Ika Pitong Kabanata: Pag-uwi ni Aling Mila sa Bahay ni Lola

44 1 0
                                    

"Saan ho dito yung paupahan ni Lola Tasing?" lumingon si Biboy ng marinig ang babaeng nagtatanong tungkol sa bahay ng Lola niya.

"Uupa ka?" tanong nito.

"Ahh titingnan ko muna sana kung maayos ba." sagot naman ng dalaga.

"Yung bahay na katumbok ng kalye trese." sagot ni Biboy at tumalikod na.

"Salamat." anang babae at naglakad na paalis.

"Ingat." bulong ni Biboy bago naglakad pauwi.

************

Gabi na nang makarating sa paupahan ang dalaga. Nagdadalawang-isip ito kung papasok ba siya o hindi sapagkat binabalot siya ng takot.

"Uupa ka?" halos napatalon ang dalaga nang may magsalita sa gilid niya. Nakita nito si Biboy kaya nakahinga ng maluwag.

"Ahh hindi na. Nakita ko na 'yung bahay. M-May kalayuan pala." pagsisinungaling ng dalaga.

Hinarap siya ni Biboy. Bumigay ang tuhod ng dalaga nang makita ang bibig nitong nakatahi at nagdurugo.

"Uupa ka." anang Biboy.

"P-Parang awa mo na huwag mo akong s-sasaktan." anang dalaga.

"Uupa ka." pag-ulit ni Biboy.

"H-Hindi pakiusap, u-uuwi na ako. H-Hindi ako magsasalita." pagmamakaawa ng dalaga.

Kinuha ni Biboy ang panahi na regalo sa kaniya ni Lola at yumuko upang pantayan ang dalaga.

"P-Parang awa mo na..." untag ng lumuluhang dalaga ngunit walang pagaatubili itong sinuntok ni Biboy. Paulit-ulit niya itong ginawa na para bang wala siyang ibang nararamdaman at ninanais kundi ang tapusin ang dalaga.

Iniangat ni Biboy ang ulo ng dalaga saka nagsimulang tahiin ang bibig nito. Walang ibang nagawa ang dalaga kundi ang lumuha at umungol sa sakit.

"Uupa ka. Hindi iyon tanong kundi utos, utos ni Lola." aniya ng matapos saka hinampas ang ulo ng dalaga. Kinaladkad ni Biboy ang katawan nito na tila ba ito'y isang maletang de guyod bago umuwi sa bahay ni Lola.

**********

"Uuwi ako." saad ni Aling Mila sa kapatid na kausap niya sa telepono.

"Tawagan mo kami kung kailangan mo ng tulong." sagot naman ng kapatid niya. Hindi sumagot si Aling Mila.

"Ate, mag-iingat ka." anang kapatid bago pinatay ang tawag. Nagpatuloy sa pagmamaneho si Aling Mila hanggang sa makarating sa Sitio Hermoso.

"Aling Badet." tawag ni Aling Mila sa ale na nagwawalis sa labas ng paupahan.

"O-Oh Mila? Alam ba ni Lola na darating ka?" untag ni Aling Badet.

"Hindi ho, nandiyan ba siya?" tanong ni Aling Mila.

"Ahh oo nagpapahinga na alam mo naman ang Lola tumatanda na humihina na ang katawan." sagot ni Aling Badet. Iniabot naman ni Aling Mila ang mga gamit niya kay Aling Badet.

Dumeretso si Aling Mila sa tinutuluyan ng ina at napasinghal ng makitang bumubuga ito ng usok.

"Parang hindi naman siya nanghihina." anas ni Aling Mila.

Lumingon si Lola Tasing ng nakakunot ang noo. "Aba? Akala ko nakalimutan mo nang may ina ka." saad ni Lola saka pinatay ang sigarilyo niya.

"May trabaho ako sa kabilang barangay. Dito muna ako tutuloy." sagot ni Aling Mila. "Nga pala nabalitaan ko pinasara mo daw ang ikalawang palapag? Bakit? May problema ba sa mga kwarto?" dagdag niya pa saka naupo sa sofa.

Bahay ni Lola Tasing (PII MIDNIGHT SCREAMS COLLABNOV22)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon