Chapter 3

13 3 0
                                    


Ewan ko ba anong ginagawa sakin ng tadhana ngayon para bang ang laki ng kasalanan ko sa mundong ibabaw. Ramdam na ramdam ko ang titig nya sa akin kung ang titig lang ay nakakamatay kanina pa ako nakabulagta dito. Nang mahagip na naman ng mga mata ko ang  malamig na tingin nya ay napaiwas ako ng tingin dito medyo umiinit na rin ang pakiramdam ko. Patuloy lang ako sa pag sayaw napapansin ko din na may tsumatsansing sa bandang likod ko siguro ay dahil na din alak ay sinabayan ko na lang ito.


"Want some more fun, Miss?" bulong ng kasayawan ko, yuck amoy sigarilyo. 


Bigla akong naasiwa dahil alam ko ang meaning nito, ngumiti ako para hindi magmukhang bastos at lumayo ng kaunti. Creepy mo huy!


Maya maya na naman ay may malalaking kamay ang humawak sa bewang ko. Pamilyar ang amoy na bumalot sa ilong ko. Hinarap nya ako sa kanya doon na lang ang gulat ko na nanlilisik ang mga mata nito na para bang may ginawa akong krimen sa buhay nya. Napataas ako ng kilay.


"Masaya ka naman sa ginagawa mo huh?" malamig na tanong nya. 


"Oo naman bakit naman hindi." sagot ko at marahang gumapang ang kamay ko papunta sa kanyang dibdib hanggang sa iniangkla ko ang dalawang braso sa kanyang batok. Hindi nakatakas sa aking mga mata ang pagtaas ng kanyang adams apple. Sige pigilan mo pa.


"I badly want to punish you Ara, in my bed" napatagilid ang aking ulo at natawa.


"You have a girlfriend, leave me alone." napapailing kong sagot dito at dumiretso sa table namin ng mga kaibigan ko. Naramdaman ko namang sumunod siya dahil nakatingin na si Kianna sa likod ko. Nagtinginan pa kami at nagsesenyasan gamit ang mata, baliw.


Umupo ako sa couch at kumuha ng inumin at pinag cross ang legs ko, ang tahimik ng table namin paano wala sila Keigh. Naramdaman ko namang gumapang ang kamay ni Drix sa bewang ko na siyang nagpalingon sakin sa gilid ko. Gagawin pa yata akong side chick nitong sirulong ito.


"Bitaw." umigting naman ang panga nito at hinapit ako sa tabi nya lalo. Ano na naman 'to?


Nagtitigan kami na may halo nang inis sa mga tinginan namin naputol na lang ito nang tumikhim si Kianna at napatingin naman ako sa kanya.


"Ahh..baka lang maka damage ulit kayo, baka lang naman" sagot nito at napainom ng alak sa tabi nya.


"Gagawin mo ba akong side chick? 'Yan ba ang binabalak mo?" tanong ko sabay lingon sa katabi kong ewan. Ghost smile  akala nya ba hindi ko halata iyon, so may balak nga ang gago.


"I don't have a girlfriend."tipid nitong sagot.


"Yeah pero merong dinidate at dinadala sa Batangas and Tagaytay?" sarkastikong sagot ko naman dito. Narinig ko ang pag-ubo ni Kianna ngunit hindi namin ito nilingon naramdaman ko din na dumating si Keigh at Josh. Babati pa nga sana ito ngunit nakaramdam yata silang may tensyon sa paligid namin.


"So you're saying that you're jealous?" tanong nito habang naka ngisi, sarap bangasan sa mukha.


UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon