#19: SATURDAY

221 3 0
                                    

Vincent's.

Hindi parin ako makapaniwala sa mga nalalaman ko ngayon. I can't believe anything I've heard.

"Wilson, cancel the meeting. I have an important client tonight. Reschedule everything, tomorrow.", he commanded the guy. Tumango naman yung lalaking Wilson ata ang pangalan at umalis na. Personal bodyguard ata ito ni Tito.

"Hmm, Hijo?", bumaling ulit ang kanyang atensyon sa akin. "Y-Yes po?", kinakabahang tanong ko. "Maaari ka bang sumama sa akin? Marami akong gustong itanong at linawin sayo.", sabi niya sa akin. "Sige po, sir.", sagot ko. "Tito Bebet nalang ang itawag mo sa akin.", he chuckled. I nervously laughed while following him.

Pumasok kami sa isang office sa tabi ng bar. Mukhang office ito ni Tito. "Maupo ka dyan, Hijo.", ikinumpas niya ang kamay niya sa uupuan ko.

"Ano nga pala ang pangalan mo?", tanong niya. "Vincent Gamboa po. Vince nalang po.", sagot ko. "Ang nag-iisang anak ng mag-asawang doctor?", tanong niya. Nagulat ako kung bakit niya alam.

"O-Opo. Ako nga po. Paano niyo po nalaman? I mean... confidential po ang identity ko.", takang sabi ko. Mahina siyang tumawa sa sinabi ko. "Confidential sa mga civilian, Vince. Pero isa akong CEO. Alam namin lahat yan dahil ang mga magulang mo ay kalaban ko rin sa negosyo.", paliwanag niya kaya tumango ako nang malinaw ko na.

"Kasama kami sa pinakamayayamang mga negosyante sa Pilipinas. Alam kong pinakamayaman ang pamilya niyo noong nakaraang taon pero nagbago lahat yun ng maitayo ko ang Reer Bar. Naging pangatlo nalang sila, at ako ay nasa tutok na.", kwento niya pa.

"B-Bakit nga po pala Reer ang pangalan ng bar ninyo?", tanong ko. Gusto kong malaman ang totoong rason niya, hindi yung narinig ko kay Tita Amelia. Huminga muna siyang malalim bago magsalita ulit.

"Reer means... Robert, Eliza, Elizabeth and Ramirez. Initials namin ito...", malungkot ang mga mata ni Tito. That Rare Beer is not real.

"By the way, Vince... Paano mo nakilala ang anak ko?", pagtataka niya. Napalunok naman ako ng marami sa tinanong niya. "N-Naging tutor ko po si Eli. Nag-apply po siya bilang private tutor ko para maipagamot si Tita Eliza.", malungkot na sagot ko.

"Naging tutor mo siya?", tanong niya. "Nagtratrabaho parin si Elizabeth?", takang tanong niya. "O-Opo.", sagot ko.

"Bakit pa siya nagtratrabaho? Nagpapadala ako ng mga sweldo ko noon ah. Sigurado akong malaki iyun at nakapag-ipon na siya.", sabi niya. Nagtaka rin ako sa sinabi niya. Bakit kaya? May problema ba?

"Kaya mo siya naging jowa?", biglang tanong ni Tito. Nabigla ako at kinabahan. Nanlalamig na ang buong katawan ko. "O-Opo...", hindi na nga ako makatingin sa mga mata niya.

"Hindi ako boto sayo.", malamig na sabi niya. I felt my heart clenched. Natigil rin ang paghinga ko at sumikip ang dibdib ko. "Po?", naiiyak na tanong ko.

"Hindi siya bagay sayo. She deserves better.", mariin na sabi niya. "I will do everything for her, Tito. Please... Please let me love her...", lumuhod ako sa harap niya at nagmakaawa. Narinig ko siyang tumawa ng malakas. "Huy, Vince. Umupo ka nga ulit. Hindi ka naman mabiro.", tawang tawa pa siya.

"Po?", naguguluhang tanong ko. "Biro lang lahat yun, Vince. Masaya nga akong ikaw ang nakilala ni Elizabeth. Napakagalang at bait mong bata. Tsaka pogi pa, mana sa akin.", nagpogi pose pa si Tito. Nakahinga naman ako ng malalim dahil sa sinabi niya.

"Alagaan mo siya ah? Kung hindi... isang hire ko lang ng kalalakihan ay mapapatalsik na kita.", seryosong sabi niya bago pa siya humagikgik nang malakas. "Biro lang ulit.", natatawang sabi niya. "Hindi ko po siya iiwan, at aalagaan ko po siya habang buhay. Hinding hindi ko po siya sasaktan.", I assured him.

"Pero sa kama, pwede mo siyang mapaiyak at masaktan ah.", pagbibiro pa niya kaya natawa nalang kaming dalawa. Fuck, we have the same vibes. HAHAHA.

.

.

.

Pinagtimpla niya ako ng kape at nagkwentuhan lang. "Kamusta naman si Eli at si Eliza?", tanong niya habang umiinom ng kape. "Ayos lang po sila... pero bihira nalang kami nagkikita ni Eli.", sagot ko kaya kumunot ang noo ni Tito.

"Bakit? Nag-away ba kayo?", nag-alalang tanong niya. "Hindi po. Pinagbabawalan po kaming magkita ni Mom. Nakaarange na po kasi ang kasal ko sa darating na Setyembre. Pinipilit po kaming paghiwalayin ni Mom.", malungkot na sabi ko.

Lumapit siya sa akin at tinap ang balikat ko. "Alam mo, Vince... kung totoong mahal mo, ipaglalaban mo.", panimula niya.

"Hahayaan mo bang ikasal ka ng sapilitan dahil sa kagustuhan ng iba? Hahayaan mo bang masaktan kayong dalawa ng anak ko? Diba hindi? Kasi mahal niyo ang isa't isa... Kaya dapat ipaglaban niyo ang sarili at pagmamahalan niyo.", he added. My God, this is motivating to fight for our relationship.

"Thank you po, Tito. I... I will promise to fight for our relationship. I want to be with her forever.", nakangiting sabi ko.

"By the way... may Grand Party sa JaeLee Hotel this Saturday. Lahat ng mga dadalo doon ay ang mga mayayamang pamilya sa buong Pilipinas. Ako ang unang naimbitahan dito dahil ako nga ay nangunguna sa Golden Family...", kwento niya at nakinig lang ako.

"Gusto mo bang sumama doon? Alam kong pupunta ang mga Gamboa dito dahil naimbitahan rin sila dito.", dagdag pa niya. "Ano naman po ang gagawin ko doon.", natatawang tanong ko.

"Baka nakakalimutan mong anak ko si Elizabeth?", nakangising sabi niya. I think nakukuha ko na ang ibig niyang sabihin.

"I will do everything just for you to have a happy ending.", he added.

.

.

.

Vincent's.

"Where have you been?", tanong ni Mom pagpasok ko palang ng bahay namin. "I went to my friend's.", I answered. "You have a friend?", gulat na tanong ni Mom. "Why? What's wrong with that? Bawal parin ako magkaroon ng kaibigan?", medyo napalakas ang boses ko dahil naiinis na ako.

"Wala naman akong sinabing bawal. Masaya lang akong magkaroon ka na ng kaibigan.", malamig na sabi niya. Napabuntong hininga nalang ako at akmang papasok sa kwarto ko pero nagsalita ulit si Mom.

"Vince, we were invited on a fancy party this Saturday. Gusto mo bang sumama bukas to buy things we need? Magshoshopping kami sa mga susuotin namin, wanna join us?", sabi ni Mom. "Fine.", tipid na sagot ko bago pumasok sa kwarto ko.

Hinayaan ko nalang mahulog ang katawan ko sa kama ko. Napagod ako masyado ngayong gabi. At marami rin akong mga nadiskubre ngayong gabi.

I still can't believe na nakasama ko ngayong gabi sa kwentuhan ang tatay ni Eli. I mean, small world...

At si Eli ay isang anak ng CEO na pinakamayaman sa buong Pilipinas. I can't wait to let her know that she's richer than Eunice, that she is more beautiful than Eunice. That she is worth it...

Everything will change on Saturday.

Hang in there, Eli. We can be together again. We can sott again.

○○○

To be continued.

Listen, Gamboa! || 18+Where stories live. Discover now