CHAPTER 5

9 1 0
                                    

Distance has nothing to do with love. Sa tuwing nakakabasa ako ng mga istorya na ganito, napapasimangot na lang ako dahil wala naman talagang ganon na pag-ibig.

Bitter? Oo napakabitter ko lalo na noong napasok ako sa mundong ito. Ang dami kong nakilala na sa una lang masaya, pagkatapos? Ayon hiwalay.

Ang dami nilang pangako sa isa't isa, pero sa huli luhaan. Sos kaya hindi talaga ako magpapabiktima sa distance love eme na iyan.

Pero syempre, charot lang! Bakit? Kasi may napagtanto akong isang bigay.

Hindi dahil paulit-ulit kong nakikita sa iba, nangyayari na sa lahat. Lalong wala ring kinalaman ang nakaraan ko, sa kung anong klaseng tao ang makikilala ko sa hinaharap.

Oo na! Binali ko na naman yung pangako ko sa sarili ko. Iyon yung hindi ako makikipagrelasyon pang muli sa mundong ito. Binali ko para sa kaniya. Binali ko dahil sa mga bagay na napagtanto ko noong makilala ko siya.

Sobrang saya pala, yung tipong sa sobrang saya, kulang ang salita para maipaliwanag ko kung anong nararamdaman ko sa kaniya.

Cloud nine? Pagkain lang sakin iyan dati, pero ngayon nararamdaman ko na kung ano ba talaga ang pakiramdam non.

Pero relasyon nga ba na matatawag kung alam kong wala naman talagang kami?

Imbes na masaktan sa naisip ko, naging dahilan ito ng pagngiti ko. Baliw man kung iisipin pero oo, masaya pa rin ako. Kasi ang importante sa akin, akin siya.

Ganiyan ang label namin. I am his, and he is mine. Kakaiba, tama?

Kahit ako ay naguguluhan din sa amin pero hindi ko alintana iyon. Ang importante kasi sa akin ay siya lang.

Wala rin naman kaming pinagkakaiba sa ordinaryong magkasintahan. Hindi niya sa akin pinaramdam na wala talaga. Hindi niya pinakiramdam sa akin na may kulang sa aming dalawa.

Palagi niyang pinaparamdam sa akin na mahal niya ako. Palagi niya akong ini-spoil sa pagmamahal at pag-aalaga niya. Kahit na gaano siya kaabala? Hindi niya nakakalimutan na bumungad sa akin sa umaga at iupdate ako sa kung anong nangyayari sa kaniya.

Palagi niya rin sinisiguradong ayos lang ako. Pinapaalalahanan niya rin ako tungkol sa pag-aaral ko. At dahil doon, mas naging inspirasyon ko siya.

Oo nga pala. Nagsimula na rin siyang magsulat kaya natutuwa ako. Tama ako, sobrang galing niya! Palagi niya rin akong ginagawan ng mga tula na mas nagpahulog sa akin. Geez, pakiramdam ko hindi na talaga ako makakaahon sa lalaking ito.

When my birthday came, it was so extraordinary. Hindi ko inexpect na gagawin niya iyon.

“Lil girl, he really loves you ah. Imagine, we're not close pero nagawa niyang ichat at tanungin ako kung magugustuhan mo raw ba yung niregalo niya sayo,” saad ni ate Aina noong nag-uusap kami.

“Kasi kung ako iyon? Hindi ko magagawang magfirst move sa taong hindi ko pa nagiging malapit na kaibigan,” dagdag nito.

Halos lumiit na ang unan na yakap-yakap ko sa pagpipigil ng tili ko.

From that day, gusto ko na ang kaarawan ko.

Nag-alala rin ako noon kung tatanggapin pa kaya niya ako kapag nalaman niya ang edad ko. Natakot ako, na baka husgahan niya ako.

Lumaki kasi ako na ang tinatak sa akin ng mga nakapaligid sa akin, mali ang magmahal sa ganitong edad. Iminulat sa akin noong bata pa lamang ako na bawal, at walang karapatan ang mga kagaya ko na makaramdam nito.

Akala ko, magiging ganon din ang iisipin niya kaya natakot ako noon. Pero hindi. Wala manlang bakas ng panghuhusga o pagsisisi sa kaniya noong sinabi ko sa kaniya. Wala ring nagbago sa aming dalawa. In fact, mas lalo niyang pinaramdam sa akin kung gaano niya ako kamahal.

Ang saya pala ano? Ng makatagpo ng tao na tanggap ka. Yung hindi mo kailangan mag-isip ng anong kailagan mong baguhin sa sarili mo para lang magustuhan at mahalin ka pa niya lalo. Kasi ako? Mas natutunan kong mahalin ang sarili ko, ang buong pagkatao ko.

Ang sarap sa pakiramdam na palagi akong kasama sa mga plano niya. Gusto niyang lagi akong ikino-consider sa lahat ng bagay.

Napakaopen niya ring tao sa akin. Wala siyang tinatagong kahit ano kaya kahit kailan, hindi ako nag-isip na gagawa siya ng kung anong ikakasira ng tiwala ko.

Kyaaahhh sobrang swerte ko talaga sa kaniya!

Sobrang saya namin, ano? Ang smooth ng nagiging takbo ng relasyon namin. Not until...

“Ano bang nangyayari sa sarili ko?” naiinis kong wika.

Kanina pa ako hindi mapakali, natatakot at kinakabahan ako sa hindi ko malaman na dahilan. Parang may hindi magandang nangyari na ewan.

Bigla ko pa lamang ito naramdaman kaya hindi ko ito maipagsawalang bahala. Hindi ako makapagfocus sa ginagawa ko na para akong naiiyak.

Kinuha ko muna ang cellphone ko upang makapagpahinga. Baka pagod lang ako, oo tama.

Akala ko ay magiging ayos na ako, ngunit mali. Nakatanggap ako ng mensahe mula sa isa sa mga kuya ko na kaibigan niya.

“Sky was shot in the shoulder because he wasn't wearing any protection when he was training. Because of this, his sister banned him from using any gadgets. Don't worry, he's fine now,”

Ngayon alam ko na. Alam ko na ang ibig sabihin ng pakiramdam na iyon. Aisshh yung pasaway na iyon!

Simula noong araw na iyon, sila kuya ang naging tanungan ko tungkol sa kaniya, ganon na rin ang kapatid nito. Oo, kilala ko ang ate niya dahil pinakilala ako nito. At sobrang bait ni Ate sa akin.

Hindi ko maiwasan na mag-alala pa rin. Iniisip ko ba kung talagang ayos lang siya. Kumakain ba siya ng ayos at sa tamang oras? Nagpapahinga at natutulog ba siya ng tapat?

Grabe, miss na miss ko na rin siya.

Noong malaman kong makakapag-online siya ng buong isang araw kahit hindi pa tapos ang punishment niya, sobrang saya ko. Kaya nga sobrang thankful ako sa mga kuya ko, lalo na kay kuya Atlas. Sila kasi ang nagconvince kay ate para kay Sky upang makasama ako.

Sabik na sabik talaga ako sa kaniya. Ang tagal ko ring hinanap yung presensya niya.

Pero dapat galit ako diba? Oo galit ako! Tsk siya kasi! Hindi niya inaalagaan ang sarili niya, napahamak tuloy siya.

Ngunit noong makita ko siya ulit? Noong mabasa ko ang mensahe niya para sa akin? Nawala yung pagtitigas-tigasan ko. Grrr! Hindi ko talagang magagawang magalit o magtampo sa lalaking ito.

Sapat naman na ang mahabang sermon ko sa kaniya, ayos na iyon. Mahalaga ay kasama ko siya ngayon.

Sa totoo lang, ang mga araw na nakakasama ko siya ang pinakamasayang araw para sa akin. Yung kahit mag-usap lang kami maghapon, magdamag, hindi ako magsasawa.

How I wish na walang katapusan ito. Sana hindi matapos ito. Gusto ko, ganito na lang kaming dalawa, magkasama.

Pero kahit na gaano ko man gustuhin, hindi naman tumitigil ang paggalaw ng oras. Gusto ko pang iextend, pwedeng pakibalik please?

Alam ko, marami pa siyang bagay na aayusin. Ayos lang naman sa akin. Mas gusto ko nga ang magfocus siya sa sarili niya.

Ayaw ko rin kasing maging sagabal sa isang tao, lalo na sa taong mahal ko. Mas gusto ko rin na pinaprioritize niya sarili niya kesa sa akin dahil alam ko, wala pa ring magbabago sa amin.

“Huwag ka nang maging pasaway! Mag-iingat ka palagi ah? Alagaan mo ang sarili mo. I love you! Iintayin kita, pangako,”

Lumipas ang isang araw, isa pang araw, at marami pang araw ngunit hindi pa rin siya bumabalik, hindi pa rin siya nag-oonline.

Pero kahit na ganon, hindi pa rin nawala ang pagmamahal ko sa kaniya. Lalong hindi nawala ang tiwala ko na babalik siya, babalikan niya ako.

My love, my rest, my moon, my life, my Sky, I'm still here. Palagi kitang iniintay at hindi ako napapagod na mag-intay sayo. Please, come back.

— END OF CHAPTER 5 —

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon