Simula

193 8 3
                                    

Pakkkk...

Isang napaka-lakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Elora.

"Hindi ba ang sabi ko ay wag na wag kang lalabas!

Malakas at galit na galit na sigaw ni Donya Celestine kay Elora.

"Pa-patawad po mama,"mahinang hinging paumanhin nito.

"Don't call me mama,hindi kita anak isa kang bastardang hampaslupa!

Tinulak ako nito ng may kalakasan kaya nawalan ako ng balanse,tumama ang aking baywang sa isang matigas na bagay.

Ininda ko ang sakit na aking naramdaman.

"You look pathetic."tila nandidiring sambit ng aking kapatid sa ama.

"Celine,let's go iwanan mo ang hampaslupang yan!sigaw ng ina nito.

Tinignan muna ako nito at muling pinagtawanan bago ako tuluyang iniwan.












Sa loob ng maraming taon tiniis ko ang pang-aapi at pananakit sa akin ng aking madrasta at kapatid na si Celine.

Anak ako sa labas ni Don Herbert,nabuntis niya ang aking ina na dating katulong,kaya ganuon na lang ang pagkamuhi sa akin ni Donya Celestine.

Pagkapanganak sa akin ng aking ina ay binawian na ito ng buhay.

Naiwan ako kay Manang ang kanilang Mayordoma,itinuring ako nitong isang tunay na apo.

Sa edad na sisenta y singko ay binawian na ng buhay si Manang.

Siya ang tumayong magulang ko sa loob ng labing walo.

Ang aking ama na si Don Herbert ay walang pakialam sa akin.

Kahit gustuhin kong umalis ay hindi ko magawa.

Wala akong kakilala sa labas at higit sa lahat ay wala akong alam kung paano mamuhay mag-isa.

Ikinulong nila ako sa loob ng mansion at ginawang katulong.

Ayaw din nilang ipaalam na anak ako ni Don Herbert.

Tahimik akong umiiyak ng may mabalahibong aso ang lumapit sa akin.

"Archi,saan kaba nanggaling ah,kanina pa kita hinahanap."

Ang mabalahibong asong ito ay pagmamay-ari ko.

Patago ko itong inaalagaan,ito ang dahilan kung bakit ako lumabas upang hanapin.

Si Archi ay isang piping aso,hindi ito makatahol kaya nagagawa ko itong maitago.

Dinilaan niya ang aking mukha tila tinutuyo ang nabasa kong pisngi dahil sa pag-iyak.

At dahil sa ginawa niya ay naramdaman kong hindi ako nag-iisa.





Accidentally Pregnant by heartless Mafia LordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon