Kapitulo Otso

182 8 1
                                    

Nang magsawa sa kakasuntok si Missy sa matigas na dibdib ni Hades, nanghihinang itinulak niya ang dibdib nito. Kusa namang umatras si Hades at tila napapasong lumayo sa kanya.

"I..." umpisa nitong sabi at ilang segundo ang lumipas ngunit walang salitang namutawi muli sa nakabukang bibig nito. Muling naglapat ang mga labi ng kanyang amo, kasabay ng isang tango. Saka tahimik na iminuwestra ang kamay sa direksyon ng pintuan, tanda na pinapaalis na siya.

Inayos ni Missy ang sarili, at bago niya iniwan ang binata, isang nakakamatay na titig ang binigay niya rito.

Ngunit bago pa man niya binuksan ang pintuan, nilingon niya si Hades na tuwid na tuwid at nakapamulsang nakatitig sa kanya.

Naiinis si Missy kasi hindi niya mabasa ang tumatakbo sa isip ng binata. Still, he wears that impassive look.

"I hate that I felt like I have no choice but stay here. Give me time, and I will eventually leave this place, and then you won't see me ever again. I'll make sure our path will never cross, but I honestly do wish for your happiness. And hinihiling ko lang, respeto. Kung hindi mo ako mairespeto bilang tao, at least respect me as your employee." Mahabang litanya niya saka hinila pabukas ang pintuan at tahimik na lumabas. Marahang isinara niya ang pintuan bago mabilis na hinamig ang sarili habang tinalunton ang daan pabalik sa mesa nila ni Rito.

Samantala sa loob ng silid, tahimik na lumabas din si Hades, anger broiling deep within him. Nang makabalik siya sa mesa nila, he paid his bill, and then asked Donato to drive him back to his pad.

He felt like he was mutilated inside of him seeing Missy laughing without abandon with her friend. And the way the man stares at her, he knew what was that look about.

The man loves her.

And he loath every man who stares at her that way. He loath every eyes who darted in her way and stares at her like they wanted to swallow her whole.

Only Missy who successfully stirred that possessive beast in him. And he hated it.

Kanina para siyang tanga. After Missy's rejection, tila ba siya hiniwa ng paulit-ulit sa dibdib niya. Nasasaktan siya sa hindi nito pagtanggap sa kanya. And he hated himself for feeling that way. He had so many women begging to be on his bed. Gustong mapansin niya, mga babaeng kayang ibigay ang lahat just to please him, but the only woman he desired so much, who can bring out the worst and best in him, ayaw sa kanya.

Ang babaeng akala niya may katapat na pera dahil iyon ang nakita niya. She whored herself, pero sa kanya nagmamalinis. Nagagalit siya dahil hindi niya kaya parin itong maabot, pero kung sino-sinong lalake na naman ang nakatikim dito.

Sa isiping maraming lalake na ang nakagamit kay Missy, tila gusto niyang sumabog.

"Donato, dalhin mo ako sa gym," aniya sa driver niya at mabilis namang lumiko ang sasakyan at tinungo ang gym nila ng mga kaibigan niya.

Isa iyong boxing gym. Duon niya gustong ilabas ang sama ng loob at galit niya.

Ibinaba siya ni Donato sa harap ng malaking gym at saka kinuha niya ang bag na naglalaman ng mga damit na pwede niyang pamalit sa likod ng sasakyan nang hindi hinintay si Donatong kuhanin para sa kanya.

He always packed clothes kung sakaling gusto niyang magpawis sa gym nila, and right now, he wanted to blow off some steam.

Ang boxing was always his outlet for his anger.

Tuluy-tuloy siya sa loob, at bahagyang tinanguan lang ang bantay sa harap, hanggang sa pinakadulong ring.

Isa iyon sa pinakamalaking ring dito. May limang ring sa loob ng maluwang na gym, at may parte rin ng mga punching bags na nakalinya sa isang duluhan.

Detesting Mr. DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon