Stoneridge University
Becky's POV
After 20 minutes ay nakarating na kami sa school. Sabay sabay kaming pumasok nina Yuki at Nop since magkakaklase naman kami. Medyo kinakabahan ako dahil ngayon lang ako nakapasok sa napakagandang school na ito. Sana maging maayos ang unang araw ko dito at walang maging problema. Kampante rin naman ako dahil kasama ko sina Yuki at Nop. Alam kong hindi nila ako papabayaan.
Nasa pintuan na kami ng aming room nang bigla na lamang my bumangga sakin na naging dahilan ng pagtumba ko.
"Ouch!" Nabiglang sambit ko.
Tinulungan akong makatayo nung lalaking nakabangga sakin.
"Hey! I'm sorry. I was in a hurry, I didn't notice you. I am really sorry." Sabi nya habang inaalalayan nya akong makatayo.
Sisigawan ko na sana sya, ngunit bigla akong natigilan ng makita ko ang kanyang itsura.
"Hey, Miss? Are you okay?" tanong niya.
Tulalang nakatitig lang ako sakanya at nakanganga pa. Ang gwapo nya, matangkad, maputi at singkit ang mga mata.
Bumalik lang ako sa ulirat ng tapikin ako ni Yuki dahil napansin nyang nakatulala lang ako sa mukha nung lalaking nakabangga sakin.
"Bakit naman kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" Galit na pahayag ko habang inaayos ko ang uniform ko na medyo nagusot.
"I am really really sorry. I was just in a hurry, please forgive me." Sabi niya.
"Becky, hayaan mo na, hindi naman nya sinasadya at nagsorry naman na sya." Bulong sakin ni Yuki.
"Okay. Apology accepted. Please be careful next time, so no one will get hurt." sagot ko dun sa lalaki.
"Thank you, Miss? Anyway, my name is Kirk and again, I am really sorry." Inilahad nya ang kanyang kamay para makipag shake hands sakin at agad ko naman iyon tinanggap.
"My name is Rebecca." Sagot ko sakanya.
Napansin kong marami ng nakatingin samin kaya napagdesisyonan kong umalis na at pumasok sa class room.
"Hoy, Becky! Ano yun ha? Kung di ka pa tinapik ni Yuki kanina malamang hanggang ngayon nakatulala ka pa don sa lalaking yon." Inis na sabi ni Nop.
"Bakit? Selos ka, Nop? haha!" Asar ni Yuki.
Namula naman si Nop at hindi sinagot si Yuki. Alam ko na may gusto sakin si Nop dahil umamin siya sakin nung high school pa lang kami. Ngunit ang sabi ko, kaibigan lang ang tingin ko sakanya at ayokong masira ang pagkakaibigan namin. Nirespeto naman niya ang desisyon ko ngunit may mga pagkakataon na hindi niya maitago yung nararamdaman niya para sakin.
Natigil ang pag-iisip ko nang may pumasok na isang grupo ng magkakaibigan at napansin ko na kabilang doon si Kirk, yung lalaking nakabangga sakin kanina.
"Sobrang pogi niya talaga, feeling ko crush ko na sya." Kinikilig na kausap ang sarili ko habang nakatingin kay Kirk.
Napatingin naman ako sa katabi niyang babae na matalim ang tingin sakin.
"Ang ganda niya. Pero bakit parang galit siya sakin?" Nagtatakang tanong ko sa sarili ko, pero pinagsawalang bahala ko nalang at inalis ang tingin ko sakanya.
Maya maya pa ay dumating na ang aming professor para sa una naming subject.
"Good morning class. I am your professor for your first subject. My name is Min Natsinee, but you can just call me Professor Ya. Since this is the first day of school, we will not have our discussion. But, I'd like each of you to introduce yourself."
BINABASA MO ANG
Kissing Freen Sarocha (Tagalog-English)
RomanceWhat if two people with different worlds and personalities happen to cross paths because of a kiss they never expected to happen? Freen Sarocha - Most popular and hottest girl in the campus, but with bitchy attitude. Came from a very prominent famil...