KLENT'S P. O. V
Busy na si mommy sa paghahanda para sa event mamaya. It was all unexpected event, tita marietta naman kasi eh, ginulantang pa kami na nasa Airport na pala sya.
Nasa kusina sina mommy at ang mga katulong namin, sabi kasi ni mama, invited daw yung mga college friends nya.
Di ako masyadong nakatulong kasi nautusan pa akong bantayan si basty.
"kuya, is it your birthday?" tanong ni basty
"no its not" sagot ko sabay ayos ng mga blocks na laruan ni basty
"if its not then is it mine?" tanong nya ulit
"it is still a no, next year pa ang birthday mo okay?" sabi ko na nag pataka na naman sa kanya.
Napaka pala tanong ng batang to. Nakakairita, minsan parang ayaw ko nalang sagutin pero pag di talaga sya satisfied sa sagot talagang ayaw nyang tumigil eh, naalala ko tuloy si jazz.
Mmmm how I wish she appears tonight.
"kuya I want to drink juice" sabi ni basty kaya kumuha na ako sa kusina
"yaya minda pahingi po ng juice, gusto po kasi ni basty" sabi ko
"iho, ako nalang ang magbibigay kay basty ng juice nya, pakitawag nalang ng mommy mo sa labas" utos ni yaya minda
"okay po" sabi ko at lumabas na.
Marami-rami narin palang tao sa labas, parang class reunion nato ah? Akala ko friends of friends lang.
Madali Kong nahanap si mommy tapos sumingit na ako sa usapan kasi babalikan ko pa si basty sa loob.
"mom, hinahanap po kayo dun sa kitchen" sabi ko pa kay mom, pero natigilan din ng nakilala ko kung sino ang kausap ni mommy.
Tadhana you heard my prayers. Thank you
"woah, hi jazz, I didn't expect to see you here but gladly you came" sabi ko nalang kasi di talaga ako makapaniwala, di ko na alam kung anong sasabihin ko haha nakakahiya.
"sabi ko na nga ba eh, malakas talaga yung pakiramdam ko na anak mo ang batang yan eh hahahaha" sabi ni tita jasmine at tuluyan na ngang uminit ang tenga ko.
Sabay pa kami ni jazz na napatingin sa table nila mommy kasi nagkanya kanyang usapan na sila pero ang boses ni tita jasmine yung umaapaw.
"naku Tina, nasabi ba sayo ng anak mo na nandun sya samin kanina?" naku naman tita, inunahan mo pa.
Na tense ako sa paraan ng pag titig ni mommy sakin tapos naka ngiti pa ng pagka laki-laki, nakakahiya mom, tumigil ka please.
"ahh mom, I was about to tell you but busy po kasi kayo kanina kaya nakalimutan ko na"sabi ko nalang, mommy maniwala ka please, napahawak nalang ako sa batok ko.
" gwapo pala talaga sya" napalingon ako kay jazz kasi narinig ko ang sinabi nya, pero para syang naka tulala sa sahig.
Bigla ba naman nyang tinutop yung bibig nya at parang nagtataka sa sarili nya. Di na nga nya napansin na umalis na yung mommy ko tapos di narin sya pinansin ng mommy nya kasi busy na sa pakikipag kumustuhan.
"you did" sabi ko, sinagot ko lang yung pagtataka nya pero parang nagtataka sya lalo.
"what?" tanong nya pa, sabi ko na nga ba eh.
"narinig ko ang sinabi mo at nabasa ko ang iniisip mo" sabi ko pa at di ko na nga napigilang ngumiti kasi naman eh, nakakabakla pero kinilig ako.
Tumingin pa sya sa table tapos nagpa linga - linga
"no worries wala silang narinig" panigurado ko pa sa kanya.
Gusto kong pitikin yung noo nya kasi natutulala talaga sya minsan eh. Parang ang lalim lagi ng iniisip. Kasali nga kaya ako sa mga iniisip nya?
Bigla ba naman syang tumalikod at naglakad palayo.
Tumalikod nalang ako at pumasok na sa bahay.
Hinarang ba naman ako ni mommy sa may pintoan ng kusina.
"nauhaw ka?" tanong ni mommy na sobrang laki ng ngiti, kung di ko lang nanay to, matatakot na ako sa ngiti nya.
"ahh opo mom" sabi ko pa at akmang lusutan sya pero deeyymm ang tibay ni mommy
"now I know bakit umuwi ka ngayon na parang abot langit ang tuwa, tell me, pano ka Nakauwi?" sabi ni mommy na halatang nanunukso
"mom, such a long story tsaka may mga bisita kayo oh, dapat sila yung pinapansin nyo ngayon" sabi ko pa
"aba! Binata ka na nak, ngayon pinagsasabihan mo na ako ha? Sige mamaya mag uusap tayo pagkatapos ng party, sa ngayon, lumabas ka at kausapin mo yung mga pinsan mo, oh di kaya ay kausapin si jazz-"
"moommm, stop it, baka marinig kayo" saway ko kay mommy, naka kahiya kaya.
"narinig ko nga kayo, and who's jazz?" tanong ni dad at nagpa lipat-lipat ng tingin sa amin ni mommy
"go ask your son honey" sabi ni mommy at ngumiti na naman.
"who's jazz KD?" tanong pa ulit ni dad, sya lang ang tumatawag sakin ng KD.
"momm, please stop dad for me, I will tell you later" sabi ko pa at patakbo ko nang pinasok ang kusina para uminom ng tubig. Para akong na-choke Bigla.
Nakita ko namang lumabas na sila ng kusina na nag-akbayan. That sweetness, that's the reason why I believe destiny, that's the reason why I kept my faith of fate and let it lead my way to jazz.
"pahinging tubig klent" nabigla pa ako nang biglang sumulpot sa kusina si liezel at jazz.
"oh, para ka namang naka kita ng multo"
Sabi pa ni liezel"Bigla ba naman kayong sumusulpot eh" sabi ko pa
"sorry na Hahaha, pahinging tubig, nagsawa na yung lalamunan ko sa juice eh, kanina pa ako nag juice" sabi ni liezel, pansin Kong ang tahimik ni jazz at laging nakayuko.
"isang baso lang ba?" tanong ko kay liezel at ngumuso kay jazz.
Ngumiti naman si liezel ng sobrang nakakaloko, isa pato.
"jazz, diba iinom ka ng tubig?" sabi ni liezel sabay siko kay jazz
Wag naman ganun liezel, nasasaktan si crush uyy.
"ha? Ahh hindi ah, a-ahy oo pala, pahingi narin" sabi nya tapos isang sulyap lang sakin tapos Tumingin na agad sa iba
Hala? Na-awkward kaya sakin si jazz?
Anong gagawin ko?
Binigyan ko na muna sila ng tubig tapos nabigla pa ako kay jazz kasi
"isa pa please" sabi nya ng hindi naka tingin sa akin?
Binigyan ko naman sya at nanghingi pa ulit.
"saang disyerto kaba galing jazz? Uhaw na Uhaw ah?" pabiro ko nalang para kahit papano mawala yung awkward saming dalawa. Natawa naman si liezel sa sinabi ko.
Joker ba ako liezel? Ha? Joker ako?
"gusto ko lang uminom ng tubig bakit? Di ba libre yun? Teka m-magbabayad ako" uutal-utal na sabi ni jazz
Di ko napigilang tumawa pati narin si liezel.
For the first time nakita Kong nag pout si jazz, ang kyuuutttt.
BINABASA MO ANG
RIGHT WHERE I BELONG
Teen FictionDo you believe in Destiny? Do you believe In perfect timing? Do you know what or who has the bigger value that matters you the most? What if there is a time that comes and you were thinking that it was the perfect time for you, would you take the ri...