CHAPTER 2

24 6 0
                                    

"Aray!" I grimaced when Roan hitted me a popcorn kaya natamaan ako sa kilay ko, sinasayang niya lang ang pagkain.


Kanina pa'ko kinukulit ni Roan, gustong-gusto ko na itong hambalusin ngunit hindi ko magawa dahil naglalaro kami ni Cy ng piano tiles. Kung sino ang matatalo ay siyang magliligpit ng pinagkainan namin.


The tiles are now passing so fast na halos ikaduling ko na tapos isa pa itong si Roan na napakakulit.


"Cy tignan mo may dinosaur sa pinto." patuloy padin ako sa paglalaro habang inuuto si Cyver. Baka matuluyan na ako sa pagiging duling pag hindi pa huminto ang laro namin.


Hindi ako pinansin ni Cy, nakatuon padin ang atensiyon nito sa laro. Desidido talaga itong manalo para ako ang mag-ayos. How can I win this game?


Inis kong binato si Roan ng isang popcorn bago ko ito inirapan. He made me loss, dahil sa kakulitan nito.


Nakangisi naman ng nakakaloko sa akin si Cy habang nakadekwatrong naka-upo sa sofa. Ang kapal ng dalawang ito, feel at home tapos ginagawa pa akong yaya. Wala man lang pasweldo, sakit pa sa ulo ang hatid nila sa akin.


Sanay na din ako sa dalawang tukmol na ito, buti nga hindi ko sa kanila pinapalipad ang kasangkapan sa bahay kahit gustong-gusto ko na silang batuhin ng mga kawali.


Pa'no ko ba nagawang pagtiyagaan ang ugali ng dalawang ito? How did I handle this to two frisky turtledoves.


Sarap pag-untugin.


They're truly lucky to have me.


Thanks to me their morning is truly good for they had always seen my beautiful face.


Thanks for my long patience.


Thanks to me for I am the most beautiful gift they had received.


Tanggap ko naman ang kapangitan nilang pareho.


Tanggap ko naman ang kapangitan ng ugali nila.


Kwento ko'to kaya ako ang bida.


"Pst! Lana! Lana! Lana! Lana!..." paulit-ulit na bulong sa tenga ko na parang bubuyog, nakakainis natutulog 'yong tao tapos ginaganito. The behavior!


Inis kong tinuwid ang dalawa kong kamay para matamaan kung sino man ang dalawang bubuyog na pabulong-bulong sa tenga ko. Nakakairita, sinisira nila ang maganda kong umaga!


Dalawang malakas na bagsak ang pumapaibabaw na ingay sa loob ng kwarto ko, tamad kong inunat ang kamay ko bago humikab at muling bumalik sa pagkakatulog. Masyado akong pagod lalong-lalo na sa dalawa kong kababata, lasog-lasog ako lagi. Kairita!


Dalawang hampas ng unan ang tumama sa ulo ko kaya agad akong bumangon at pinagsisipa ang dalawa, nakakainis naman kasi. Alam na natutulog ang tao ta's aabalahin, mga walang modo.


"Aray!" daing ni Roan sa sakit, natamaan ko ito sa kanang bahagi ng tagiliran niya. Karma 'yan!


"Lana!" sigaw ni Cy habang sapo-sapo ang noo nito, medyo deserve niya kung saan man siya natamaan.


Hindi man lang nila nirerespeto ang kagandahan ko na hindi nila ako hinahayaan na makapagbeauty rest, mga beast sa buhay ko.


Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa dalawang ito, hindi ba nila alam ang salitang privacy? Masamang titig ang nakapukol sa akin habang pareho silang nakaupo sa malambot kong kama.


Doomed in Between Where stories live. Discover now