[PLEASE‚ SAVE ME FROM THIS HELL]
Ainara's point of view-
Lumalalim na ang gabi kaya't nandito kami ng mga anak ko ngayon sa kagubatan at naghahanap ng makakain. Sa aming paglilibot‚ may nakita kaming kuta kung saan maliwanag ito.
"Ina‚ may naaamoy akong kakaiba‚ at nagmumula roon ang amoy." Wika pa ng aking anak na si Dianne‚ sabay turo sa kuta.
"At naririnig kong may humahagulhol sa kinaroroonan ng kutang iyon." Tugon pa ng aking anak na si Maica.
"Puntahan na natin ang kutang ito kung ganoon." Dagdag pa ni Gaia.
"Kung gayon‚ tayo na't palibutan ninyo ang kuta." Utos ko pa sa aking mga anak‚ at ganon nga ang kanilang ginagawa.
"AAAAHHHH!" Sigaw pa ng babaeng tumatangis nang pumasok ako sa kuta.
"At may hapunan na kami ngayon!" Wika ko.
"Sino kayo? Anong gagawin niyo sa akin?" Tanong pa niya sa amin.
"Ngayong gabi'y katapusan mo na‚ kakatayin ka na namin ngayon." Sagot ko naman sa kanya.
"M-Mga b-bampira k-kayo?" Natatakot na tanong ng babae sa amin nang ilabas namin ang aming mga pangil.
Nawalan ito ng malay at natumba sa kanyang kinatatayuan‚ "Lapitan niyo na siya't dalhin sa ating kaharian." Utos ko sa aking mga anak.
"Masusunod‚ Ina." Aniya‚ at hinawakan na nila ang babae.
Indigo's point of view-
Kasama ko ngayon sina Atlas‚ Kiel‚ at Shane na naglilibot upang hanapin ang kakambal kong si Ingram.
"Nasaan na ba itong si Ingram? Jusko‚ alam naman na niyang delikado ngayon eh!" Kinakabahang tanong ko sa sarili ko.
"Hays‚ ito talagang kakambal mo kahit kailan‚ sobrang lagalag." Wika pa ni Shane sa akin.
"Humanda sa akin yung babaeng iyon‚ papagalitan ko talaga iyon." Naiinis kong sabi.
"Hays‚ baka naman nagtanan na iyong kapatid mo‚ o 'di kaya'y nakipag-kita do'n sa Tanyel na nakilala niya." Sabi pa ni Kiel.
"Hibang ka ba? Kakakilala niya lang sa taong iyon tapos sasama siya ng ganon-ganon nalang?" Inis kong tugon kay Kiel.
"'Di basta-bastang nagtitiwala iyon‚ Bro! Pinsan ko siya at kilala ko na siya simula bata pa kaming tatlo." Dagdag pa ni Atlas.
"Oh my God‚ guys! Hindi kaya'y kagaya ng iba pa nating kasamahan‚ napatay na siya ng mga sinasabi niyong bampira?" Pasigaw na tanong ni Shane sa amin‚ "AAAAHHH!"
"Alam mo Shane‚ ang oa mo!" Sabi pa naming tatlo‚ nagkatinginan kami sa isa't-isa at natawa.
"Ay! Sabay talaga? Para dama?" Pilyong tanong ni Shane.
"Ewan ko sayo Shane‚ puro ka kalokohan." Sabi pa ni Atlas sa kanya.
"Oh siya‚ hanapin na natin yung kakambal ko‚ natatakot na ako para sa kanya eh!" Sambit ko.
"Fraternal twins nga talaga kayo ni Ingram. Ikaw matatakutin‚ siya hindi." Sabi pa ni Kiel.
"Tse!" Tanging sabi ko at diniwalan siya.
Ingram's point of view-
Kasalukuyang natutulog si Tanyel‚ at habang mahimbing siyang natutulog‚ nakahiga parin ako sa braso niya at tinititigan ko ang gwapo niyang mukha.
YOU ARE READING
CHASED AT THE FOREST
VampireCHASED AT THE FOREST Synopsis: The story that revolves around the nine friends who are camping in a dense forest. But unexpectedly‚ something horrible happened in the forest which caused the death of other campers. Unbeknownst to everyone‚ the said...