Eleven's POV
Lumipas ang mga araw na masaya naman. Palaging ako ang nakabantay kay Mave dahil busy sila Mama at Papa. Palagi kaming naglalaro ng kung ano ano. May araw pa nga na habang naglalaro siya sa mga kaibigan niya ay tinawag noya ako at pinasali sa kanila. Kulang daw kasi sila ng isa. Tatlo lng kasi sila so balak nilang gawing dalawang teams so ayun napasali ako. Nagleleklamo nga eh kasi maduga daw ako. Ang laro kasi namin ay patentiro. Eh sa mahaba ang braso ko kaya madali lang abutin ang kalaban. Kaya ayun hindi nagtagal eh sumuko nadin sila dahil hindi sila nakakaeskor pag sila Mave at Philip ang taya at kami ni Gabby ang naglalaro.
Naging maayos rin ang relasyon namin ni Luke. Mayat maya kaming nagtetext, kahit nasa klase nagtetext kami. Hindi ko naman hinahayaang makakita ang aking guro sakin. Baka kung anung gawin niya sa celpon ko hindi ko na matext ang babe ko pagnagkataon. Babe kasi ang napili niyang tawagan namin. Hindi naman big deal sakin yun pwede nga mga pangalan nalang namin ang itawag namin sa isat-isa eh. Kaso gusto niya meron para sweet ang dating. Kinilig naman ako dun. Yieeeeeeeehhhh!
Matext nga.
Me- Babe?
Luke- Yes, babe?
Me- Tapos na laro niyo? Tanong ko sa kanya. Naglalaro kasi sila daw ng basketball nagkayayaan ang magbarkada. Tinatanong ko kung tapos na baka nakakaisturbo ako.
Luke- Yeah, you're just in time. We're heading home right now. Mom texted me to be home early 'coz she has something to discuss with me.
Me- Ganun ba? Sige magpahinga ka. Ingat kayo pauwi huh.
Me- Thanks babe. I will
Luke- No problem:-). Nagugustuhan ko na si Luke ang sweet niya at kahit hindi ko pa nakikita to may bumubulong kasi sakin na gwapo to at may kaya sa buhay. Hindi ko naman habol ang pera at kagwapuhan niya sadyang dagdag pionts lang talaga para sakin. Pero totoo, mabait siya at maalalahin.
Luke- Just got home.
Me- Good. Go change your clothes na para hindi ka magkasakit. Concerned girlfriend here. Gusto ko si Luke and I think I'm falling for him. Hindi siya bastos tulad ng ibang lalaki dyan. Hindi rin siya bisyoso tulad ng mga napagkwekwentuhan namin na hindi niya hilig ang uminom o smoking. I trust him kahit hindi paman ganun kalalim at katagal ko siyang nakilala through text.
Beep.
Luke- Aye! Aye! Captain!
Me- Aye aye ka jan. Psh. Sige may gagawin pa ko. Text nalng tayo ulit mamaya. BRB(be right back).
Luke- Ok bye. Be waiting.
Mag tutwo months na kami ni Luke kaya ganyan kami kung mag text. Hindi siya seloso at ako den sa kanya. Minsan nagyaya yan ng date sakin. Eh hindi pa ako ready eh at sure akong hindi ako papayagan nila Mama. Kaya hanggang ngayon hindi parin kami nagkikita. Ok lng naman samin yon basta alam kung nagsasabi ako ng totoo sa kanya sa lahat ng nagyayari sakin at naniniwala din ako sa mga sinasabi niya.Tapos na ako sa mga obligasyon ko sa bahay at ngayon nakahiga na ako sa kama. Tiningnan ko ang celpon ko baka may text. At meron nga galing kay Luke.
Luke- Hi beb. Just done eating. Have you eatin' yet?
Kanina patong nag eenglish sakin. Minsan nagtatagalog naman ito at sa pagkakaalam ko sa kanya hindi naman ito half american o ano pang mga klaseng half yan.
Me- Tapos na po. Ahh beb may e rerequest lang sana ako sayo.
Hindi ko na talaga kaya to. Mag rerequest akong bawas bawasan ang pag eenglish niya sakin. Nakakaintindi naman po ako sadyang naiilang lang talaga ako pag hindi rin english ang irereply ko. Kinakapalan ko na nga lang ang mukha kahit hindi niya nakikita eh nahihiya talaga ako. Ang hirap mag compose ng sentence na english na agad-agad na i rereply mo sa kanya.
BINABASA MO ANG
It started with a text
Teen FictionCan you find a friend through a text? Can you find a bestfriend through a text? Can you find a lover through text? Can you love her/him ? Can you express your feelings for her/him through text? Can you find a true love through text? Can you?