Baekhyun's Point of View (Unedited)
Nandito ako ngayon sa kwarto. 8 na ng umaga kaya naisipan ko nang mag-breakfast kaya lumabas na ako. Pero syempre, nag-eyeliner muna ako. Wala eh, MU kami ni eyeliner.
"Baekhyun! Bakit di ka pa naliligo? May fan signing tayo ngayon, ano ba!" Sabay upo ni Dyo sa couch.
Ano ba yan. Kakababa ko pa lang nasigawan agad ako. 'Di man lang ako binati ng good morning.
"Arasso. Kain muna ako ah? Patikim ng luto niyo haha!" At tuluyan na akong kumain ng hinanda nilang kimchi.
"Hyung, tuloy ba concert natin sa China?" Tanong ko sa biglang lumitaw na Xiumin hyung na agad na nilantakan nung kimchi. Si hyung talaga napaka takaw.
"Oo tuloy na tuloy! Tapos magiging guest din si Lulu." Sabi niya habang ngumunguya.
"Haa? Si Luhan hyung?" Tanong naman ni D.O na kanina pa naghuhugas ng plato.
"Yeah. It's been 8 months, right?" Sumulpot naman bigla si Kai. Napatango na lang kami sa sinabi niya.
"Yah, why are you guys so gloomy?" Biglang pumasok so dorm si Suho. Mukhang ready na nga silang lahat.
"Wala yun. Mag-aayos na ko ah. Atsaka, bili niyo naman ako ng eyeliner! Paubos na yung black ko eh. Sige!" Pumasok na ulit ako sa kwarto ko at nag-ayos. Sana naman pagbalik ko mamaya magaan na yung mood.
Pagkalabas ko ng banyo sinalubong ako ni Chanyeol. Nako, hihingi na naman 'to ng tips para dumamoves kay Dara eh.
"Oh, bakit Yeol? Kelangan natin? May naiwan ka? Or magpapaturo ka ulit?" Sabay ngisi ko. Pinanlakihan niya ako ng mata kaya natawa ako.
"Mag-kasing laki na kayo ni Kyungsoo ng mata hahaha!"
"Ewan ko sayo. Bilisan mo na kung gusto mo daw mabilhan ng eyeliner sabi ni Suho. Ikaw na lang hinihintay." Napaka talaga ni Suho. Ipangblack mail daw ba yung eyeliner ko? Kainis yun ah.
"Aish. Kainis naman si Suho eh. Tara na nga!" At nagpunta na kami sa van namin. Kami na lang pala hinihintay.
Umupo ako sa may bandang dulo ng van at tumabi sakin si Yeol kasi wala nang ibang space. Dun ako sa may left window. Nagsaksak lang ako ng earphones habang nagdadaldalan yung iba.
Pinatugtog ko yung bago naming kanta. Call Me Baby. Sinasabayan ko ng beat sa yung music nang may makapa ako sa may gilid. Papel? Kinuha ko to at binasa.
"Anong ginagawa ng isang babaeng tulad ko dito? Nakaka-inis. Lahat sila lalaki, ako lang nag-iisang babae. Pero kailangan kong makisama or else, hindi lang kami ng pamilya ko ang mapapahamak. Sila din. Ang EXO din. Year 2012, you suck."
BINABASA MO ANG
What Is Love? [HIATUS]
FanfictionCurrently under HIATUS Preview "What?! Luhan hyung, why are you leaving EXO? Are you nuts?" Sehun gripped his fist as he looked at Luhan. "I'm sorry. It's just that, I feel suffocated here. And no, I'm not nuts. I'm human, Sehun." Luhan replied calm...