IX

11 0 0
                                    

"Alangot, isang taon na lamang at kolehiyo na tayo!"

Tuwang-tuwa na sabi ni Alfonso habang nag-lalakad kami sa hallway ngayong unang araw ng pasukan.

Dumating ang bakasyon hanggang sa ito na ang huli naming taon ni Alfonso bilang hayskul.

Marami ang naganap tulad ng mas napapadalas ang pag-sali nila ng mga kompetisyon, minsan ay rumaraket pa sa mga gigs habang ako nama'y patuloy lamang sa pag-momodelo.

Mabuti na rin talaga ang may karanasan dahil iyon ang basehan ng iba, dahilan kung bakit mas nadadalas na ang mga kumukuha sa akin. May nag-alok rin na sumali ako sa mga patimpalak ngunit hindi iyon ang gusto ko. Pag-momodelo sa harap lamang ng kamera ang aking asam.

Narito kami ni Alfonso sa kantina, kumakain ng recess.

"Alfonso! Kumusta?" Sabay kaming napalingon sa ka-batch namin. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Maganda nga talaga siya, di kataka-taka na marami siyang manliligaw.

"Oh, Lily. Ayos lang naman kami. Ikaw?" Ani Alfonso.

"Okay lang din! Gusto ko sanang imbitahan kayo ng banda mo sa birthday ko! Magkano ba ang bayad sa inyo? Gusto ko kasi kayong kunin,"

Ibinaba naman ni Alfonso ang hawak niyang tinapay. "Ah. Sige ba. Sasabihin ko na lang din kina Jacinto para mapresyuhan ka namin."

Tumango ito. "Hmm... At saka nga pala Alfonso... Uhm... Pwede bang ikaw ang gawin kong escort? Sweet sixteen ko kasi iyon. Gusto nila Mom na may aakay at mag-aasikaso sa akin while celebrating my birthday,"

Kumunot ang noo ko. Si Alfonso nama'y tumingin sa akin. "Lily, pasensya ka na, ha. Siguro'y kung tutugtog lamang, walang problema. Pero hindi ko magagawa iyong pagiging escort mo. Marami naman riyang varsity players na sikat na pwede mong imbitihan-"

"Sige na, Alfonso. Ikaw nalang, please! I'll extra pay, promise! Birthday ko naman, kahit iyon nalang ang gift mo sa akin... Alana," nagulat ako nang hawakan niya ang aking kamay. "Please? Escort lang naman, e. That's just for my birthday."

Natigilan ako at hindi alam ang gagawin. Para kasi sa akin, siya ang pinakamabait na mayaman na nakilala ko noon pa, kaya mag-mumukha naman akong masama kung tatanggihan ko siya!

"A-ah," naramdaman ko namang hinawakan ni Alfonso ang hita ko sa ilalim ng lamesa. "S-sige. Walang problema... Pa-birthday ko na lamang din sa iyo..." Kitang-kita ko kung paano gulat na lumingon sa akin ang aking katabi, kunot na kunot ang noo.

"Really?! Gosh! Thank you, Alana! Pumunta kayo, ha! I'll wait for you guys!" Sabi niya at nag-paalam na.

"Bakit ka pumayag?" Ani Alfonso.

"Mukha naman siyang mabait. At saka, birthday naman niya." Kinurot ko ang kaniyang pisngi. "Hindi naman ako nag-aalala dahil may tiwala ako sa iyo."

"Kahit na. Baka pag-ugatan pa iyan ng pag-aaway."

Tumaas ang kilay ko. "Wala ka namang gagawin na ikaka-away natin, hindi ba?" Bumuntong hininga siya at tumango.

Sa mga sumunod na araw ay hindi kami mag-kasama dahil sinimulan na nila ang pag-papractice para sa kaarawan ni Lily. Ako nama'y narito sa studio, rumaraket ng pag-momodelo.

"Alright! It's a wrap!" Sabi ng mga crew.

Kaniya-kaniya na kami ng tungo sa dressing room. Nang matapos ay biglang may lumapit sa akin, ang manager ng mga regular na modelo na.

"Hi. Alana, right?"

"Opo, ma'am."

"I've seen your performance. You did a great job."

E-Heads Playlist #3: MagasinWhere stories live. Discover now