Chapter 17

759 21 0
                                    

Chapter 17  


PAGKATAPOS ng pag uusap nila ni Borris ay agad niya rin pinuntahan ang anak na siya namang nasa pack house. Nasa pinto pa lamang siya ng nakita na siya nito at agad itong tumakbo palapit sa kanya, sinalubong niya naman ito at binuhat.  

"Daddy is Momma alright?" tanong nito na may luha pa sa mga mata, halatadong galing pa ito sa pag iyak. Hindi niya alam kung anong isasagot sa anak kaya ngumiti na lamang siya habang pinupunasan ang mga luhang tumutulo sa mga mata nito dahil tingin niya ito lamang ang magpapagaan sa loob nito. 

Naglakad siya papunta sa upuan kung nasaan si nana lena.   


"Apo kumusta naman ang babae, is she in good condition?" paguusisa nito na siyang naging sagot niya lamang din ay ngiti at naintindihan naman iyon ng kanyang lola. Iniiwasan niya lamang banggitin ang totoong kundisyon nito lalo pa't nasa tabi niya lamang ang anak.  

"How about molie daddy, nakita nyo rin po ba siya, is he okay?" napatingin siya sa kanyang lola dahil mas lalong ang tanong na iyon ay hindi niya kayang sagutan dahil kung sasabihin niya ang totoong nangyari sa asong kinagiliwan nito ay sigurado siyang madudurog ang munti nitong puso at ayaw niyang gawin iyon sa anak.  


"Apo oras na ng pagkain mo, kaya halina dahil nakahanda na iyon sa hapag." diverting her from her previous question.  "Ikaw Prior sumabay ka narin sa amin."  

"May kailangan pa akong tapusin Nana Lena." pagtanggi niya sa alok nito nginitian lamang siya ng matanda.  

"O siya mauuna na kami apo, gawin mo na agad ang mga kailangan mong gawin para makakain at makapagpahinga kana." tango lamang ang naging sagot niya sa matanda. Nang naglakad na papalayo ang mga ito ay naglakad narin siya palabas.  

Muli siyang bumalik sa pack infirmary, kung saan niya huling iniwan ang babae. Bago pa siya makapasok kung nasaan ito ay nakasalubong niyang papalabas si minnie, ang pack healer na siyang matagal na ring kaibigan at mate ng kanyang third in command na si borris.  


"Oh you're here, I thought you wouldn't come back here today." bungad na sabi nito sa kanya. 

"Kumusta naman siya?" dahil sa pagtatanong niya noon ay sumilay ang makahulugang ngiti nito na binibigay sa tuwing binibiro siya nito.

"Alam kong aasarin mo ko, I just came back here because I need to know her condition because..." wala siyang mahanap na salita na idudugtong doon dahil hindi niya naman talaga alam kung bakit siyang muling bumalik doon kung tutuusin naman ay may tinalaga narin naman siyang mga magbabantay dito.

Mas lalong lumawak ang ngiti nito at may nababanaag na rin siyang panunudyo sa mga mata nito, sabay ng pagsambit ng "dahil..."    

"Gusto ko lang malaman kung maayos na ba siya para mapaalis na natin siya dahil maaaring maging threat siya sa pack na ito." dugtong niya sa kanyang huling sinabi.  

"Paanong magiging threat siya kung niligtas niya naman ang anak mo na si merliah?"  

"Hindi natin siya kilala at maaaring mapahamak niya ang pack natin baka nga siya pa ang dahilan ng mga pagkamatay ng mga kauri natin." naglaho ang nanunudyong ngiti nito at naging seryoso. 

"Pero malay mo baka siya na ang inaantay natin, the person who will make you complete and fill in what this pack needs." may pagpapaintindi nitong litanya sa kanya. hindi siya nakasegunda sa sagot nito dahil kung tutuusin alam niya ang kailangan ng pack niya at maging ng anak niya at yun ang babaeng tatayo sa tabi niya at kasamang niyang mamumuno sa pack na ito.  


"Mauuna na ako dahil naririyan na rin si Borris at sinusundo na ako." tinapik nito ang kaliwang braso na at binigyan siya ng encouraging na ngiti bago ito tumakbo sa mate nito. Sinundan niya ito ng tingin at sa di kalayuan ay naroroon si Borris nakataas at nakabuka ang dalawang kamay at may masayang ngiti sa labi. Sinalubong ito ng yakap ni Minnie kasabay ng mabilis na halik sa labi. Bumaling ng tingin sa kanya si borris pagkatapos ng matamis na ngiti nito sa isa't isa.  

"Bye man, mauna na kami." paalam nito sa kanya kasabay ng pagkaway. Magkaakbay ang mga itong umalis sa pack infirmary. 

Masaya siya para sa dalawa, dahil nahanap nila ang kasiyahan sa isa't isa. Matagal niya ng kaibigan ang mga ito. Lima silang magkakasabay na lumaki siya, si minnie, borris, si theo at ang kanyang unang minahal, ang kanyang unang mate. Hindi nila akalain na mahahanap din nila mate nila sa loob ng circle of friends nila parang noon lang ay magkakasabay silang tumatakbo sa kagubatan at naglalaro sa putikan ngunit ng dumating sila sa tamang edad kung kailan sila matututong magpalit bilang wolf at malaman kung sino ang kanilang mate ay di parin nagbago ang kanilang samahan. Masaya siya na si Lea ang naging mate niya dahil noon pa lamang ay may itinatago na siyang paghanga para dito, ang hindi niya alam ay may paghanga rin pala ito sa kanya. ito ang naging kasakasama niya sa lahat, ito ang sumuporta sa kanya sa lahat ng laban niya, ito ang gumagamot sa kanya sa tuwing nasusugatan siya at ito ang umagapay sa kanya noong nasa madilim siya na yugto ng buhay niya. Kahit na omega lang ito, walang pamilya at tingin ng iba ay wala itong karapatang mamuno katulad niya ngunit para sa kanya ay perpekto ito kaya mahal niya ito ng sobra.  

Sa piling nito niya lang na ramdaman ang kasiyahan na tingin niya hindi niya mahahanap sa iba. Nakakasiguro siya wala ng papalit nito sa puso niya, namatay man ito ay mananatili itong buhay para sa kanya. Alam niyang may pangalawang na pinagkakaloob ang kalangitan para sa mga karapatdapat na tao ngunit para sa kanya ay hindi na siya pagkakalooban nito dahil para sa kanya nag iisa lang ang mate niya at iyon ay si Lea, syaka once in a blue moon lang magbigay ang kalangitan ng isa pang pagnibagong pagkakataon na kapareha at tanang buhay niya ay isang beses niya pa lamang nasaksihan iyon na nangyari sa isa sa mga pack warrior niya. 

Tuluyan siyang pumasok sa pack infirmary at nakita niyang malalim paring nahihimbing ang babae. Kahit na tulog ito ay mas lalong umamo ang mukha nito, tingin niya nga'y wala ng papantay sa kagandahan na tinatangi nito kahit maging siya ay humahanga sa angking ganda ito. Ang hindi niya lang mawari ay kung ano ang totoong uri nito noong huli ay parang tao ito, noon naman ay inakala niyang babaylan ito ngunit ngayon ay para iba, dahil noon nakita nila ito sa hangganan ay wala itong saplot na para bang nagpalit ito ng anyo ang hindi niya lang matukoy ay kung anong anyo dahil kung wolf man ito na kagaya nila ay maaamoy at malalaman niya kung ano ito pero wala, kaya hanggaang ngayon kahit na ilang beses na silang nagtagpo ay malayo parin ang loob niya dito ngunit sa tuwing nagtatama ang mata nila ay may pwersa ang siyang humahatak sa kaniya at nagtutulak na lumapit at hagkan ito. 

Mula sa sulok ay nakatitig lamang siya dito inoobserbahan kung magigising ba ito at hindi nga siya nagkamali nagising ito at naramdaman nito ang presensya niya. Nilingon siya nito at mapungay siyang tinignan kasabay ng pagsambit ng... 

"Mate" 

 

 

 

 


TOCAC 1: His Another MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon