimutan ko.

Ang sakit. Napa-palo palo na lang sa sarili ko. “Ate G-Gloom...” Hirap na hirap na banggit ko. Hindi ko nga alam, kung may karapatan pa akong, tawagin siyang ate, hindi ko din alam kung mapapatawad niya pa ako sa nangyari.

Eto pala iyon? Eto pala iyong mismong dahilan kung bakit ko kinalimutan ang lahat. Nakakamatay pala iyong nalaman ko, kaya pala all this time... Kaya pala all this time, ganun ang pakiramdam ko, parang may malalaman akong nakakamatay. Kaya pala... sobrang kulang ng pagkatao ko, dahil kinalimutan ko siya.

Kinalimutan ko siya. Ako ang nag-decide na kalimutan siya. Ako. “Ahhhh!” Mapait na sigaw ko, habang umiiyak. Ang selfish ko, ang damot damot ko, ang sama sama ko. Ilang segundo, minuto, oras, buwan at taon na ngumingiti ako, na tumawa ako, na nagpapakasaya ako, parang ni minsan hindi ko naging deserve iyon, dahil sobrang laki ng kasalanan ko. Sobrang laki na tila, wala ng kapatawaran.

Habang tumutulo ang mga luha ko, unti-unti parang movie, bumalik ang mga masasayang ala-ala niya saakin. At sa pagbalik noon, hindi ko mapigilang mapahagulhol, hindi ko mapigilang masaktan ng todo.

Gamit ang buong lakas ko, dahandahan akong tumayo, at naglakad papunta sa isang sulong. Doon nakakita ako ng isang malaki at makapal na photo album, tuloy tuloy ang pagpatak ng luha ko ng makita ko iyon. Dahandahan umupo ako sa kama ni Ate Gloom, saka ko hinawakan ng mahigpit ang album. Medyo magabok na ito, at madumi na, pero pinunasan ko lamang ito, at saka ko hinaplos ang front cover nito.

“In gloom there’s light, and in light there’s gloom.”
—Empress Gloom and Princess Light Smith.

Ang mga pinong kabit kabit na sulat na iyan, ang nakalagay sa front cover. Kasama ang picture naming dalawa noong mga isang taong gulang pa lamang kami. Napangiti ako ng mapait at hinaplos ang litrato niya. Miss na miss na kita ate...

Marahan ko siyang binuklat sa kasunod na pahina. Napahagulhol ako sa nakita ko doon. Medyo lumang luma na iyong litrato, pero kilalang kilala ko pa din kung sino ang nandoon.

Si Mom at Dad, parehas silang nakangiti ng sobrang lapad sa litrato, nakahawak si Dad sa tyan ni Mom na medyo malaki na. Pinahid ko ang mga luhang tumutulo galing sa mata ko. Hinaplos ko ang isa pang-picture, isang ultrasound picture. Aaminin ko hindi ko maintindihan ang ultrasound picture at kung nasaan ako, at si ate dyan. Pero alam ko, pareho kaming andun.

Pinunasan ko iyong isang parte na may nakalagay na caption. Sulat kamay ni mom.

“It’s one of the happiest moment of our lives. We’re having twins—girl twins! It’s already been 6 months, when are you going to come out our little precious gifts from God?”

Lalo akong naiyak sa nabasa ko. Kasi ramdam na ramdam ko iyong kasiyahan ni mom at dad, iyong mga masasaya at sobrang inosenteng ngiti nila sa picture. Kailan ko kaya ulit iyon makikita?

Kahit sobrang hirap para sa’kin, buong lakas kong binuksan ang kasunod na pahina para makita ang mga pictures—andun ang mga pictures ni mom, habang hawak hawak niya ang malaking tyan niya habang binabasahan niya ito ng isang kwento, meron ding picture kung saan, may headphones na nakatapat doon. Napa-pikit ako ng madiin dahil doon. Ang sakit sakit... kami ni ate Gloom ang pinaka-iingatan ng parents namin, sa mga ngiti pa lamang nila sa mga litrato kahit hindi pa kami ipinapanganak, kitang kita ko na ang tila, walang hanggang kasiyahan... Kung masakit sa akin ang lahat lahat, paano na sa parents ko?

The Gangster HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon