CHAPTER 26

354 11 5
                                    

I let myself cry once again. I'm seriously getting soft— mukhang tama nga si Cairo. I am acting like a spoiled two years old. Heto nga ako at umiiyak na naman dahil hindi ko makuha ang atensyon ng sarili kong girlfriend.

Nakaupo lang ako sa damuhan. Madilim na ang buong paligid dahil sa hindi ako nag-abalang buksan ang ilaw at nagsimatayan na rin ang mga kandila.

Napahiga ako sa damuhan nang maramdaman ko ang pagpatak ng ulan. Napangiti ako ng malamya sa sarili ko. Buti pa ang ulap ramdam nila ang bigat ng loob ko.

I stayed under the rain until I fall asleep. Kahit sa panaginip dinalaw ako ni Pamie para saktan lang din. She's with her Troy— they were so happy and I was only looking at them.

Kinabukasan paggising ko masama na ang pakiramdam ko. Plano kong itago ang pinagdaanan ko kahit kanino sa pamilya kaya kahit nasusuka ako at mabigat ang ulo ko sinikap kong linisin lahat ng ginawa kong kalat— tinapon ko ang mga pagkain na hindi naman nagalaw.

Nang makita kong wala ng bakas ay nagmaneho ako papunta sa condo ko. Alam na alam kong magkakasakit ako at ayaw kong malaman pa nina mommy. Mag-aalala lang sila at baka makisali pa sa amin ni Pamela.

After last night I don't think I should continue hoping for her. Kung gusto pa niya ako tatanggapin ko pero kung ayaw na wala na akong magagawa pa.

"Oh, good morning."

Binati ako ni Tiffany nang magsabay kami sa elevator. She's wearing only a sports bra and a yoga pants— hila niya rin ang aso niya mukhang galing sila sa exercise.

"G—good—" hindi ko natuloy ang pagbati sa kanya nang maubo ako. Tumalikod ako nang parang matatanggal na ang lalamunan ko sa pag-ubo. Naluha ang mata ko nang mabahing din ako. Bahagya akong napalingon sa kanya nang hagurin niya ang likuran ko. "I—I'm f—fine—"

"You don't look fine."

Bumigat lalo ang ulo ko. Nasusuka ako— pinikit ko ang mga mata ko nang parang umikot lahat sa paligid ko.

"I'll help you—" alok niya sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko tsaka niya ako pinaharap sa kanya. Pareho na kaming nakaharap sa isa't isa. She guide my head to lean on her shoulder— I felt everything around me became steady. It's effective. "You're burning hot. Galing kang inuman?"

"N—no. Nabasa lang ng ulan."

"Oh—" hinagod niya ang likuran ko nang maubo ulit ako. "Water, pahinga and headache pill lang 'yan."

Tumunog na ang elevator tsaka bumukas. Tumayo na ako ng maayos. Nagkatinginan kaming dalawa— napalunok ako ng may pumasok sa isip ko na hindi dapat. Napaiwas kami ng tingin nang kumahol ang aso niya.

"Tara na."

Nakasunod ako sa likuran niya habang hila niya ang aso niya. Sa tapat siya ng unit ko tumigil. "I'll make you porridge muna para makakain ka bago uminom ng gamot at makapagpahinga."

"There's no need. Kaya—"

Napairap siya ng umubo ako ulit. Napakamot nalang ako ng batok sabay buntong hinga.

"I'll help you. You're my cousin's brother in-law. Baka sabihin mo niyan pangit ugali ng family namin," halatang nagbibiro na sabi niya. "And don't you remember I am a nurse?"

Nakakahiyang isipin na aabalahin ko siya pero siya naman ang nag-alok. Tsaka tama naman siya, she's a nurse and I really need someone to take care of me now. Para akong mahihimatay sa sakit ng ulo ko.

"Can I go inside your room? I'll go get you a pillow and blanket."

"Go ahead," sagot ko sabay upo sa sofa.

BEWITCHED (CHURCH SIBLINGS 6) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon