Sa Diyos ikaw ang panalangin
kahit ang puso'y di ringgin
aaminin kong ako'y handang maging alipin
pakinggan mo itong sigaw ng damdamin.Kahit ulit ulitin at baliktarin
ang ating istorya'y nababalot ng mahika
hindi kapanipaniwala lalo't hindi nakikita ng mata
ngunit nararamdaman aking sinta.Masumpungan ko nawa ang ngiti mo
makitang ang ningning sa mata mo
marinig ang tinig at halaklak mo
hindi lamang puro sa imahinasyon ko.
BINABASA MO ANG
Tula at kaisipan
PoetryMagandang araw, Ginoo't Binibini! Ako si tori, isang kabataang may hilig sa pagsusulat ng mga tula at ng aking mga kaisipan. Sa kadahilanang ito ang aking hilig at ang nais iparating na emosyon ng aking mga tula. Hindi ako ganoon kagaling, ngunit it...