Hue #7

936 29 4
                                    

Hue #7

Layshana's POV

"Bakit hindi ka nanood ng concert namin?" Unang bungad ni Luchen habang nasa dressing room niya ako.

Hindi ako lumingon sa kanya, diretso pa rin ang tingin ko sa laptop kung saan in-edit ko ang script para sa movie nila. Hindi naman scripted ang lines, gusto ko na maging natural pa rin ang lahat pero naglagay ako ng scenario tapos mga possible lines. Bahala na lang kung susundin nila.

"Grabe ka naman, babe. Wala ka ng time sa akin. Nagtatampo na ako." Umiiyak siya pero malamang walang luha, parang bata tapos mukhang tanga siguro kahit hindi ko nakikita.

Ang naamoy ko lang ay sigarilyo na mint. Sana mamatay siya ng maaga sa kakasigarilyo niya.

"Huwag mo akong tawagin na babe," react ko.

Tumabi siya sa akin tapos nakichismis sa kung ano man ang sinusulat ko. May sasabihin sana kaso tinaas ko ang kamay ko para pigilan siya pero itutuloy pa rin naman niya.

"Babe? Duh, ikaw ang unang tumawag sa akin."

"Oo, ako nga. Pero hindi ko sinabi na tawagin mo rin akong babe kaya pwede ba ay huwag kang gaya-gaya," masungit na sabi ko.

Natapos na rin ako sa script kaya sinend ko na sa team para ma-print at mapadala sa management ng Exodus pagkatapos ay binuksan ko na ang video na ginawa ng mga editor para makita ko kung may kailangan pa bang ayusin. Ipapalabas kasi ito sa Foundation Day ng university tapos may iba pa kaming project para sa course subject. Ang hirap maging graduating pero konti na lang ay matatapos na ako.

"Ah, o sige...love na lang," he emphasized, may kasama na pagtawa. "Yiee. Love...love you..."

"Pakyu, Luchen. Tigilan mo ako. Bakit ba nanggugulo ka?" Tumingin na ako sa kanya. Sinalubong niya ako ng ngiti.

Ngayon ko lang siguro naamin sa sarili ko na gwapo nga si Luchen. He has a natural smiley eyes, tipong kahit naka bitch face siya ay mapapansin mo na nakangiti pa rin ang aura ng mga mata niya. Minsan naiisip ko na hindi bagay sa sharp features niya pero habang tumatagal ay...oo gwapo nga.

Luchen has visibly high cheekbones, defined jawline, and prominent brow bone. As for Kuya Luka, sobrang soft ng features niya. Tipong siya ay anghel tapos demonyo si Luchen. Pero magkapatid nga sila kasi parehong nakangiti ang mga mata nila.

Saka ko napagtanto na nakatitig na ako nang pumitik siya sa harapan ko.

"Hala. Namumula ka? Gwapo ko ba?" Nagpogi sign siya sa ilalim ng baba niya, may pakindat pa. Ako naman ay sumuka-suka kunwari na may kasamang pag-ikot ng mata.

Malapit nang hindi bumalik ang mata ko sa minu-minuto na pag-irap ko kapag kaharap ko siya.

"Bumalik ka na nga sa after party," utos ko. Alas-onse natapos ang concert tapos nasa after party pa ang ibang miyembro kasama ang buong management. Ganun daw kasi ang ginagawa nila pagkatapos ng bawat concert.

"Tara?" yaya niya.

"Pass. May ginagawa pa ako," seryoso na ako na nakaharap sa laptop.

"Ah, okay."

Akala ko ay pupunta na siya sa after party dahil tumayo siya. Ayon pala, kinuha niya ang gitara sa gilid tapos bumalik sa tabi. Nagtatanong ang mga mata ko na tumingin sa kanya.

He shrugged. "Bakit ko naman iiwan mag-isa ang fianceè ko, right?"

My lips parted. Kumurap ko. Hinanap ko ang salitang kilig pero kinilabutan lang ako. Ang landi talaga. No wonder...malalaglag ang panty ng fans sa kanya pero hindi ko talaga siya type—pagtiyagaan pwede na.

Hue in my Dreams (Hue Series #2)Where stories live. Discover now