"Bakit naman ganon bunganga ng kuya mo?" agad na tanong ni Nichole kay Arielle ng makaupo na kami sa loob ng isa pang fastfood. Naiinis man kami ni Nichole sa kuya ni Arielle ay hindi naman nawala ang gutom namin ni Nivhole kaya imbes na galit na umuwi, ay galit na lang kaming lumipat ng fastfood.
Malungkot na tumingin sa amin si Arielle. "Pasensya na kayo kay kuya."
"Bakit nga siya ganon? Apakayabang kala mo naman bilyonaryo siya!" dagdag pa ni Nichole.
"Bilyonaryo nga siya.." mahinang sabi ni Arielle ngunit malinaw namin narinig ni Nichole. Nakita kong nanlaki ang mata niya tulad ko pero agad siyang nakabawi.
"Ka..kahit pa! Dapat maging mabuti siyang mamamayan, dapat humble lang ganon.. oh, wait na, ako na ang mag oorder ng kakainin natin." si Nichole na umirap pa sa amin.
Pagka- alis ni Nichole ay mabilis na humarap sa pwesto ko si Arielle. "Pasensya na, Hatti." aniya at hinawakan pa ang kamay ko.
"Ayos na yun, nakapag paliwanag na kami sa kuya mo.. Kalimutan mo na." sagot ko at nginitian siya.
"Ewan ko ba," si Arielle na yumuko na. "Minsan nasasakal na rin ako kay kuya,"
"Bakit?" kuryoso kong tanong.
"Minsan kasi napaka controlling na niya. Ayaw ng ganito ganiyan. Dapat ito lang ang gagawin ko.. minsan gusto ko na lang bumalik kay mama."
"Huy,"
Liningon niya ako bago malungkot na tumango. "Nakakapagod sa bahay na inuuwian ko ngayon. Ang dami kong kailangan gawin.. mas okay pa kina mama cora, kahit pa minsan ay nasasaktan ako non atleast doon alam kong kailangan ako ni mama. Yun bang maging maganda lang ako okay na.." ngumiti pa siya. Pero alam ko naman na malungkot talaga siya.
"Nasaan ba si aling Cora ngayon?" naitanong ko.
"Naka kulong pa rin. Ayaw kasi ni pumayag na pakawalan siya."
Tumango ako. Wala na kasi akong masabi. Dahil kahit naman pagbaligtad- baligtarin mo ang mundo, nanay pa rin niya si aling Cora na kahit pinagmalupitan siya nito at kung kani- kanino nirereto ay hindi pa rin maiwasan ni Arielle ang mamiss ito. Mag nanay sila, mag dugtong na ang mga pusod nila.
"Sobrang yaman ba talaga ng kuya mo?" di ko maiwasan na hindi tanungin.
Tinaas ni Arielle ang kanyang kilay bilang sagot. "Alam mo yung tunay kong papa? Ka-partner siya nung may ari ng Celestial University."
Agad na nanlaki ang mata ko sa narinig. Nang makita ang reaksyon ko ay natawa na lang si Arielle.
"Di nga?" di pa rin makapaniwala.
"Oh, bakit parang natatae ka naman diyan, Hatti? Ay thanks kuya.." si Nichole na bumalik na sa lamesa dala na ang pagkain. May kasama pa nga siyang isang crew member na tinulungan siya sa pagbitbit ng pagkain. Agad nga itong napatingin sa kanya dahil sa bunganga niya.
"Oh, anong meron? Ba't ganiyan reaksyon niyan?" tanong niya kay Arielle habang dumukot ng fries at sinubo ito. Siya na rin ang nag lagay ng tag iisang fries, chicken sandwich at ng chiken fillet with rice sa harap namin ni Arielle. May kasama pa nga itong ice tea.
"Parte pala sila ng may- ari ng Celestial!" agad na report ko kay Nichole.
"Oh tapos?" ani nito at nakataas pa ang kilay sa akin. Nagtaka naman ako, bakit ganito lang ang reaksyon nito. Walang ka-oa-han na naganap? Tinignan ko siya habang nilalantakan ang chicken sandwich. Hindi kaya alam na niya?
Well, hindi malabo dahil nitong mga nakaraang araw ay madalas silang magkasama ni Arielle dahil sa mga kain kain, tapos malapit pa siya kay Massi.. Well.. Ako na lang yata ang hindi nakakaalam nun.
Ngayon ko lang din na-realize, kaya pala ganon na lang itrato si Arielle sa school, na halos sambahin na siya kapag sinabing 'Martillano' . Hay nako..
Hindi sinadyang napabaling ako kay Arielle na nginangata na ang fries. Mukhang mahirap nga talaga ang sitwasyon niya ngayon. Lalo pa at ilang buwan pa lang naman ng malaman niya ang totoo niyang pagkatao. Malamang sa malamang ay hindi pa talaga siya nakakapag- adjust, tapos sa kwento pa nga parang sobrang pressure pa ang binibigay sa kanya nung kuya niyang sobrang humble.
Napailing na lang ako. Kaming tatlo may kanya kanyang problemang hinaharap. Hindi alam kung paano iha- handle. Well.. the more na kailangan namin samahan at alagaan ang isa't -isa.
"Huy, kailan nga ulit yung game ng celestians?" si Nichole.
"Next sunday yata, finals na kasi yun kaya sa araneta na gaganapin." sagot naman ni Arielle.
Ako naman ay patuloy lang na kumain at nakikinig lang sa kanila. Hindi rin naman kasi ako interesado doon. Iniisip ko ngayon, mag go-grocery ako. Pupunuin ko yung ref ko ng pagkain. Para yung sususnod kong sasahurin ay para sa bills. Napangiti ako sa naisip.
"Oh? Edi may bayad na pala yun paano na yan?"
Tama nga si ate, mahirap ang kumita ng pera, alam ko naman na yun dati pa. Dahil ang mag lako pa lang ng almusal sa umaga ay ginagawa ko na para kang may pambili ng mga project.
"Yes. But don't worry, i'll ask Massi if meron silang free ticket, hinye tayo."
Si ate kasi nagpapadala ng pera yun buwan buwan pang budget namin ni mama sa pagkain at gamot ni mama. Walang labis yun minsan kulang pa. Hindi naman ako nag rereklamo dahil sa totoo lang ay hindi naman na kami obligasyon ni ate, pero kahit na ganon ay tinutulungan pa rin niya kami, tapos ngayon nga ay inako niya ang pag papagamot kay mama. Sobrang thankful talaga ako kay ate.
"Kay Massi?" nag angat ako ng tingin kay Nichole. Ang lakas kasi ng boses niya.
"Oo. Pwede kasi sila mag request ng tickets sa school tapos yung Celestial na yung bahala." sagot naman ni Arielle pagtapos ay nilingon ako. "Sama ka ah? After ng game sa linggo sleepover tayo sa bahay mo, dun ako matutulog."
Nakita ko kung paano umirap si Nichole sa sinabi ni Arielle. "Ay sus! Papayagan ka naman ba ng kuya mong humble?"
"Hayaan mo na, kay daddy naman ako magpapaalam hindi sa kaniya." sagot ni Arielle. "Namimiss ko na rin ang lugaw ni aling gemma,"
"Mukhang masaya nga iyon no? Foodtrip tayo all night! Tapos kwento mo na rin buhay mo ah?"
"Oo. Ikaw kwemto mo n rin kung paano naging kayo ni Massi."
"Ariellw ang kulit mo, hindi nga kami ni Massi-"
"Putik ka pala e, nakikipag laplapan ka na hindi pa rin kayo?!" di makapaniwalang sabi ko.
Gulat niya akong tinignan. "Woah! Nag salita ang hindi nagpapahalik!"
"Oh my?! Sinong humalik sa iyo? Putik ang dami ko namang hindi alam sa inyo?!" si Arielle na salit salit kaming tinignan ni Nichole. "Bakit naman ang lalandi niyo?!"
"Hoy Arielle, hindi ako malandi! Hindi ko kasalanan kung gustuhin ako!" si Nichole na parang proud pa.
Hindi ko mapigilang mapailing.
"Ano ka naman kwek- kwek? Gustuhin?" banat naman ni Arielle.
Hindi ko mapigilang hindi matawa sa banat niya! Siraulo talaga ang mga kaibigan ko..
BINABASA MO ANG
Wildest dreams
ChickLitDREAM THE IMPOSSIBLE DREAMSSSS.. Soo.. what is your Wildest dream? NOT A LOVESTORY 🏅