Epilogue

1 1 0
                                    

"I will never be sorry about what I did to all of you! All of you don't deserve to live, while I'm suffering! "

Palinga-linga ako habang pilit na inaalam kung saan nanggagaling ang tinig na iyon, pero napapaligiran lamang ako ng puro puti. Kahit sa'n ako tumingin ay puro puti lamang ang nakikita ko

"HAHAHAHAHAHAHAHA" Pamilyar sa kin ang halakhak na iyon. Pero nasan siya?!

"Bellinda"  Binalot ako ng kaba dahil sa nakakakilabot niyang tinig "Akala mo ba talaga makakatakas ka na kay kamatayan?" Pagkatapos niyang banggitin ang mga katagang yun ay bigla akong nagising sa reyalisasyon. Patay na ba ako?

Pilit kong inaalala ang huling scenario bago ako tuluyang mawalan ng malay. Isang nakakakilabot na tawa ang muling narinig ko "HAHAHAAHAHAHAHAHAHA tsk tsk tsk Bellinda"

"C-cloe" Sabay ng kabado kong pagbigkas ng pangalan niya ang tila paghampas ng malamig na hangin sa king harapan. Di ko man siya nakikita, alam kong nasa harapan ko siya

"I just want to be known" Ramdam ko ang pait sa mga salita niya, pinakiramdaman ko ang tinig niya at tama nga ako nasa harapan ko na siya, ngunit puro puti parin ang nakikita ko

"As Cloe, not Clover. I'm tired hiding behind her name just to have friends, to be loved, to be free"  Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nagpipigil siya ng luha "She's the only one who gave me worth and knows me, not even our parents recognizes me as me. But, that was before. Before Hannah came, and before there was Class Nemesis"

"Pero hindi solusyon ang pagpatay" Pilit kong pinatapang ang boses ko dahil naalala ko na naman ang mga inosenteng taong nawalan ng kinabukasan dahil sa pagkamakasarili niya.

"Miss Ferolino, Vhong, Annika, Mr Hanamichi,Mica, Doux, and Ryle. I know that killing them is not a solution but it gave me so so so much satisfaction"

Matapos niyang sabihin yun ay ang biglang ang biglang pag init ng atmospera ng paligid kasabay ng kanyang pag sigaw.

"Do you think that you can escape from Death?! No, you can't!"

Pahina nang pahina ang boses niya habang sinisigaw niya yun. Nararamdaman kong biglang bumigat ang talukap ng mga mata ko, hanggang sa unti-unting nagiging malabo ang puting paligid.





















"HEY Bellinda, wake up!" Rinig kong boses ni Clover habang pilit akong yinugyug para magising, pero tanging pag ungot lang ang tinugon ko sa kanya habang nakapikit pa rin ako

"Sige ka, malapit nang maubos ni Hannah ang cherry oh" Sambit niya na agad ikina bangon ko. Sinamaan ko sila ng tingin pareho

"Nag ka amnesia ka lang Belle, pero hindi pa rin nawala yang pagiging matakaw mo" Nakangusong sabi ni Hannah

Nilibot ko ang aking paningin, nandito kami ngayon sa sementeryo kung saan nilibing ang mga kaklase at guro namin na namatay daw dahil sa isang insidente kung saan papunta kaming field trip nang biglang nawalan ng preno ang bus na sinasakyan namin. Kunti nalang kaming nakaligtas sa insidente, habang ako nag karoon ng selective amnesia due to traumatic experience daw kung saan one year from now lamang na sakop ng memorya ko ang pansamantalang nakalimutan ko.

"Naka pag enroll na ba kayo?" Biglang tanong ni Clover

"Hindi pa, ikaw Belle?" Tugon ni Hannah

No One Knows (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon