Chapter 2

5 0 0
                                    

*KRRRIIIINNNGGG*



Naalimpungatan ako sa tunog ng alarm clock ko. Humikab muna ako at nag-unat unat. Nagsabi nga pala ko kay Daniel kagabi na pupunta ko sa kanila. Nagpunta na kong banyo at naligo. Nagbibihis na ko ngayon nang maalala kong 2nd anniversary na namin bukas. Ano kayang magandang i-regalo? Hmmm. Maitanong na nga lang siya mamaya.


*ring ring ring*


Calling..

Tita Daniella


(Hello Yas?)


"Yes tita?" may excitement sa tono ng boses ko. Excited na kasi kong bumili ng regalo para bukas kay Daniel.


(Yas? *sob sob*) Kinabahan ako sa hikbing narinig ko galing kay tita.


"Tita, umiiyak ka ba?" nag-aalalang tanong ko. Hindi niya ko sinagot pero narinig kong umiiyak na siya. "Tita?! Ano pa bang problema?! Bakit kayo umiiyak?!" napapasigaw na ko.


Kinakabahan na kasi ako. Kung ano-ano ng negative thoughts ang pumapasok sa isip ko.



(Pumunta ka sa St. Luke's Hospital. Dito ko na lang sasabihin sayo.) *toot toot toot* Nagmadali akong kumilos para makarating agad doon.



Nang makarating ako sa hospital. Tumakbo ko paakyat ng hagdan. Nasa second floor pa lang ako nang may makita kong isang babaeng nakaluhod habang umiiyak.



Si tita Daniella. Hawak-hawak siya ni Desiree, kapatid ni Daniel na umiiyak rin. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Sobrang bilis na rin ng tibok ng puso ko. Hindi ko namalayang nasa tapat na ko nila tita Daniella.



"T-t-tita?" nauutal kong tawag. Napalingon silang dalawa sakin.


"Y-yas. *sob sob sob*" niyakap niya ko.



Tumigil na si tita sa pag-iyak pero nanghihina pa rin siya kaya umupo muna kaming tatlo sa upuan.



"Tita, ano po bang nangyari?" napipiyok na ko. Pinipigilan kong umiyak. Pero, alam kong nangingilid na yung mga luha ko sa mata ko.


"He's gone. Wala na yung anak ko *sob sob sob*. Alam mo ba kagabi? Gustong-gusto ka niyang makita. Binabalak pa nga niyang umalis ng bahay para makita ka. Pero, pinigilan ko siya. Natatakot kasi akong baka may mangyari sa kanya *sob sob*"


"May brain tumor siya. Hindi niya ipinaalam sayo, dahil ayaw ka niyang mag-alala. He loves you so much! Lumaban siya kanina. Pero, sa huli *sob sob* hindi na rin niya kinaya. Here~" may inabot sakin si titang isang regalo. "Gift niya daw sayo sa anniversary niyo bukas. Sabi niya, kung mawala raw siya sa oras ng anniversary niyo. Ako na ang magbigay sayo nito."



Hindi ako makapag-salita. Hindi ko na ring napigilan na umiyak. Ang bigat ng puso ko. Pakiramdam ko, pinag-pira-piraso siya.



"Hindi niya ipinaalam sayo, dahil ayaw ka niyang mag-alala. He loves you so much! Lumaban siya kanina. Pero, sa huli *sob sob* hindi na rin niya kinaya. Here~" may inabot sakin si titang isang regalo. "Gift niya daw sayo sa anniversary niyo bukas. Sabi niya, kung mawala raw siya sa oras ng anniversary niyo. Ako na ang magbigay sayo nito." Hindi ako makapag-salita. Hindi ko na ring napigilan na umiyak. Ang bigat ng puso ko. Pakiramdam ko, pinag-pira-piraso siya.


"G-gusto k-ko p-po s-siyang m-m-m-makita." naiiyak kong sabi. Tumingin si tita sa gilid niya. Tinignan ko rin yung tinignan niya. Hindi ako makapag-lakad ng maayos. Pero, pinilit ko.


Pagpasok ko sa loob~ May nakita kong nakahiga sa isang kama. Nakataklob ng kumot na puti mula ulo hanggang paa. Napaluhod ako. D-dan? Bakit mo ko iniwan? Lumapit ako sa kinahihigaan niya. Tinanggal ko yung kumot na nakatalukbong sa kanya para makita ko yung mukha niya. Maputla. Napatakip ako sa bibig ko.


Hindi na tumigil kakatulo yung mga luha ko. Naninikip na yung dibdib ko. Kumuha ako ng upuan at umupo sa tabi ng kama niya. Hinawakan ko yung kamay niya. Malamig na. Napahagulgol na ko sa iyak.



"Bakit Dan? Bakit mo ko iniwan? Bakit hindi mo sinabi sakin 'to? Sana.. sana.. sana pumunta ko agad sa tabi mo kagabi. S-sorry. Sorry. M-mas inuna ko pa yung thesis na yun kaysa sayo. Sorry talaga. Sana, mapatawad mo ko. Siguro kung nasa tabi mo ko kagabi, baka hindi nangyari 'to sayo. Kasalanan ko."


"K-kung inalam ko lang sana yung sakit mo.. Sana, naalagaan kita. Baka, baka, hindi mo ko, kami iniwan *sob sob sob*. Kasalanan ko talaga 'to. Sorry *sob sob*" Napalingon ako sa nagbukas ng pintuan.


"Excuse me miss, pero kailangan na po siyang dalhin sa morgue." lumapit sakin yung nurse.


"*sob sob* S-saglit lang, p-please?" nginitian at tinanguan na lang ako ng nurse saka lumabas.


"Dan?" hinawakan ko siya sa kamay at noo. Hinimas himas ko yung buhok niya. Tumutulo pa rin yung mga luha ko hanggang ngayon.


"Mahal na mahal na mahal kita. Sorry talaga kasi hindi ako nakapunta kagabi ha? S-salamat sa regalo mo sakin para b-bukas," huminga kong malalim.


"Lagi mo kaming babantayan ha? Tandaan mo lang na, mahal na mahal kita. Hindi ko alam kung makakahanap pa ko ng katulad mo. Dahil ang alam ko, wala ng makakapalit sayo sa puso ko." tumayo na ko. Unti-unti kong nilalapit ang mukha ko sa mukha niya. Hinalikan ko siya sa noo.


"I love you Dan. Happy advance anniversary." matapos kong sabihin 'yun, 'e napahagulgol na naman ako. Tumayo ako at lumabas na ng room niya. Pumasok naman yung nurse kanina pero ngayon may kasama na siyang dalawa pang nurse. Inilipat na nila sa isang higaan na may gulong sa baba. Iyak ng iyak si tita habang nakasunod sa mga nurse papuntang morgue.

You'll be safe hereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon