◀Jonelle's Note :▶Okay, I just want to share my feelings right now. Well, hindi pala now. Kanina pala nung magising ako. OMG. Diba karaniwan pag natutulog tayo hindi natin feel ang dreams natin pero itong panaginip ngayon . Grabe ! Feel na feel ko. Holding hands daw kami ng isang Yuri Furukawa. Gosh ! At hindi lang daw holding hands .Holding hands while walking at may intertwined effect.
Gosh! Kinikilig ako hanggang ngayon na sinusulat ko 'to.
PS. Miss ko na ang Mischievous kiss : Love in Tokyo and Mischievous kiss 2 : Love in Tokyo. Maybe in the near future sina Honoka Miki at Yuri Furukawa ang gawin kong lead sa next novel ko. HahahaHannah Mikaella's Pov
Sinag ng araw ang nagpagising sa tulog kong diwa. Unti unti kong minulat ang aking mata at hindi pangkaraniwang kwarto ang sumalubong sakin. Sandaling nilibot ng aking paningin ang buong paligid.
Teka ! Hindi naman ito ang kwarto namin ni Alissa diba ?
"Nasaan ako?" sabi ko ng makaupo na ako sa may kama. Pero pagkaupong pagkaupo ko ay may naramdaman akong masakit sa may parteng ibaba at ngayon ko lang napansin na hindi ko na pala suot ang suot ko kahapon.
Kaya agad akong napayakap sa kumot na syang tanging bumabalot na lang sa hubad kong katawan. Ipinikit ko ang aking mga mata pero sadly , wala akong maalala .
"Hindi na sya naawa sakin. Wala naman akong ginawan ng masama ah?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at isa isa ng nagsibagsakan itong mga luha ko.
Napahagulgol na ako habang yakap yakap ang kumot na syang tanging nagtatakip ng mga maselang bahagi ng katawan ko.
Nanatili akong umiiyak hanggang sa naisipan kong tumayo na dahil walang mangyayari sakin kung mananatili ako dito na umiiyak .
Dahan dahan akong tumayo dahil nananatili paring masakit ang maselang bahagi ng katawan kong 'yon. Napasinghap na ako dahil sa sakit at may mga ilang piraso ng luha ang syang tumulo mula saking mga mata.
Kahit masakit ay pinilit kong kayanin at nung tuluyan na akong nakatayo ay maluluha akong tumingin sa bed sheet na nakanina lamang ay hinihigaan ko.
Napatakip ako ng bibig at napahagulgol na ako. Tama nga ang hinala ko. Kinuha nya . Kinuha na lang nya basta ang pagkababae ko. Ang kapal kapal ng mukha nya. Wala syang puso .
Napatakip na ako ng bibig habang umiiyak dito ng biglang nagring ang phone ko. Pero bago ko kunin ang phone ko ay muntikan na akong bumagsak dahil sa nakita ko.
Ang mga damit ko , nakakalat sa sahig at halos lahat ay punit punit. Sinadya nya ang lahat. Ginawa nya akong hayop .
Nakatakip bibig kong kinuha at sinagot ang tawag . "Hello" lumuluha kong sagot sa tawag .
"Hannah , kumusta nakatulog ka ba - Wait , Hannah bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ni Alissa sa kabilang linya .
"A-alissa .. " parang hindi ko maatim na sabihin sa kanya. Iniisip ko pa lang nasasaktan na ako.
"Anong nangyari ? May problema ka ba ?" Nag-aalala nitong tanong.
"S-someone just raped me Alissa--"
"Raped ? Gosh ! Who ? Sino?" natatarantang nitong tanong sakin. Kung hindi lang ako natatakot at kinakabahan sa sitwasyon kong 'to baka natatawa na ako sa reaksyon nya.
"H-hindi ko alam"
"Where are you? Nasa resort ka pa ba?" nag-aalala nyang tanong .
"Y-yeah" hindi ko na sya narinig pang nagsalita dahil biglang naputol ang linya pero bago maputol ang linya ay may narinig ako sa background na parang makina ng sasakyan.
Oh no ! Don't tell me .Nakauwi na sila at ako na lang ang naiwan dito?
And because of that thought. Napatakip ako ng bibig at pagkatapos ay nalipat ito sa aking mukha.
Who would do such a thing ?
Jonelle's Pov aka Third Person's Pov.
Kaekekan lang ng writer ung jonelle's pov . Haha. Currently kasing nagbabasa ng Seducing Drake Palma. Ayun tuloy. Well, balik tayo sa storya.
Nagtatangis ang mga bangang ni Lance sa galit simula ng nalaman nya ang balitang ginahasa ni Zake ang kaibigan nya.
"Bakit Lance ? Naiingit ka ba?" pang-aasar pa sa kanya ng nakatatanda nyang kapatid. Kahit kailan talaga , malakas ang charisma ni Zake sa mga babae, isa kasing playboy sa paris si Zake at wala syang balak na isuko ang ugali nyang 'yon kaya ginamit nya 'to para makaganti sa kapatid nya.
"Walang hiya ka. Ang kapal ng mukha mo. Hindi mo na nirespeto ang kaibigan ko" nanggigigil na saad ni Lance habang nakakuyom na ang kanyang kamao na anumang pagkakataon ay handa na nyang isuntok ito sa mukha ng kapatid.
Dinuraan muna sya sa mukha ng kapatid bago ito nagsalita . "Bakit Lance, nirespeto mo ba ang desisyon ko nung ayaw kong pumunta ng paris para dun mag-aral ? Nirespeto mo ba ang desisyon ko nun na ayaw kong malayo sayo dahil mahal kita? Na kapatid kita at ikaw ang bestfriend ko nung mga panahong 'yon ..." tumigil si Zake sandali at basta na lang hinampas ng baseball bat sa mukha ang kapatid. Isinuot nya sa kanyang mukha ang ngisi dahil alam nyang hindi sya lalabanan ng kapatid.
Alam ni Zake na lumipas na ang panahon pero nananatiling sarili parin nito ang sinisisi sa lahat. Pero ano nga bang magagawa ni Zake ? Sadyang mabagal ang utak ng kanyang kapatid, masyado ng tumigil dahil sa lihim na pag-ibig nito sa kaibigang si Hannah.
"Kuya, sorry . Kasalanan ko ang lah--" hindi pa natatapos si Lance sa kanyang sinasabi ng bigla na lang syang sikmuraan ng kapatid dahilan para mahirapan sya sa paghinga.
Lance Damian's Pov
"Hanga din ako sayo. Ang panahon lumilipas pero ikaw kagaya parin ng dati. Mahina ka parin" sabi ni Zake habang patuloy parin sya sa pagsuntok sakin.
Hindi ko na lang ininda ang sakit. Alam ko sa sarili kong kasalanan ko ang lahat. Ang pamilya ko, simula nawala si Zake sa buhay nila nagbago na ang pakikitungo nila sakin. Si Hannah, ang babaeng matagal ko ng minamahal ng patago , ngayon ay ginahasa naman ng kapatid ko. Wala na talagang puso si Zake.
"Wala kang puso , Zake. Hindi ka na naawa sa mahal ko" nangingilid na luhang saad ko. Sinira lahat ni Zake ang plano ko.
Sabi ko sa sarili ko, kapag tuluyan ko ng napaglabanan sa sarili ko 'tong galit ko. Tyaka ko na lang aaminin kay Hannah ang nararamdaman ko para sa kanya pero mukhang uli na ang lahat.
"Tss. Anong pakialam ko? Diba mabuti na 'yon. It's like hitting two birds with a stone." at ngumisi pa sya.
Gusto kong tumayo at suntukin sya pero naunahan na naman nya ako . Pinagsusuntok nya ako at pagkatapos ay pinagtatadyakan. Nung nagsawa sya ay pinahid nya ang pawis nya at ngumisi pa.
"Pero wag kang mag-alala . Lil' brother tapos na ang paghihiganti ko sayo. Tapos na ang lahat." tumigil sya at tumawa. "Pwede ka ng bumalik sa pagiging mahina at lampa" pagtatadyakan nya muna ako bago sya umalis sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove with the Heartbreaker ✔️
Teen Fiction" Sometimes fate will push you to the one who will break your heart" Minsan ba ay nagmahal ka na sa kaibigan mo ? Eh , paano kung sa kaibigan mong heartbreaker ? Di pa ba ? Kasi ako, oo nagmahal ako at proud akong sabihin na proud akong sabihin na...