Part two

2 0 0
                                    

Inabot ng magaalas dos ang happenings ng magkakaibigan. Tulog na din sila jessie,miro,brent at amber habang si ara ay handa na ring matulog.

"...oh last na 'to ah? Baka naman mapa'no na tayo eh."hayag ni lenien.

"Kayo lang eh. Sumasabay lang kaya ako."sagot ni vin

"Oo,mamaya susuka kana d'yan."biro ni lenien.

"Wag gano'n men,sayang eh."
"Edi piliin mo."saka humalakhak si lenien nung tumayo si kiel at kumuha ng pantabing saka kinumutan si amber

"How sweet!"sabi ng dalawa na kinikilig pa.
Bumalik si kiel sa mesa at shumat nung

"May gusto ka sa kan'ya no?"tanong ni vin

"Ako?wala ah?"tanggi ng binata

"Owh come on!don't fool yourself! Halatang-halata na."

"Oo nga naman,itatanggi mo pa ba?"ulot ni lenien.

"Wag nga kayo,kaya makasalanan ang tao,dahil sa mata. Walang meaning 'yon."sagot ng binata.
Matapos tunggain ang last shot ay binagsak ni vin ang bote.
"Edi wala kung wala. Oh pa'no?i'm out."saka tumayo ito.

"Oh,sa'n ang punta?"tanong ni lenien sabay inom

"Jingle bells muna."paalam ni vin. Tumugon lang ang dalawa.

Habang naglalakad papuntang c.r. si vin ay napahinto ito sa naramdamang awra na sumusunod sa kan'ya pero ngumiti lang 'to at iniisip na isa lang 'to sa dalawang binata na balak s'yang takutin.
Pagpasok n'ya sa c.r. ay agad n'yang binaba ang zipper at sinara ang pinto. Sa pag-ihi n'ya ay nagulat ito sa narinig na kalabog mula sa katapat na kusina pero kumakalma padin s'ya. Ngumiti pa 'to sa naisip na gagawin. Tapos na s'yang mag-cr at pinapakiramdaman n'ya lang ang paligid kung may kakalabog uli,nung mangyari ay agad n'yang binuksan ang pinto pero imbis na s'ya ang manggugulat,s'ya ang nagulat. Madilim sa paligid na parang sadyang pinatay ang ilaw kaya napalunok ito na halatang natatakot na. Lalo pa itong kinilabutan nung marinig n'ya ang pag-off ng switch ng ilaw sa cr. Alam n'ya na ang switch no'n ay nasa gilid ng pinto ng cr kung nasa'n s'ya. Pero kesa pangibabawan ng takot ay nagmatapang s'yang lumakad patungo sa switch ng ilaw ng kusina pero dahil sa napakadilim ay kinuha n'ya ang cp sa bulsa at pinailaw 'yon,nakailang hakbang nas'ya papuntang switch nung mapatalon ang puso n'ya sa kaba dahil tumunog ang cp n'ya.wala sa isip na binasa n'ya ang txt. Nadagdagan pa ang takot nito nung makitang isa itong chain message mula sa 'di pamilyar na number. Hindi na n'ya tinapos na basahin nung ib-back n'ya ay nagtaka ito sa nakitang oras ng pag-deliver ng text (2:11am) kaya tiningnan n'ya ang oras n'ya. (2:10am) binalewala n'ya 'yon kahit na kinakabahan na ito,nung pagtaas n'ya ng cp n'ya para ilawan ang daan ay napaatras ito sa takot nung makitang may muk'a s'yang nakita. Naihulog n'ya ang cp n'ya at akmang sisigaw na nung may sumaksak sa bunganga n'yang matalim na bagay. Bumulagta 'to sa sahig kasabay ng pagbukas ng mga ilaw. May nakasaksak na colonial sa bunganga ng binata na tumagos hanggang sa batok n'ya dahilan ng pagkamatay n'ya ng dilat.

Nagtatawanan pa si kiel at lenien na palapit sa kusina nung magulantang sila at makitang nakabulagta na si vin. Patakbo silang lumapit do'n.
"vin!"tawag ni lenien nung makalapit ay nagulantang ang dalawa at napaatras sa halu-halong pakiramdam nila sa kalagayan ng kaibigan.

Sa ospital...
Iyak ng iyak si jessie habang inaalo s'ya ng dalawa pang dalaga na umiiyak din.
Hindi naman mapakali sila brent at lenien habang magkatabi ang nag-iisip na si miro at kiel.
"Ano ba'ng nangyari?"tanong ni brent na 'di mapalagay.
"Paulit-ulit tayo. Kung ano yung sinabi ko kanina,'yon padin ang isasagot ko."matamlay na sagot ni kiel na punum-puno ng dugo ang damit.
Sa matinding nararamdaman ni brent ay napasuntok nalang 'to sa pader at nagsimula ng tumulo ang luha. Hindi narin napigilan ni lenien ang emos'yon at napaluha na rin ito sa sama ng loob.

Tuloy padin ang hagulgol ni jessie nung may lumapit na pulis at nilahad ang isang plastic na may laman na cp ni vin,napahinto si jessie napatingin naman sa pulis ang mga dalaga.

The chain messageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon