STILL RHIANNA POV...
Nakita kung bumukas ang pinto ng cr, inuluwal nun si Xyrus nakaliligo lang
Napatingin ito sa akin
Wala nanaman syang emosyon, pshhh
“sir bakit hindi po kayo pumasok?”mahinahong tanong ko dito
“remember ako ang mag aalaga sayo”malamig nitong turan
“pero sir kaya ko na po ang sarili ko”saad ko, inalis ko ang comforter sa akin at dahan dahan akong tumayo
Kahit nilalamig ako at nanghihina, pinipilit ko paring tumayo, di ko pinapahalatang hindi pa ako ok
Pagkatayo ko naglakad ako, kahit na nahihilo ako pinipilit ko pa ding maglakad, huminto ako sa harapan ni sir
“tignan niyo po sir, kaya ko po ang saril—”hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla akong mapaupo
Arghh! Di man lang makisabay ang katawan ko, kahit ngayon lang sana makayanan kung tumayo para mapakita ko sa kanya na kayo ko, para pumasok na sya at hindi umabsent
Napatingin ako kay Xyrus na nakatayo, naupo ito sa harapan ko “see? Hindi mo pa kaya ang sarili mo kaya huwag kang makulit”taas kilay nitong saad kaya, napabusangot na lang ako
“*/cough */cough”napatakip ako sa bibig ko
Nako inuubo ako!
Nagulat ako ng bigla akong buhatin ni sir na parang bridal at dahan dahan ako nitong ini-upo sa kama, tsaka nya kinuha ang comforter at kinumot sa akin
“dyan kana na muna kukuhaan kita ng pagkain sa baba”seryoso nitong saad at lumabas ng kwarto
Hayts, nakakahiya naman kay sir
Napabuga na lamang ako sa hangin
Maya maya pa ay dumating na si sir, dala dala na nito ang pagkain, inilapag nito ang pagkain sa harapan ko
“kumain kana para makainom kana ng gamot”saad nito, umiling naman ako
“sir nasaan po ang phone ko?”mahinahong tanong ko dito
“aanhin mo naman ang phone mo?”pabalik nitong tanong
“tatawagan ko po sana ang Lola ko”sagot ko
“pero nabasa ang phone mo kagabi”napabusangot ako sa sinabi nito
Bakit kasi kagabi pa umulan, tuloy wala na akong phone
“here”inilahad ni sir ang phone nya
Taka ko naman itong tinignan “ano pong gagawin ko dyan?”
“hiramin mo muna ito at tawagan mo ang Lola mo, aalis na muna ako bibilhan kita ng gamot para mamaya gumaling kana”saad nito
Alam kung ngayon lang magiging mabait si sir sa akin kaya susulit-sulitin kona
“salamat po sir”nakangiting saad ko dito
“pagkatapos mong tawagan ang Lola mo, kumain kana para pagkauwi ko iinom kana lang ng gamot”saad pa nito, nakangiti naman akong tumango
Kinuha ko na ang phone nito, tsaka sya lumabas
Sana nga gumaling na ako mamaya, first time ko pa namang magkasakit
“*/cough³”ubo ko
Woahhh, ang hirap ubuhin
Inopen kona ang phone ni sir, mabuti na lang at walang password
Tinawagan ko na si Lola
TIME SKIP
YOU ARE READING
Ang Boss Kong Masungit
Teen Fictionmagkakaayos kaya ang pamilya ng isang lalaki? mahahanap kaya ng isang kuya ang kanyang nawawalang kapatid?