Prologue

316 15 13
                                    

Kasalukuyang nakasandal si Storm sa head board ng kama habang seryosong umiinom ng alak.

"Storm, hanggang kailan ba tayo magiging ganito?" tanong ng isang babae na katatapos lang magbihis.

"What do you mean?" balik tanong ni Storm na hindi man lang nag abalang tingnan ito.

Umupo ang babae sa gilid ng kama. "Ilang taon na tayong nagkakasama 'di ba? Sa mga panahon ba na 'yon ay walang nagbabago sa nararamdaman mo? Wala ba rin bang namumuong pagmamahal diyan sa puso mo para sa akin?"

"Ilang beses ko bang daoat sagutan ang tungkol sa bagay na 'yan? Hindi mo pa rin ba naiintindihan, Kessey? Sa simula pa lang ay sinabi ko na sa'yo kung ano ka lang sa buhay ko. You have no rights to demand about it." madiin na wika ng binata.

Mabilis naman na napayuko ang babae. "I understand about it. P-perp hindi mo naman maaalis ang umasa na kahit konti ay baka mahal mo na ako."

Tumawa naman ng pagak si Storm. "Hindi ko alam bakit pilit kang umaasa sa bagay na imposibleng mangyari. Sa tingin mo ba mamahalin kita? Ipapaalala ko lang ulit sa'yo na kaya ka lang nandito para punan ang pangangailangan ko bilang lalaki. Ilang beses na nga kitang pinapaalis pero ikaw 'tong pilit sinisiksik ang sarili mo sa akin."

"M-mahal kita! Kaya handa akong manatili huwag ka lang mawala. Sana lang ay huwag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan, sana buksan mo ang puso mo na magmahal muli. Storm, matagal na siyang wala! Pero bakit hindi mo pa rin matanggap? Bakit hindi mo kayang bitawan ang babaeng 'yon? Ako ang nandito pero bakit hindi mo 'yon makita?"

Napasigaw siya ng galit na ibato ni Storm ang hawak na baso at tinitigan siya ng masama. "Siya lang ang babaeng mahal ko! Kaya wala lang karapatan para sabihin sa akin na palitan siya sa buhay ko dahil hindi mangyayari 'yon! You will never be like her!" duro nito sa kanya.

Iniwas ng dalaga ang kanyang paningin at ngumiti ng mapait. Alam niya sa sarili niya na ginawa niya ang lahat para lang mahalin siya nito pero mukhang bigo pa rin siya hanggang ngayon. Kahit ilang taon na silang magkakilala at nagsasama pero ni katiting na pagmamahal ay hindi maibigay sa kanya ng binata. Tanging kama lang ang nag uugnay sa kanilang dalawa.

"Paano naman ako? Anong parte ko sa buhay mo? Sex buddy lang talaga?" alam kung masasaktan lang ako sa sagot niya pero tinanong ko pa din.

"You will never have a place in my life Kessey. Sinabi ko na sa'yo na tigilan mo 'yang nararamdaman mo dahil wala kang mapapala sa akin. Kapag pinagpilitan mo pa ang bagay na 'yan ay hindi mo na ako makikita pa. Alam mo kung bakit ka nandito ngayon sa sitwasyon na ito. You offered yourself to me at hindi kita pinilit!" madiin na wika nito.

Bawat katagang binibitawan nito ay parang karayom na tumutusok sa kanyang pagkataon.

"Tangina! Ang swerte swerte niya. Ilang taon na siyang wala pero hindi nawawala ang pagmamahal mo sa kanya. Storm, baka nakakalimutan mong hindi na siya babalik? Iniwan ka na niya! Ano bang meron sa babaeng 'yan na hindi mo siya kayang palitan? You know what? She deserves to d--

Hindi niya na natapos ang kanyang sasabihin ng mabilis na lumapat ang isang palad ng lalaki sa kanya pisngi. "Don't you ever talk to her like! You have no rights to disrespect her in front of me! Ulitin mo pang sabihin 'yan dahil hindi lang sampal ang aabutin mo sa akin." hinawakan siya nito sa panga. "You will never be her Kessey. Parausan lang kita at kaya kitang palitan o itapon na parang basura lang kung gugustuhin ko. Tandaan mo 'yan!" marahas siyang binitawan nito.

Napahagulgol na lang ang dalaga. Mas masakit pa ang mga salita ni Storm kaysa sa sampal na natanggap niya. Pero masisisi mo ba siya kung pinipili niya pa ring manatili? Mahal niya si Storm at handa siyang tiiisin ang lahat para dito. Mabait at maalaga naman ito sa kanya pwera na lang kapag may nasasabi siyang hindi maganda tungkol kay Beatrice dahil talagang nasasaktan siya nito.

Naiintindihan niya ang binata kung bakit ganito ito, nakilala niya si Storm noong panahon na nagluluksa ito. He's so vulnerable that time at alam niyang sobrang nasasaktan ito. Kinulit niya ito ng kinulit kahit alam niyang ayaw sa kanya ng binata pero hindi siya sumuko hanggang sa naging maayos ang pakikitungo nito sa kanya dahilan para hindi niya maiwasan ang mahulog ang loob niya kahit alam niyang hindi siya sasaluhin ng binata. Hindi siya nawawalan ng pag asa dahil naniniwala siyang darating din ang araw na mamahalin siya nito.

"Storm. . ." mahinahong pagtawag niya dito.

"Umalis ka na."

"P-pero ---"

"I said leave! I want to be alone!" malakas na sigaw nito.

Kaya wala siyang nagawa kung hindi ang umalis. Nang tuluyan na siyang makalabas sa condo nito ay napasandal na lang siya sa pader habang umiiyak.

"Mas pipiliin ko pa ang masaktan basta makasama lang kita, kaysa mawala ka sa buhay ko," bulong nito.

Tempted By TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon