Realization

38 2 0
                                    

Chapter 7

DISASTER!

Ganyan ko ilalarawan ang nangyari ngayon.

Gulat ako at nahihiya habang nakikita ang babaeng naliligo na ngayon sa sabaw. I heard the customers around me gasp and murmur endlessly.

"What the hell?" sigaw ng babae at pinunasan ang mukha nito.

Oh no! It looks like someone will resign soon.

Out of embarrassment, I smiled and grabbed my towel. When I tried to wipe the vegetables off her head, she slapped my hand harshly.

"How dare you throw soup at me?" She shouted; her voice echoed inside the restaurant.

Tinablan naman ako ng hiya at akmang pupunasan na sana ulit ang kanyang ulo nang umatras ito ng bahagya. Napatingin naman ako sa kanyang likuran at napansin ang dalawang babae na sa tingin ko ay kasamahan niya.

"I apologize ma'am. I know it's my clumsiness."

"Well, I don't care! This is so ridiculous! Really ridiculous! You just ruined my day, Mr. Waiter—oh, isusumbong kita sa boyfriend ko!" she screamed.

Nauna itong naglakad palabas ng restaurant. At bago pa man lumabas ang kanyang mga kasamahan, ay sinipat muna ako nito at maarteng iwinagayway sa ere ang kanilang mga daliri.

"Gosh! Nasira na talaga araw ko! As in sirang sira na!" Pahabol pa neto.

"Good thing you're handsome!" the girl wearing a green tube commented and began walking.

"Oo nga! Buti na lang at g'wapo ka kundi baka—bye, poging waiter!" sunod namang wika ng babaeng nakasuot ng shades at sumunod sa kanyang mga kasamahan.

I hate to say this, but I've been getting more attention from people around me. At dahil pa sa katangahan ko. Nakayuko akong binalik sa bowl ang natapong sahog ng sabaw at pinunasan ang sahig gamit ang towel na pinunas ko kanina sa babae.

Hindi ko alam kung nagiging emosyonal lang ba ako, pero ramdam kong nag-iinit ang gilid ng aking mata. Impit kong kinagat ang aking labi habang dahan-dahang pinunasan ang sahig.

It's odd, because the last time I heard that kind of shout, it was coming from my father. Parang bumalik sa alaala ko ang nangyaring pag-konpronta sa akin ng papa bago ko sinalag ang kanyang mga suntok.

Natigil ako sa pag-iisip nang sandaling isang kamay ang aking nakita na tumulong sa akin sa pagpunas sa sahig. It's Renna...

"Punta ka muna sa kitchen. Punasan mo muna mga luha mo.

Napahawak ako sa aking pisnge at nagulat nang naramdaman ang mainit na likdo sa aking pisnge. Agad ko itong pinunasan at nilagay sa tray ang bowl.

"Thank you, Ate Renna." Nahihiya kong tugon at nakayukong nagtungo sa kitchen.

Pagbukas ko pa lang ng pinto ay bumungad na sa akin si Kawoo. Walang pasabi na niyakap ako nito.

"It's alright, Steel. It's alright to commit mistakes. Walang masama ro'n, okay?" He gently tapped my shoulder and released me from his embrace.

"Kaw, s-sorry..."

"Shhh... sabi ko 'di ba, it's okay." Nakayuko pa rin ulo ko dahil sa pangyayaringyon. "Hey, it's not your fault, okay? Madami lang talagang factors kaya nangyari 'yon. Huwag mong dibdibin---"

"Steel? Parang 'yon lang umiyak ka na. Ang hina mo pala, eh?"

"TT! Stop it! Hindi ka nakakatulong!" Kawoo defended me.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga at hinarap si TT nang kalmado.

"Hindi, eh! Parang 'yon lang umiyak---"

Four Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon