Star 8
~Megan's POV
Nagsuot kaming dalawa ni Tiffany ng sunglasses para walang makakilala sa aming dalawa dahil alam mo naman, baka dumugin pa kaming dalawa. Pero seriously, ilag lang muna kami sa mga supporters namin diyan dahil ang gusto lang dalawa namin ni Tiff ay mag-enjoy sa natapos na naman namin. Actually, it takes time talaga kapag magco-cover kami ng kanta lalo na kapag naka-video ka pa pero nagawa namin ni Tiff ng walang distraction at natapos namin in a perfect way.
Nang makarating naman kami ni Tiff ng mall ay may mall show pala doon ng banda at ng maalala ko naman na ang bandang iyon ay ang rivalry ng bandang Before Four ang The Ex-badboys.
"Oh, ang daming tao." ani Tiff, "Sale ba ngayon?"
Kinibit balikat ko na lamang siya at muli na lang kaming naglakad at naglibot-libot. Una naming pinuntahan ang isang clothing shop kung saan nagsukat-sukat naman kaming dalawa. Pili nang pili sa mga estante doon at pasok sa changing room at sabay picture. Hanggat sa sinaway na kami ng sales lady doon.
"Ano ba mga ate, bibili ba kayo? Kanina pa kayo pabalik-balik, tapos ano? Ginagawang fashion show?!" bulyaw pa nito sa amin, "akin na nga 'yan!" inagaw na ni ate 'yong mga dress na pinagsusukat naming dalawa ni Tiff.
Napanguso naman si Tiff, "sayang ate, bibilhin ko pa naman pero mukhang ayaw mo sa mga customers mo. So, sige, goodluck na lang sa trabaho mo." Kindat pa ni Tiff sa saleslady na pumuputok na ang labi sa kapal ng pula nitong lipstick. Kaasar lang din ang histura niya dahil hindi bumabagay sa kanya ang lapad ng kanyang katawan.
Omg lang.
"Tara na nga Tiff." Natatawa ko pang tinulak-tulak si Tiffany habang si ateng saleslady ay pinagalitan naman ng isa niyang kasama.
Sorry siay dahil naging hobby na ata namin ni Tiff ang magsukat-sukat ng damit tapos picture lang. Nakakatuwa lang dahil first time kami pagalitan, atleast effective 'yong suot naming salamin at hindi kami nakilala.
Napansin din namin ang pagdagsa ng mga tao sa event center kung saan may mall show nga na nangyayari at isang boy band ngayon ang nandoon. Napagpasyahan naman naming dalawa na pumunta doon para tingnan sila magperform. Hindi pa naman namin sila nakikita in person kaya baka may gwapo, echos lang.
Habang inaanod na rin kami ng mga tao na papunta doon ay naririnig na namin ang mga sigawa ng mga tao doon at nang makita naman namin sila na nagpe-perfrom doon ay nakikisabay din ang mga tao sa rakrakan nilang banda.
"So, may ibubuga rin pala ano?" kunot noo ko pa habang pinanonood sa di kalayuan ang bandang iyon.
Napahalukipkip naman si Tiffany, "pero mas gusto ko pa rin 'yong Before Four, mas astis silang panooring kaysa sa kanila."
"Hey, girl, what did you say?" halos magulat naman kaming dalawa ni Tiff ng may nagsalita at ng lingunin naman namin iyon ay una ko kaagad napansin ang mga t-shirt nilang iisa lang ang mukha kundi ang lider ng bandang The ex-badboys. "Did you say The ex-badboys wasn't good enough and you compare it too that poor band."
"No, she didn't mean." sabi ko dahil baka kung saan pa umabot ang pag-uusap na 'to. Ayoko pa naman madawit sa mga gulo gaya ng sabi ni dad na ayaw niya daw no'n and syempre paano na lang ang recording room ko? "Tiff, alis na tayo." Bulong ko dito at hinihila ko na siya pero agad kaming pinigilan ni mean girl.
BINABASA MO ANG
Between Me and the Star
Teen FictionStar Series After having Johannes Harrest Wesley in the life of Ethan and Reizel will now conquer the world of singing industry after the successful careers of his parents. Would Johannes across as same as the biggest part of Reizel and Ethan in t...