Chapter 20

93 2 0
                                    

Chapter 20

Untamed Butterfly

Giovanni

I thought it was Sapphire, so I immediately opened the door, revealing Seline. Ano na naman kaya ang ginagawa nito dito? Wala ba siyang kaibigan o kamag anak na pwedeng puntahan aside from me?!

"Hi Gio..I'm sorry hindi na ako nakapag inform na pupunta ako, I just came from shopping near here, so I'm wondering if you could join me for a lunch out?" No. Definitely not. Ni hindi ko pa nga nakakasamang kumain sa labas ang PA ko, siya pa kaya? Shit! Hindi ko maiwasang isipin ang makulit na babaeng iyon.

"Ahh..I'm afraid I cannot, Seline..Im..I have some important meeting to attend in fifteen minutes from now, so..I guess, I cannot.." Well, totoo naman iyon, dahil I'm actually waiting for Xavier, to discuss about the box I received this morning.

"Oh..I see..but I can wait if you want.." she insist. But no. Walang ibang mahalaga sa akin kundi ang tungkol sa kaso ng kapatid ko.

"I'm sorry Seline, you know I'm not turning you down, but, I really can't..maybe some other time?" sinabi ko na lang iyon para hindi na siya mamilit pa. At sa awa ng Diyos naman ay hindi na ito namilit at nagpaalam na ring umalis.
Mayamaya pa ay dumating na si Xavier. Agad naming pinag usapan ang nangyari kanina.

"It's a big possibility, that whoever sent you this, is the one behind what happened to your family..is there any evidence? A note? A cctv footage?" Tanong nito habang sinisipat ang hairclip na nasa loob ng kahon.

"Walang note, though as per the estate's cctv, a man wearing black hoodie jacket left the box on the guard's quarters. That's all.." He narrowed his eyes while absorbing what I've said.

"For now, you should add additional cameras around your house, for extra precautions. Is your Lola still with you?" Fuck! Bigla akong nagalala para kay Mommy. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko oras na mapahamak siya.

"Yes, she's living with me.." hinilot ko ang aking sintido. Kailan ba matatapos ang kasong ito? At kailan ko ba makikita ang kapatid ko?

"I will order my men to watch over the house 24/7 via cctv's, if anything happens, or maulit ang ganitong pangyayari, tell us right away, so we can do something, but as for now, we need to wait, kailangan pa nating maghintay sa mga susunod niya, o nilang hakbang..dahil kung may balak pa sila sayo, o may iba pang agenda ang mga taong ito, siguradong babalik pa sila.." tumango tango ako sa sinabi niya. Tama naman ito, hindi mareresolba ng iisang clip ang problema, kailangan pang maghintay.

"Yeah! I know Xave.." huminga ako ng malalim at tumayo, nagpalakad lakad sa likod ng aking upuan. Tumayo na rin ito at nagpaalam ng aalis.

"Hey, remember you got my back, I'm with you in this fight, Man!" I smirked. So Romano knows how to cheer people now huh?

"How's Daniah and Dione?" I ask referring to his wife and son. Daniah was the woman he fell head over heels. But I can't blame him, she was the most humble at caring woman I've ever met, and I'm thankful Xavier have met her and that they're married for two years now.

"They're  with me actually, but she wants to stay outside to breath some fresh air, well you know her, allergic siya sa ganitong lugar.." natatawang sagot nito. Ayaw kasi ni Daniah na na eexpose siya sa mga lugar na marangya, sobrang simple lang kasi nito at ideal wife talaga para sa isang kagaya ni Xavier.

"Well, I think you should go back to them, I will call you if something happens.." niyakap ko ito at itinaboy ng papalabas ng aking opisina.

"Tell my regards to Daniah and Dione.." yun lang at isinara ko na ang pinto. Nang makabalik sa aking upuan ay muli akong napaisip. Sino nga kaya ang nasa likod ng pagkamatay ninyo ma?pa? Tulungan ninyo ako sa laban ko. Tulungan nyo rin akong mahanap na si Angelina. Ano pa ba ang plano ng mga gumawa nito sa pamilya natin?

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon