Chapter 41 I'm Yours

5.9K 347 104
                                    

"I get up from bed every morning fueled by the thought that you're mine, now and forever."


Gio POV


"Good evening ho, tita." Masiglang bati ni Irish sa kanyang tita Jazmine ng gabing nagtungo kami sa bahay nila para maghapunan.

"Hi, good evening din!" Sabay halik sa pisnging balik bati rin ni tita Jaz sa kanya. "Pasok kayo!" Sabi niya sabay niluwagan ang awang ng kanilang pinto.

"Tita." Bati ko rin dito sabay halik sa pisngi niya.

"Gio." May ngiting bigkas din niya. "Ang laki-laki na ng mga bata!" Puna niya ng mapansin ang tig-isang batang lalake na karga namin ni Irish.

"Oo nga po e." Nakangiting tugon ko habang papasok kami sa loob ng kanilang bahay.

Nakangiting sinalubong kami ni tita Chyler. "Pwede ng sundan." Biro niya sa amin ni Irish na ikinangiti lang naman ng asawa ko.

"Malapit na pala ang first birthday nila 'no?" Komento ni JC ng lumapit sa amin.

Nasa likod niya si Lauren na binati na kami kanina dahil ito ang nagbukas ng gate para sa amin. Karga niya ang dalawang taong gulang nilang anak.

Kinuha ni tita Jazmine mula sa akin si Gwyn at kinarga ito patungo sa kusina. Nakahanda na pala sila ng hapunan, kami na lang talaga ang hinihintay. Iniupo muna namin ang dalawang bata sa baby feeding chair o high chair para makakain.

Masaya kaming nagkukwentuhan habang kumakain ng hapunan sa harap ng pabilog nilang lamesa. Proud na naikwento ni tita Chyler na lalaban sa championship sa college basketball league ang team ng bunsong anak na si Cryler sa susunod na linggo. Kaya pala wala ito ngayon.

Masaya ding ibinalita sa amin ni JC na buntis siya sa ikalawa nilang anak ni Lauren. I mean, ikatlo na sana kung hindi lang pre-mature 'yong unang baby nila... Maayos naman daw ang pagbubuntis niya ngayon. Seven weeks na daw.

"Sabi ko nga sa kanila, damihan nila para dumami ang magagandang lahi ko." Biro ni tita Chyler. Nahampas tuloy siya ng mahina ni tita Jaz sa hita. "O, bakit hindi ba totoo, hon?" Pa-cute pa nitong tanong sa asawa.

Nakangiting napapailing-iling na lang kami sa mga ito. Kahit na may edad na sila e para pa ring teenager kung magharutan.

"Tsaka kayo," Patuloy niya habang pinaglipat-lipat ang tingin sa amin ni Irish. "Sundan niyo na 'yong kambal habang bata pa kayo." Dagdag niya. "Di ba, Gio?"

Napangiti ako sabay sulyap sa katabi ko. "Si Irish ho tita ang hinahayaan kong magdesisyon sa bagay na iyan, siya naman po kasi ang mahihirapang magbuntis."

"Saka na ho siguro." Segunda ni Irish. "Ang hirap po e!" Saka napatingin sa mga anak namin.

Nabanggit ni tita Jazmine ang tungkol sa nalalapit na birthday nina Gwyn at Ali. Nasambit na ito kanina ni JC pero hindi nasagot ni Irish.

"Hindi pa po namin napag-uusapan, tita." Tugon niya sa tiyahin.

Nang matapos kaming kumain ay inaya ako nina Chyler at Lauren na magtungo sa patio. Doon daw namin ituloy ang aming 'kwentuhan'.

"Mukhang okay naman na kayo ni Irish." Komento ni Lauren habang magkakaharap kaming nakaupo sa rectangular shaped na mesang gawa sa kahoy. May ilang bote ng beer na nasa ibabaw nito.

"Medyo." Sagot ko. "Ang hirap paamuhin e!" May halong birong dagdag ko.

Natawa naman si tita Chyler. "You're married to a Montalban." Saad niya. "Dapat masanay ka na sa kanila."

IrishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon