Kunot ang noong pinagmasdan ni Jenna ang paroo't-paritong mga tao sa Inn. Ano'ng meron? Takang luminga-linga siya sa paligid para hanapin ang mga kaibigan. Wala na ang mga ito sa higaan nang magising siya. Alas-otso pa lang ng umaga at wala naman silang pupuntahan.
Hindi pa rin sila pinapayagang makalabas ng Inn dahil may namataan daw kasing mabangis na hayop sa gubat kaya ipinagbawal muna ang paglabas hangga't hindi iyon nahuhuli.
Nang makita ni Jenna si Mae na kausap ang isang lalaki ay kaagad siyang humakbang palapit dito.
"Mae!" Tawag ni Jenna sa kaibigan.
Kaagad namang lumingon si Mae at sumilay ang matamis na ngiti nang makita siya.
"Jenna, mabuti naman at gising ka na. Hindi ka na namin ginising kanina. Ang sarap ng tulog mo, eh." sabi ni Mae nakangiti pa rin.
"Nasaan sila?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang iba pa nilang kaibigan.
"Ah, nariyan lang ang mga iyan sa paligid."
Napasulyap siya sa lalaking kausap nito na kaagad namang napansin ni Mae kaya mabilis siyang ipinakilala.
"Si Steffano nga pala," sabi ni Mae. "Steffano, kaibigan ko, si Jenna."
Mabilis na sumilay ang malawak na ngiti mula sa mga labi ni Steffano bago inilahad ang kanang kamay.
"Nice to meet you, Jenna," ani nito.
Ngunit bago pa man makasagot si Jenna ay isang malamig at mapanganib na boses ang narinig niya mula sa kanyang likuran.
"Steffano, kailangan ka ni Frost."
Sa halip na sumagot ay nagkibit-balikat lang si Steffano. Tumango muna ito sa kanilang dalawa ni Mae bago tumalikod.
Saglit lang na sumulyap sa kanya si Midnight at kaagad ring umiwas ng tingin. Bago ito tuluyang tumakod ay tumingin muna ito kay Mae nang makahulugan.
Nakatangang napasunod na lamang ang paningin ni Jenna sa lalaking as usual ay umalis na naman nang walang paalam. And what was that all about? Bakit parang kakaiba ang sulyap na ibinigay nito sa bruhang si Mae? Just what the hell is going on?
"Did you see that?" hindi makapaniwalang bulalas ni Jenna habang nakasunod ang paningin sa papalayong si Midnight.
"Hayaan mo na 'yon." sabi naman ni Mae bago siya hinila papunta sa dining area.
Yeah, right! Nagugutom na nga pala siya.
***************
"What happen?" Kunot-noong tanong ni Steffano kay Midnight nang makarating silang dalawa sa labas ng Inn.
"Tumawag si Uncle Singko," madilim ang anyong simula niya. "And Astatine was attacked!" Dugtong niyang ang tinutukoy ay ang bunsong anak na babae ni Singko Silvestrez.
Kaagad na napatigil sa paghakbang si Steffano at mas lalo pang lumalim ang pagkakakunot ng noo.
"Nasaan si Astatine ngayon?"
"Nasa bahay nila sa Mainit at nagpapahinga."
Sa Brgy. Mainit nakatira ang pamilya ni Uncle Singko na nasa hilaga ng Maligcong. Kasalukuyang nagpapahinga ang pinsan niya dahil kahit pa naghilom na ang mga sugat nito ay nanghihina pa rin. Tatlong Hati wolves ang umataki rito habang nagmamaneho pauwi galing sa Sagada. May pag-aaring bar restaurant si Astatine roon at isang beses sa isang buwan lamang ito kung umuuwi sa Mainit.
"Kakausapin ko si Mama mamaya. Kailangan kong malaman kung ano ang nais mangyari ng mga Hati. Ngayon pa kung kailan darating si Prinsesa Amara." tiim ang anyong turan ni Steffano.
"Sana nga ay walang kinalaman dito ang pamilya mo, Steffano. Wala akong pakialam kung kapatid ng Hari ang ama mo at isa ka ring prinsepe. Hindi ako mangingiming pugutan ka ng ulo kapag napatunayan kong sila ang may pakana sa lahat ng ito!" seryoso at madilim ang anyong turan niya rito.
"Makakaasa ka sa katapatan ko sa Hari, Silvestrez..." blangko naman ang mukhang tugon ni Steffano kay Midnight bago siya mabilis na nawala sa harapan ng kausap.
Nang mawala si Steffano sa paningin ni Midnight ay napabuga siya ng hangin. Wala siyang duda sa katapatan ng lalaki sa hari lalo pa't alam ng lahat na malapit ito kay Prinsesa Amara. Parang magkapatid na ang dalawa kaya naman kapag magkasama ang mga ito sa iisang lugar ay malaking gulo ang nangyayari. Partners in crime ang dalawa kaya nasisiguro niyang mag-aapoy lalo sa galit si Dawn kapag nalamang naroroon sa Maligcong si Steffano. Hindi pa alam ni Dawn na dumating ang lalaki kaya tiyak na maghuhuramentado ito kapag nalaman iyon.
Abala silang lahat sa paghahanda sa pagdating ng prinsesa mamaya kasama ang mga kapatid niya. Magkakaroon ng kaunting kasiyahan sa bahay nila at darating din ang mga pinsan niya para salubungin ang prinsesa. Nagpakatay siya ng labinlimang baka at marami rin silang naipong karne ng baboy-ramo. May mga karne rin ng baboy at manok na inihanda. Pansamantalang isasara ang Inn mamayang gabi at lahat ng guest ay inaanyayahan sa kasiyahan. Hindi nila maaaring ipakipagsapalaran ang kaligtasan ng iilang guest na natitira lalo pa't nagsimula nang umataki ang mga Hati.
Habang pabalik sa bahay para tumulong sa paghahanda ay bigla niyang naalala ang mukha ni Jeana kaninang saglit na magtama ang paningin nilang dalawa. Sinadya niyang iwasan ang babae nitong mga nakaraang araw dahil na rin sa mga nangyayari. Hindi ito ang tamang panahon para unahin niya ang kung ano mang nararamdaman niya para sa babae. Kailangan niya munang unahin ang kaligtasan ng prinsesa at ang kaligtasan ng lahat. At isa pa, hindi rin siya sigurado sa nararamdam niya lalo pa't bago lang silang nagkakilala ng babae.
Hindi niya kailangang magmadali...
BINABASA MO ANG
WOLVES OF MOUNTAIN PROVINCE|MIDNIGHT
WerewolfSa pagpunta ni Jenna at ng mga kaibigan niya sa Bontoc, Mt. Province ay nakilala niya si Midnight Silvestrez. Ito na yata ang lalaking nakita niyang nagtataglay ng pinakanakakaakit na mga mata. And, he has also the most dangerous aura that Jeana had...