Chapter 35: QUEBEC: UNANG BAHAGI

242 22 6
                                    


Hindi ko alam na ganito pala kasakit at kahirap ang magkagusto sa isang tao. Gusto? Siguro nga gusto ko na talaga siya, naguguluhan at natatakot lamang ako kaya hindi ko matanggap na nagkakagusto ako sa kaniya.

Simula pagkabata ni-minsan hindi ako nagkaroon ng pagtatangi sa ibang tao, kahit crush wala o paghanga 'man lang. Nagkaroon ako ng mga manliligaw pero ni-isa wala akong binigyan ng pansin. Ni-hindi ko nga inalala kung masasaktan ko ba sila sa oras na tanggihan ko ang pagtatangi nila sa akin. 

Nasaktan ko ba sila? 

Umiyak kaya sila? 

Nagalit kaya sila?

Nainis?

Nagtanim ng sama ng loob?

Kasi kung oo, parehas kami ngayon ng nararamdaman. Sobra akong nasasaktan!! Oo, sobra akong nasaktan noong malaman kong ikakasal na pala siya. Pero bakit kailangan kong masaktan ng ganito? Hindi naman ganoon kalalim ang pagkagusto ko sa kaniya. Hindi nga ba? 

Ewan ko!!

Ganito rin kaya ang naramdaman ng mga taong umasa at assuming nang malamang hindi sila magkakatuluyan ng taong gusto nila? Hindi naman sa iniisip kong magkakatuluyan kami ni Zahir pero ewan ko ba kung bakit ayon ang pumasok sa isipan ko. 

Naguguluhan ako! Nakakainis! Nakakainis siya!! Hindi ako mahuhulog sa kaniya ng ganito kung hindi siya nagpakita ng motibo, o sadyang assuming at feelingera lang talaga ako. Nakakainis siya talaga, ginugulo niya ang sistema ko.

Tapos ang sakit-sakit pang isipin na ikakasal na pala siya. Ano naman ngayon kung ikakasal sila? Edi congrats na lang sa kanila. Maging malusog sana mga anak nila. Magtagal sana sila bilang mag-asawa. Bagay na bagay pa naman sila.

Gusto ko lang linawin na hindi ako nagseselos!! Naiinis lang talaga ak—. "Aray ko naman, Jus! Ba't ka ba nang babatok?"

"Eh, shutang ina mo pala! Kanina pa ako talak nang talak dito tapos parang kinantot ng sampung kabayo 'yang itsura mo. Kanina lungkot na lungkot tapos ngayon inis na inis ka naman." Sa halip na pansinin ko siya, tumayo na lamang ako at hinanda ang susuotin ko mamaya para sa unang bahagi ng Quebec. 

Oo, hindi ako nagback-out. Nakatulong naman kahit papaano ang mga sinabi ni Zahir kahit na naiinis ako sa kaniya.

Pagkatapos nang pangyayari kahapon, dumiretso ako agad sa Dormia at nagkulong sa aking k'warto. Ewan ko kung paano ako nakaalis sa sitwasyon na 'yon. 

"Hindi ka naman ganiyan kahapon, bestie!! May nangyari ba? Verda, magsalita ka!! Tell me! Tell me Rodrigo kung saan ako nagkulang?! Hindi pa rin ba sapat ang mga luhong binibigay ko sa 'yo?!! Sawa ka na ba sa katawan ko, Rodrigo?!! Sumagot ka!!"

"Justine, nababaliw ka na naman. Hindi ka pa ba kikilos? Mamaya na ang Quebec oh." Mahinahong sabi ko.

"Hoy!! Ready na ako 'no!! Hindi ka kasi nakikinig sa akin 'mula kanina, Jerome! Alam kong may problema ka, Jerome. Handa akong makinig, anak. Wala kang dapat ikatakot, pakikinggan kita, pakikinggan ka ng Diyos, anak. Patatawarin ka niya sa lahat ng mga kamaliang nagawa mo." Kumunot ang noo ko sa pinagsasabi niya.

"Kung ano-ano na naman pinagsasabi mo. Kanina Rodrigo, ngayon Jerome. Magtigil ka nga Jus!"

"Eh, bestie naman kasi!! Sabihin mo na kung ano ang problema mo~~~." Sabi niya habang nagpagulong-gulong sa kama. Nagiging isip bata na naman siya. Ang dami niya talagang katauhan.

"Tungkol lang ito kahapon. Iniisip ko kung tama ba na hindi ako nagback-out." Pagsisinungaling ko. Napaayos siya ng upo. Nakataas ang isa niyang kilay habang mapanuring nakatingin sa akin.

Aiden: The Last AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon