Quin
"Di ka pa nakabihis?"
Napatigil ako sa pagsasalita sa kausap ko sa kabilang linya nang bumukas yung pintuan ng kwarto ko at sumungaw yung ulo ni Dylan.
I covered the mouthpiece of my phone while mouthing Dylan, "What?"
"Di ka pa din nakakaligo."
This time ay halata na yung dismaya sa boses nito ng makita na suot ko pa din yung damit kong pambahay kanina.
Naiinis na pumasok ito sa loob ng kwarto. Napaangat pa nga yung kilay ko nang mapansin na bihis na bihis ito at nakaayos pa.
"May lakad ka?" I couldn't help but to ask. Totally forgetting that I have Kaylee on the other line. "Ang aga naman ng date mo." hindi ko din pinigilan yung sarkasmo sa boses ko.
Ang alam ko kasi ay may lakad kami mamaya. Kaya nga inaayos ko na lahat ng mga tatapusin ko para mamaya ay wala na akong aasikasuhin. Gusto ko kasing nandito na lang yung atensyon ko mamaya at wala ng iba pang iniintindi. Saka kahit wala sa bokabularyo ko ang manghingi ng pabor, ay heto at ginagawa ko.
Yet, may lakad pa pala ito bago yung lakad namin.
"Di ba ngayon tayo manonood ng concert?" Eksaheradong bumuntong-hininga pa si Dylan at padabog na naupo sa kama. "Pero di ka pa nag-aayos. Di ka pa din nakakaligo. Anong oras pa tayo aalis?"
Nagtatakang napalingon ako sa wall clock. 8pm pa yung oras ng concert. Four o'clock pa lang. Anong gagawin namin doon? Tutunganga?
"It's too early, Dylan. Hindi naman ako yung magseset up ng stage at mag-aayos ng sound system. Anong gagawin don ng ganito kaaga? Tatanga? Magsasayang ng oras?"
Kung kanina ay nakasimangot na si Dylan, bigla naman itong tumahimik ng marinig yung sinagot ko. Pagkatapos ay tiningnan yung itsura ko. Tumuon pa nga sa phone ko na hawak ko at nasa tenga ko pa.
Napailing na lang ako sa inaasal nito.
"No, Kaylee. That's Dylan. Ang aga aga pa. Gusto na agad pumunta ng concert." I answered Kaylee on the other line while my stares are still fixated to Dylan. She's biting her lower lip na para bang may gusto pang sabihin pero mas pinili na lang manahimik. Inangatan ko lang ito ng kilay. Lalo pa at nagsisimula na naman mangantyaw sa kabilang linya si Kaylee. Kelan ko pa daw naging idol si Taylor Swift? Baka daw mamaya, kabisado ko pa ang mga kanta non.
Akala ko ay magsosorry ito pero nagulat na lang ako ng mabigat yung mga hakbang na lumabas ito ng kwarto at saka pabagsak na isinarado yung pinto.
Napatingin ako ulit sa orasan. Masyado pa talagang maaga.
I took a deep breath before deciding to end the call with Kaylee.
Wala sa loob na nagdesisyon na din akong maligo at mag-ayos kahit pa nagsisimula na naman akong mairita kung bakit ako apektado ng ginagawang pagdadabog ni Dylan.
Totoo naman na maaga pa at pointless kung maghihintay lang kami doon gayung alas otso pa nga yung start. We don't even need to fall in line like the normal ones because I've got the VIP passes and we can just take the private entrance going to our designated seats. Saka kaya ko nga kinausap si Kaylee dahil kakilala nito yung organizer ng event. She can get us the privilege of a backstage pass. Just for Dylan. Tapos ito pa yung may gana mainis.
Binilisan ko yung paliligo at pag-aayos para hindi ito masyadong mainip sa paghihintay kahit sanay naman na ito. Baka kasi imbes na matuloy yung lakad namin ay tuluyan na lang akong mainis at naisin na wag na umalis.
Akala ko nga ay aabutan ko ito na matyagang naghihintay sa sala. O kaya naman ay nakasimangot pa din. Pero hayon, panay pa yung tawa nito habang may kausap din sa kabilang linya. Akala mo teenager na kinikilig pa.
BINABASA MO ANG
QUIN (GxG)
Romance(Please read XERA first. Di nyo to maiintindihan pag di nyo binasa yung XERA muna. Lols.) QUIN CERVANTES Maldita, pero matalino. Galit sa bobo at tatanga tanga. Minsan lang magmahal, pero nabigo pa kaya iniisip nito na wala nang taong pipiliin sya...