I: Tainted

13 2 0
                                    

Dedicated nga pala sa idol ko. Sorry po kung sabaw. Kapit lang kayo.


Maxine 


"Stop being so immature, Maxine. For fuck's sake you're turning 16 next month."



Eto na naman po tayo. Pinapagalitan na naman ako ni Ate. Naiinis lang talaga ako dun sa kaklase kong dinaig ang clown sa kapal ng make up. Sinampal niya ako e. Akala niya palalampasin ko 'yon? Oh, hell no.



Instead of arguing, I just rolled my eyes. Whatever. I'm in highschool, who the hell would want to have a boring teenage life? Ayoko. Uhaw na uhaw ako sa freedom. It just feels so good to be free. But with my parents and sister around, mukhang hindi pwede 'tong ninanais ko. But I do enjoy the little freedom that I have now.



Pumanik ako sa taas para magbihis. Pupunta ako ngayon sa karera whether my sister likes it or not. Sinuot ko ang ripped jeans ko at ang isang black na tank top. Naglagay ako ng konting eye liner at itinali ang mahaba at maitim kong buhok na may red highlights. Kinuha ko 'yong leather jacket ko na nakasabit sa likod ng pintuan at 'yong susi sa kotse ko na nakapatong sa side table at dahan-dahang lumabas mula sa bintana. Don't worry, I'm used to this.



Pagdating ko sa tapat ng sasakyan, agad akong sumakay at nagmaneho sa kung saan ang iho-hold karera.



Agad namang nagsimula pagkarating ko. Kilalang-kilala ako dito. Lagi akong pumupunta dito e. Without the knowledge of my family, of course.



After minutes of over speeding through the race track, agad namang nag-announce na nanalo na naman ako. I smiled at nagpaalam na. For sure hinahanap na naman ako ni Ate. Tss, bakit ba ang bait niya? Bakit ba napakamasunurin niya? Kaya mahal na mahal siya ng buong angkan e.



Napabuntong hininga nalang ako. I don't like comparing myself to my sister. Malayo talaga ang ugali namin sa isa't isa. And I accept the fact that she is better than me.



Pagpasok ko sa bahay, agad akong sinalubong ni Ate habang nakataas ang isang kilay. I stared at her for a few seconds at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa taas.



"Where have you been?" She asked. Ang protective niya talaga, minsan nakakainis na. I know she's doing this for my own sake pero hindi ko maiwasang mainis. I think its because of my thirst for freedom.



"Kumain lang ako ng dinner sa labas." Pumasok na ako sa kwarto at isinara ang pintuan.



Nagbihis ako ng puting sando at pajamas. Humiga ako sa kama at nag-instagram saglit. Nagulat nalang ako ng bigla akong nakarinig ng busina ng sasakyan mula sa labas ng bahay. I'm assuming that my parents are home. Inilapag ko ang phone ko sa kama at lumabas sa kwarto para silipin ang baba. Confirmed. Sila nga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fifty First MurdersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon