1: Her Longing Heart

1 0 0
                                    

Naalimpungatan ako sa kalansing ng mga susi. Mukhang kasisikat palang ng araw at ngayo'y binubuksan na ng isa sa mga pulis ang selda.

"Bata, gising na." Naglakad ito palapit sa kinahihigaan ko. Nagkalat ang mga bakas ng sapatos nya na may kaunting putik. Napalalim ba nang sobra ang tulog ko kagabi para hindi mamalayang umulan pala kagabi? Pupungas-pungas na tumingin ako sa pulis. Ito yung nanghuli sa akin kagabi. Natakot ako dahil ang sama ng tingin nito sa akin. Baka makatikim na naman ako at hindi lang pasa ang matamo ko sa kanya.

"Bumangon ka riyan, gising na lahat ng preso nakahilata ka pa." Lumabas na kami ng selda at nakita ko ang mga baranggay tanod kasama si Tita Melen na nakaupo sa bangko katabi si ate Trina.

Lagot. Patay na 'ko nito. Sigurado mata ko lang ang walang latay mamaya kapag napag isa ako kasama si tita.

"Sige ho ser, pasensya na ho di-ne sa pamangkin ko at sutil ho talaga ang batang yan." maamo ang mukha nya habang nakaharap sa kausap na pulis pero noong napatingin sya sa gawi ko ay pagkatalim-talim ng mga titig nya. Sa isip siguro nya ay pinaplano na nya kung paano ako mayayari sa kanya.

"Walang anuman misis, pinagpalipas namin sya rito ng gabi. Sana eh kausapin na ho nyo ang bata para hindi na nasasangkot pa sa pinagbabawal na gamot. Kailangan ng batang kagaya nya ng kalinga at gabay ng nakatatanda. Pwede na kayong umuwi." Nakipagkamay si tita at inakay na ako palabas. Hinihimas-himas pa nya ang balikat ko at nang makalabas na kaming tuluyan sa pinto ay piniga nya ito.

Kung alam lang po ninyo. Mas gusto ko pa pong makulong nalang dito kaysa bumalik sa bahay na yon.

"Punyeta ka talaga, tatagan mo yang katawan mo't malilintikan ka sa akin." Pigil na pigil nya ang boses dahil baka may makarinig. Kasunod nya si ate Trina na ngayon ay abala na sa pagseselpon. Bawat hakbang ko ay nanlalambot ang tuhod ko. Ngayon ay babalik na naman ako sa bahay na yon. Sa bahay na walang rehas pero nakakulong ako. Walang kalayaan. Walang boses at karapatan. Panginoon ko, sana protektahan ninyo po ako.

HINDI pa kami nakakapasok sa kawayang gate nila ay hinablot na ako ni tita. Dinig ko pa ang bulong-bulungan ng mga kapitbahay na nakakita sa amin.

"Malas ka talagang bata ka!" Napakahapdi na ng likuran ko. Napasalampak ako sa magaspang na semento nang iwasiwas ni tita ang ulo ko sa pananabunot. Masakit na masakit ang buong katawan ko.

Halos kaladkarin na ako ni tita nung isang kanto nalang ang layo namin sa bahay nila. Pakiramdam ko rin ay bumaon na lahat ng kuko nya sa braso ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak nya sa akin.

"Napakaingay nyo naman dyan Ma, hindi ko na maintindihan ang pinanonood ko!" Reklamo ni ate Trina na ngayon naman ay prente nang nakaupo sa plastic na upuang pahaba. Tila bingi ang tiyahin ko, patuloy pa rin sya sa paghahagupit ng walis tingting sa akin.

"Tangina ka talaga! Hindi mo ba naisip na malaking kahihiyan ito sa akin? Droga pa talaga ang kinasangkutan mo. Ano nalang ang sasabihin ng mga kapitbahay, paano kung kumalat ito, maapektuhan ang pagaaral ng anak ko. Mapapahiya sya, masasaktan ang ate Trina mo! Punyeta, wala kang kwenta. Tiyak na magagalit ang papa nya pag nalaman nya 'to!" Sa bawat salitang sinabi nya ay may kalakip na sampal, sabunot, kurot, hampas at pamimiga.

"Ku! Ayusin mo ang sarili mo. Magluto ka na ng pananghalian nang may magawa kang tama." Umalis ng bahay ang tita dala ang wallet nyang palagay ko ay didiretso muli sa pasugalan. Ayoko nang masaktan pa mamaya kaya kahit putok ang dumudugong labi, maga ang hita, likod at mukha na may mga pasa at paika-ika ay sinikap kong tumayo at iika-ikang nagtungo sa kusina.

Tingnan ko ang aparador, may patatas at karne pa sa ref. Aadobohin ko nalang siguro ito. Habang nagluluto ay sya namang pagkalam ng sikmura ko sa bawat paglanghap sa mabangong aroma ng adobo. Noong isang araw pa ako hindi kumakain, mani pa ang huling ipinanglaman ko sa sikmura ko. Nang matapos ang pagluluto ay nagsalin ako ng sabaw, kapirasong karne at kanin sa plastik. Paniguradong mauubusan na naman ako ng pagkain. Ayaw na ayaw ni tita na makasabay nila ako sa hapag kaya ang pag kain ko ay pagkatapos pa nila.

"Hindi pa ba tapos yan, gutom na gutom na kami aba! Uuwi si papa kaya wag kang kukupad-kupad dyan." Minadali ko na ang gawain saka itinago ang pinuslit kong pagkain sa ilalim ng lababo, sa tabi ng l alak na walang laman. Nagsimula na akong maghain, kadarating lang siguro galing trabaho ni toto dahil hindi pa naaalis ang sapatos nya. Todo asikaso naman si tita sa kanya mula sa pagsasandok ng kanin at paglalagay ng ulam sa pinggan nya. Magana silang kumain at nagsalo-salo. Bawat sandok ng kanin, pagdaloy ng sabaw sa pinggan at paghiwa ng karne ay nagpaalburuto lalo ng tyan ko.

Naupo muna ako sa gilid malayo sa mesa habang baluktot ang tuhod na nakatingin sa kanila. Nakabantay sa baso na baka maubusan ng laman upang agad kong masalinan yon agad o kaya ang pinggan nila na kailangan muling sandukan. Ipinatong ko ang dalawang braso sa tuhod ko at ibinaba ang tingin. Nagugutom na ako. Sana matapos na sila agad.

"Nako alam mo ba? Yang babaeng yan eh nagtutulak ng droga! Aba, balak pa yatang pati tayo eh gawing adik nyan." Nakatikwas pa ang isang kilay nya habang umiinom ng tubig at nakatingin sa akin.

"Kung ako sayo eh ipadadala ko nalang yan sa probinsya, doon mo nalang itambak yan kaysa dito na napapakinabangan nga eh adik naman." Umismid si tiyo sa narinig saka hinagod ako ng tingin bago ibinalik sa pagkain ang atensyon.

Nakita kong paubos na ang kanin sa pinggan ni ate Trina kaya nilapitan ko sya para muling sandukan. Akma ko nang ilalapag ang kanin nang tabigin nya ito. Natapon ang kanin sa sahig. Sobrang nakakapanghinayang. Sana hindi nalang natapon ang pagkain na iyon, sana'y sa akin nalang.

"Omg Ekang ha! Bakit sasandukan mo pa ako eh tapos na nga akong kumain?! Can't you see na diet ako now? Nakakainis ha!" inirapan ako nito matapos sigawan. Wala akong nagawa kundi ang mapayuko na lamang at iniwasan ang mga tingin nya.

"Hayaan mo na anak, bumalik ka na muna sa kwarto." pagkalambing-lambing ng boses ni tita habang inaamo ang anak na ngayon ay matalim pa rin ang tingin sa akin.
Kahit papaano ay mabuti syang ina kay ate Trina. Iniwas ko ang tingin sa kanila. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit, kahit papaano ay may nanay sya na mahal na mahal sya kahit na madalas na hindi maganda ang ugali nito. Padabog itong umalis at nagtungo sa kwarto nito.

Wala akong narinig na kahit na ano kay Tito ukol sa nangyari kanina. Ni hindi nya ako inimik. Saglit lang nya akong tinapunan ng tingin at muli nya syang nagpatuloy sa pag kain.




NAGWAWALIS ako sa bakuran noong matapos kong hugasan ang mga hugasin, naubos ko na rin ang ipinuslit kong pagkain kanina. Salamat sa Diyos at hindi ako nabuko ng tita.

"Kailan ka pa magbabayad ng utang Melen? Diyos ko, magaapat na buwan na yan hindi mo pa rin bayad-bayaran!" Kusang lumipad abg tingin ko sa katapat na bahay, naroon nakatayo si tita pati si ate Badeth na pinagkakautangan nya.

"Wag ka namang sumigaw mare, pumasok na muna tayo sa bahay para makapagusap tayo nang maayos. Nakakahiya sa mga kapitbahay." Inaakay nito si ate Badeth na pumasok pero inalis nito ang pagkakahawak nito sa braso nya.

"May gana ka pang mahiya sa kanila, sa akin na inutangan mo hindi ka makaramdam ng kahihiyan?" Pumameywang pa ito habang tinatarayan si tita. Naku, kung wala lang atraso itong si tita kay ate Badeth ay malamang na papatulan nya ito.

"Magbabayad na ako mare, sa susunod na linggo ibibigay ko na nang buo ang bayad ko." Saan naman kaya kukuha si tita ng tatlong libong ipambabayad sa utang nya?

Pumasok na sa loob si tita. Mabibigat ang yabag nito at nakatiim bagang. Mukhang kanina pa sya nagtitimping patulan ang babae.

"Bilis-bilisan mo garutay ka! Maligo ka, sumama ka sa akin mamaya." tuloy tuloy na syang pumasok at naupo saka hinilot ang noo nya.

Saan ang punta namin mamaya? Minadali ko na ang ginagawa at naligo. Wala pang kalahating oras ay natapos na ako. Ayaw na ayaw ni tita na pinaghihintay sya. Nang natapos akong magbihis ay lumabas na ako kung saan naghihintay si tita. Naka duster ito at may rollers sa buhok habang nakaipit sa kili-kili nito ang wallet nya.

"Napakabagal aba! Bilisan mo at hinihintay na nila tayo don." Nakasakay na sya sa tricycle, kanda talisod ako sa takbo para sumakay. Binaybay na namin ang kahabaan ng kaparangan. Palabas na ito sa sitio namin. Ang lugar na pupuntahan namin? Hindi ko alam.

Diyos ko, patnubayan po ninyo kami.

--

-J

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Beyond LimitsWhere stories live. Discover now