Piyesa

9 0 0
                                    

    Tinatanging Bukang-liwayway,

Ako'y sumusulat sayo ngayon dahil nais kong iparating ang aking pasasalamat.

Hindi ko sukat akalain na ako'y malilibang sa pag tugtog ng piyesa ng iyong presensya't pagmamahal.

Salamat dahil hindi lang pag basa ng nota ang iyong itinuro sa puso kong sira-sira.

Sa paglipas ay nadadagdagan ang kaalaman ko sa buong pagkatao mo.

Nais kong iparating sayo na ako'y nagagalak sa tuwing tinuturuan mo ako.

Lalong-lalo na nung itinuro mo sa akin ang tamang pag tibok ng puso.

Nabibighani ako sa iyong ganda. Lagi akong natutulala sa iyong mga mata.

Ikaw ang nilalaman ng mga tula kong hindi maitugma.

Ikaw ang naging laman ng bawat musika ng pumipintig kong puso.

Ngiti mo ay napakagandang ipinta.

Hiling ko na panatilihiin mo ito sa iyong mukha at wag mong hayaang mabura ng kahit na ano.

Humahanga, Takipsilim. 

From Dusk through DawnWhere stories live. Discover now