Chapter 10

66 5 0
                                    

HOW THE KISS CHANGED ME

Chapter 10: Personal


ANTON'S POV


Bakit ko nga ba siya kinindatan? Anong meron?

Ugh, Anton! Nakakahiya ka!


"Hm," panimula ko, "Gutom ka na ba?"


"Medyo lang po," sagot niya sa akin.


Tapos na kaming mag-check out ng pinamili namin at nagpasya kaming iligay muna sa sasakyan para makapag-libot kami ng walang kahirap-hirap. Mabibigat din ang mga nabili namin ah?


"San mo gusto kumain?" tanong ko sakaniya habang naglalakad kami kung san nakapalibot ang fast food.


"Kahit sa King Grill nalang." sabi niya at pumayag ako.



Napag-alaman kong first time rin pala niyang kakain dito. Maski ako, first time. Minsan lang ako kumain ng fast food, kung kakain man ako, puro Mcdo, Jollibee or kFC lang, minsan chowking.


"Pasensya ka na nga pala sa biglang pag-aya ko sayong mag-grocery shopping." sabi ko at uminom ako ng Iced Tea na kaka-serve lang samin ng waiter.


"Nako po, wala iyon." sabi niya, "May binili rin naman ako eh."


"Karla, uhm." sabi ko, hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang pagtatanong sa kaniya. masaydo kasing personal.


"Ano po iyon?" sagot niya sa akin ng makainom siya ng Iced Tea niya.


"Magkaibigan tayo diba?" tanong ko, at naguluhan siya.


"Wala po akong natandaang magkaibigan tayo, pero sige po." Boom panis, Anton. Lakas ng loob mong magtanong kung magkaibigan kayo ah!


"Ganon ba?" napakamot nalang ako sa ulo at nakita kong ngumiti siya.


"Biro lang sir, sige. Kung gusto niyo akong kaibigan, papayag ako." sabi niya at ngumiti sa akin.


"Should we ask each other?" tanong ko na hindi sigurado. Baka kasi madalian siya sa pangyayari. Parang sapiliitan na nga lang yung pagkakaibigan namin eh, tapos ganon?


"Ano po ang ibig niyong sabihin?" tanong niya


"Pwede ban tanungin kita ng personal?" sabi ko ng may hiya pa sa boses.


"Okay lang po?" sabi niya at di rin siya sigurado.


Bago pa ako nakapag-salita, dumating yung pagkaing in-order namin kanina. Nice, maganda ito.

How the Kiss Changed Me (FRN#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon