Nakibasa ako ng pocketbook sa kaklase ko. Sa katunayan dala ko yung isa ngayon para basahin. Inuwi ko kasi gusto kong tapusin. Ibabalik ko na lang bukas.
Yung isa kong binasa kamo ay hindi ko matiis. Ang cheesy ng linyahan ng characters at ang corny ng plot. Magnobyo na kilig sa isa't isa at parang di mabubuhay nang hindi magkasama. Pwe walang gano'n sa totoong buhay, uy!
Isusulat ko yung pinakapaborito kong parte rito.
"Bakit—" Wag na nga lang pala. Tinatamad ako. Haha! Basta about family matters 'yun. Ang ganda ng plot. Hindi cringy. Makatotohanan. Bye naaa, tatapusin ko na 'yon ngayon para maibalik ko na sa kaklase ko bukas.
***
Hello, diary! It's been a while. Ilang buwan na ang nakalipas buhat noong nagsulat ako pero page 6 pa rin ako hanggang ngayon. Ang laki kasi ng diary tapos ang tamad ko. Medyo malalaki na nga rin yung sulat ko sa lagay na to pero ang laki pa rin ng space. #katamarangoals
Nga pala, malapit na ang bakasyon kaya wala na kaming gaanong ginagawa sa school. Alam ko na ang rank ko. Rank 3. Dati rank 2 tapos naging 4 tapos naging 3 ulit. Bumaba pero ayos na rin 'yon. Alam na naman ni mommy, eh. Alam mo na-realize ko na kaya pala gusto kong mataas yung top ko ay dahil kay mommy. Nag-e-expect kasi siya sa akin. At siguro kasi 'yun lang yung paraan para maging proud siya sa akin. Wala kasi akong ibang talent. Hehe. Sana soon kapag matanda na ako ay may maging proud siya sa akin sa ibang bagay. "Grades is just a number".
Update pala sa binasa kong libro noon. Ilang araw bago ko naibalik ang libro. Hindi ko kasi natapos agad kasi may iba rin akong ginagawa, assignments, etc. 'Di ko na idedetalye yung tungkol sa istorya pero highly recommended talaga yun. 10/10 ratings from me. 'Di lahat makakagusto ng ganoong plot kasi about family matters at drama pero okay na okay sa akin. Basta that story is top-tier! O ha english yun!
Speaking of family matters, kakapanood lang namin ng Ang Tanging Ina nung isang araw. Maganda pala 'yun. As usual, kay Mandy pa rin ako nakinood kasi rich kid siya. Isa siya sa mga onting kaklase ko na may phone. Nakakapanood nga rin siya sa sine.
Tapos alam mo ba sabi pa niya 'yon daw ay isa sa ilang PH movies/shows na tinatanggap niya. Tama naman talagang mapansin ang pelikulang iyon. Ewan ko lang yung iba pang pelikula o palabas kasi 'di ako nanonood sa TV.
Bye, kakain na ako!
Note: ang luma po talaga ng mga pinapanood mong movie at binabasang libro, ma hahaha. Di bale maganda ka pa rin naman kaya okay lang. Jk hahaha. Este joke sa maganda kaya okay lang. I mean maganda ka po talaga pero biro lang yung okay lang na luma yung binabasa/pinapanood mo kasi maganda ka. Gets niyo? Gulo hahaha
Uso na sa panahong to ang phone, ma. Halos lahat ng kaklase ko, pati ako, ay may phone na. At libreng libre namin yong nagagamit kapag walang klase. Ay medyo depende pala. Minsan kasi bumibisita ang ibang teacher tapos nagkukumpiska kapag nahuli kaming nagpophone habang may klase hehe
Kung di niyo naitatanong, action movies talaga ang paborito ko (except sa movies na bugbugan lang pero at walang kwento. Di naman ako brutal para maging fan ng mga ganoon).
At gusto ko rin talaga yung barbie movie. Sa totoo lang si ate at yung ibang pinsan ko lang ang nakakaalam nun dahil nakakabading tingnan. Dati inasar ako ng kaklase ko sa elementary nung nalaman niyang nanonood ako ng barbie. May kaklase naman akong bading ngayon pero di naman mahilig sa barbie. O di ba isa pang magulo.
Ah basta stop stereotyping. May kaklase pa nga akong lalaking pink ang paborito pero straight naman siya. Ako rin naman ayaw ng blue pero straight din ako. Ay ewan ko sa mga tao. Mga judgerist. Pero di na naman siguro ngayon kasi open minded na yung iba at normal na rin yung mga ganoong klaseng paborito mapababae man o lalaki.
Pero kahit na, ayoko pa ring malaman nilang kasama ang barbie sa paborito kong movie. Literally my childhood (salamat sa pagpapanood non samin, ma haha) kaya malaki ang sentimental value #barbiesupremacy
Random thought:
Mana po pala talaga sayo si ate na mahilig magbasa ng libro. Nagwawattpad siya ngayon at madalas siyang magpuyat dahil doon (secret lang po natin mama pag nabasa niyo to). Ano bang maganda sa pagbabasa? Nakakahilo kaya yun!Mas nakakalibang pang maglaro o kaya manood ng ratratan (action movie). Bukod sa di na kailangang mag imagine para lang maintindihan ang kwento, hindi nakakaburyo.
Edit:
Tinanong ko si ate Felicia kung anong maganda sa pagbabasa. Ang paliwanag niya, antukin siya kaya kapag nakatulog daw sa pagbabasa, pwede pa ituloy pagkagising. Pero kapag sa panonood daw nakatulog, mahihirapan daw hanapin yung time stamp. Maski raw sa paglalaro kasi maga-game over daw. Seryoso ba yun? Ako nga antukin at tamad pero di naman inaantok pagdating sa panonood at paglalaro. Sa schoolworks lang ako inaantokEdit ulit:
Ito raw seryosong sagot niya. Kasi raw masaya. Iba iba raw ang definition ng happiness at iyon ang kaniya. O di ba mas simple pero mas ayos din. Sana sinabi niya agad para di na ako nag isip at di ko na rin isinulat yung kanina. Ang labo ni ate!Edit by Felicia ganda: ang general naman kasi ng tanong mo. Pwede ko nga rin ngang sabihin na mas magandang magbasa kasi may napupulot na aral do'n. O kaya lakas maka-nerd at bookworm tingnan, chos! O kaya nat-train ako lalo sa English language. O di ba ikaw lang ang mahirap umintindi ng sagot ko. Hay nako, Felipe.
Edit by Felipe: luh ate epal
BINABASA MO ANG
Locked Memories
RandomDiaries are supposed to be private. It can be written and read by one and only person, the owner. *** Diaries are supposed to be top secret, not until someone reads them, and puts a note at every page- like what someone did to Josefina's journal. ...