Chapter 2

1 0 0
                                    

Arci P.O.V

hindi ko namalayan na almost 2 weeks na akong nag luluksa..
yes para akong namatayan..
puro iyak,tulog,iyak at tulog lang yung ginagawa ko..
hindi na ako kumakain dahil hindi ko talaga nararamdaman yung gutom ni hindi na nga rin ako naliligo..pag inom lang ng tubig at alak yung ginagawa ko..nag aalala na sakin yung magulang ko..
ewan ko ba kahit sinasabi na nila sa akin na baka magka sakit ako pag hindi kumain parang wala na akong pake alam.. kahit mamatay na ako ok lang din sakin wala na akong pake..Mas OK na siguro yun para matapos na Tong pag hihirap ko...

anak gising..

may naririnig akong nag sasalita..
si mama..

anak gumising ka please...

humahagulgul na si mama..
di ko maintindihan kung bakit siya umiiyak at tinatawag ako..
gusto kung sumagot at sabihing
"ok lang ako ma" pero di ako makapag salita. ramdam kong di ko maibuka yung bibig ko..gusto kong imulat yung mata ko pero hindi ko rin ito mamulat..

anak.....
umiiyak na ng umiiyak si mama hanggang sa narinig ko na rin ang boses ni Daddy natatarantang tumatawag ng ambulansya..

mamamatay na ba ako?
patay na ba ako?

bigla akong nagising na nasa isang kwarto...
nasa hospital ako..
ang Sama ng pakiramdam ko..
si mama at nasa tabi ko hawag yung isa kong kamay habang mahimbing na natutulog ng naka upo si Daddy naman nasa sofa tulog din.. ang Sama kong anak..sarili ko lang iniisip ko hindi ko na isip Yung mga magulang ko na nag aalala sa akin..

hinaplos ko dahan dahan yung buhok ng mama ko at bigla siya nagising...

oh..buti naman anak gising ka na..
sabi ko sayo eh pwede kang magka sakit sa ginagawa mo sa sarili mo..tingnan mo nangyare sayo ngayon..jusko naman anak papatayin mo kami sa nerbiyos ng Daddy mo.. buti na lang pumasok ako sa kwarto mo baka kung na Late pa ako ng dating baka nawala ka na talaga samin ng Daddy mo..anak naman wag mo naman pabayaan yung sarili mo please...

please naman anak magpaka tatag ka makaka hanap ka rin ng ibang pwede mong mahalin jan wag lang yang bwisit na lalaking yan ang isipin mo isipin mo din kami ng mama mo..
biglang sabat ni papa na maluha luha..

sorry po ma,dad sarili ko lang inisip ko..napaka maka sarili ko..sorry po talaga di na maulit..

niyakap ko ng mahigpit ang mga magulang ko..napaka tanga ko..hindi ko naisip na nasasaktan na nga yung mga magulang ko sa mga nangyayaring kamalasan sa buhay ko, pinapa bayaan ko pa ang sarili ko..
pipilitin kong bumangon muli para sa mga magulang ko..

halos 1 linggo na akong nandito sa hospital sobrang naiinip na ko..feeling ko naman malakas na ako..gusto ko ng umuwe..

nag lakad lakad muna ako palabas ng Building ng hospital..gusto kong magpa hangin..

aray!!
Naka simangot kong tingin sa naka bangga sa akin..

sorry miss nag mama dali kasi ako eh..
sagot ng lalaking naka bangga sa akin..

ok ka lang ba? nasaktan ka ba?
natataranta niyang tanong..

ok lang ako..sige na umalis ka na..

sorry talaga ha..

tumango at ngumiti na lamang ako sa kanya para maka alis na siya..
ngumiti rin siya habang patakbo na umaalis..

Ano kayang meron?
bat kaya nag magmadali siya?
sana wala namang patay nuh..
jusko wag naman po sana..
usap ko sa sarili ko habang nag lalakad papunta sa garden ng hospital.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Jan 18, 2023 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Hanggang KailanDove le storie prendono vita. Scoprilo ora