DN# Where's The Notebook?

595 23 0
                                    


(Jen's POV)

Halos hndi na ako makahinga dhil sa pagod. Tumigil kami sa pagtakbo sa isang pasilyo. Madilim dito at papatay-patay ang ilaw,

Ng matanaw ko ang isang pinto agad ko itong kinalampag. Hndi ako pwedeng magkamali, pinto ito ng dorm ni Vincent..

"Vince! Buksan mo to!! Vince kakausapin kita buksan mo to!!"

Tuloy- tuloy lang ako sa pagkatok pero walang sumasagot mula sa loob. Antahimik ! Nakakatakot yung katahimikan,

"Tabi ."

Agad na sinipa ng malakas ni Travis yung pinto na agad rin nmang nagbukas. Tumambad saamin ang madilim na kwarto,
Wala akong makita... Ang dilim !

"Vince? Nandyan kaba? Vincent?"

Sunod-sunod kong tugon. Agad akong pumasok sa loob, saka ko kinapa yung switch ng ilaw..

"Travis nasaan ka?"

Walang sumagot sa tanong ko.

"Travis ?!"

Napasigaw na ako. "Travis nasaan ka? Vincent ?! "

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad, kahit nababangga na ako sa mga bagay na nadadaanan ko. Nung makapa ko yung switch ng ilaw agad ko iyong binuksan..

Napapikit ako sa silaw na gawa ng bumbilya.......

Pero pagdilat ko------

"Sino ka?!!"

Hndi ko inaasahan ang nakita ko. Isang taong nakasuot ng maskara ng pusa, sa kabila niyang kamay may hawak siyang baril habang sa kabila ay isang matalim na kutsilyo....

"Nice to meet you , Jen... HAHA!"

Kinilabutan ako sa boses niya. Malaki iyon na para bang hinugot pa mula sa kailaliman ng lupa, pero yung tawa niya... Bakit ganun? Kaparehas ng kay---

"Nga pala. Dhil bored ako makikipaglaro ulet ako sayo ,"

Masaya niyang tugon na para bang naeexcite siya sa mga nangyayari.

Kinilabutan ako kaya napaatras ako,

"Sino kaba?! Anong ginagawa mo dito?! Wag mo kong sasaktan!"

Natataranta na ako dhil sa kaba at takot na nararamdaman ko.

"Maglaro tayo. Tawag dito Guessting Game ! Hulaan mo kung sino dito si Travis kapag mali ka mamatay ang isa HAHA !!"

Nanlaki ang mga mata ko. Si Travis? May dalawang nakaupo sa tabi niya pawang mga nakatakip ng sako ang buong mukha. Anong klaseng laro iyong pinapagawa niya?! Nababaliw naba siya?!!

"Paano kung ayoko !"

Lakas loob kong sumbat.

"Ayaw mo? Edi ikaw ang mamatay, madali ako kausap....."

Itinutok niya saakin yung hawak niyang baril. Sh*t ! Nababaliw na siya!!

"So , sa gusto mo man o sa gusto mo maglalaro tayo! Com'on masaya to pramis.. So ano na sino sa kanila si Travis?"

"Etong nasa kaliwa ko......"

Itinutok niya sa lalaking nasa kaliwa niya yung hawak niyang baril.

"O etong nasa kanan..." itinutok nman niya ang hawak niyang kutsilyo sa kanang bahagi niya.

"Tik.Tok. Tik.Tok. Bilisan mo baka mainip ako at patayin ko kayo pare-parehas !"

Nasindak ako ng sigawan niya ako. Napapikit ako ng mata... Sino sa kanila si Travis? Hndi ko pa gaano kakilala si Travis paano ko malalaman kung sino si Travis? At kung sino si Vincent? Sino ba sila?

Sino ang pipiliin ko?

"BILISAN MO !!"

Mas nagulat pa ako dhil sa takot. Agad kong minulat ang mga mata ko, nanginginig at dahan-dahan kong itinaas ang mga kamay ko.
Sino ang pipiliin ko?

Ituturo kona sana ang nasa kaliwa niya ngunit nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Travis sa likod mismo ng salarin na may hawak na vase.

Kaya nman napangiti ako !

"Wala akong pipiliin.."

"Ano?!" Mukhang nainis ang salarin dhil sa sinabe ko.

"Sabi ko wala akong pipiliin ! Dahil wala sa kanila si Travis !!"

Sigaw ko. Pero nagulat ako ng bigla nalang saksakin sa dibdib ng salarin yung nasa kanan niya na nakaupo. Nanlaki ang mga mata ko, lalo pa't ng makita kong napuno ng dugo yung sako na kanina ay puti naging pula na dhil sa dugo ng sinaksak niya...

Teka---- sino yun?! Vincent?!!

"HAHA ! Matalino ka pala eh. Pero wala kailangan talaga niyang mamatay,"

Akmang sasaksakin na ng salarin ang nasa kaliwa niyang tao ng pukpukin siya ni Travis ng vase sa ulo.

Agad na natumba ang salarin !

Tumakbo na ako papalapit sa taong sinaksak niya...

"Fuck you !!"

Nakatayo ang salarin.. Ngayon nakatutok na saamin ni Travis yung baril na hawak niya, agad siyang tumayo at tumakbo palabas ng kwarto.....

Ng makaalis ang salarin,

Nanginginig kong tinanggal ang sako sa ulo ni----------

"Vincent?!!"

Kung siya si Vincent, sino ang isa pang nasa kaliwa niya?!

"Si Mendoza ...." rinig kong saad ni Travis kaya agad akong napalingon sa knya.

Si Ynah , duguan siya at walang malay.. Siya pala ang isa,

"N-note...b-ook"

"Vince !! Please... Wag kang mamatay, please hold on! Sabihin mo saakin nasaan yung Notebook?!"

"Vince nasaan yung Death Notebook?!!"

Unti-unti ng pumikit si Vince... No! Hndi pwede to!!! Siya lang ang tanging nakakaalam kung nasaan yung notebook !

"Vince !!!! Vince....."

Tuluyan na akong nawalan ng lakas. Napahagulhol nalang ako habang yakap ang katawan ni Vincent.....

Tatlo na..... Tatlo na sa mga kaklase at kaibigan ko ang namatay, ilang tao paba ang papatayin mo?

Sino ka ba talaga? Bakit mo to ginagawa ?

Death Notebook (2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon