CHAPTER 44

216 15 1
                                    

It sad but it's true.

That line. It stands with our reality now.

Nakakalungkot isiping humantong kami sa ganitong sitwasyong kung noo'y pareho pala kami ng nararamdaman sa isa't isa, pero dahil sa takot ay mas pinili niyang isakripisyo ang nararamdaman niya para sa 'kin. At ito ang kabayaran na kailangan niyang tanggapin. Ang katotohanang hindi na maibabalik ang dati.

Napatingin ako sa kaniya nang umahon ang mukha niya mula sa leeg ko. I felt his lips above my ears.

"I want to replace our deal." bulong niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Salubong ang kilay kong tanong.

"Gusto kong palitan ang kondisyon mo. Hindi ba ay sabi mo na hahayaan mo akong gawin ang lahat ng gusto ko basta ay titigilin kita kapag nabigo ako sa misyon ko." tumango ako.

"Nagbago na ang isip ko. Gusto ko na magpanggap tayo na para tayong totoong mag-asawa sa loob ng isang linggo. Pagkatapos ng isang linggo ay titigilan na kita. Maibalik ko man o hindi ang nararamdaman mo para sa 'kin, kusa pa rin akong lalayo." aniya.

Tuluyan akong napabaling sa kaniya. Ang mga seryosong titig niya ang sumalubong sa 'kin.

"Cline..."

"Please... I badly want to treat you as my wife. I was forbidden to do that before pero ngayon ay malaya na ako. Gusto ko lang maranasan kahit isang linggo lang ang mga bagay na madalas ginagawa ng mag-asawa. Na dapat ay ginagawa natin dati." dagdag niya.

Napatitig ako sa mata niyang puno ng emosyon. Tahimik lang ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nauubusan ako ng isasagot.

"I know you're thinking that I'm heartless. That I'm cold because I always ignored you before. But give me a chance to show my affection to you. Let me show you how much I loved you."

We stared at each other while he is saying those words. Ang pangungulila sa mata niya ay hindi nakatakas sa 'kin, pero natigilan ako sa huli niyang sinabi.

"Because I'm near to good at goodbyes..."

Napaiwas ako ng tingin nang bumilis ang tibok ng puso ko. Mas lalo kong nararamdaman ang pagbabara sa lalamunan ko.

He wants us to act like we're a real husband and wife inside of a week, and after that, he'll voluntarily leave me alone. It was a nice idea and I should be happy about that, but why do I feel like I can't.

Hindi ko alam kung paanong sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko at pagdagsa ng kaba sa akin ay nagawa ko pang tanongin siya.

"Paano natin iyon gagawin?" Kahit na hirap akong bitawan ay naitanong ko pa rin.

Napahinga siya at umayos ng upo sa likod ko. Ipinatong ko ang mga paa ko sa upuan at niyakap ito. Ihinilig ko roon ang pisnge ko at patagilid siyang tinignan. Napakurap ako nang bahagya niyang pisilin ang pisnge ko at ngumiti.

"Magsisimula tayo kapag nakauwi na tayo. Sa bahay ko muna ikaw titira hanggang sa matapos ang usapan natin. Then after that, you can freely go and live your life to the fullest... Without me."

Nawala ang ngiti sa labi niya at lumunok.

"Isang linggo lang?" It was supposed to sound like I agree with it but I accidentally says it like I wanted more than a week.

THE PROFESSOR'S MANIPULATION  Where stories live. Discover now