Ganun din ang mga dahon nito kaya napaka delekado talaga kung malaglagan ng dahon ang tao na napadaan dito.

Ang pangalan ng puno na ito ay Troison.
Nangunguna sa pinaka delekado na puno dito sa mundo ng xetheria.
Kumuha ako ng medyo madami na dahon dahil mapapakinabangan ko ito at pwede itong gawing armas.

Matapos kong manguha nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad,
hindi nga pala ako tinatablan ng lason.
Hindi ko din alam kung bakit.
Nalaman ko lang 'nun noong nakagat ako ng ahas nung nag eensayo ako.

Alam kong hindi ordinaryong ahas yun dahil napag aralan ko din iyon.

Anim na oras muli ang nakalipas.
At dumidilim narin ang kalangitan
Nagmadali na akong maglakad para makarating sa baba.

Habang patuloy parin sa paglalakad naririnig ko na ang ragasa ng tubig mula sa kung saan.

Mabilis akong tumakbo para sundan ang ingay ng tubig.

Pagkalabas ko ng kakahuyan nakahinga ako ng maluwag at napatingin sa buong paligid.

May sapa sa aking harapan.
Hindi ko alam kung hanggang saan ang dulo nito.

Lumuhod ako sa lupa at nakikita ko ang mga isda na lumalangoy mula rito.

Nilubog ko ang kamay ko sa tubig at naglaro-laro.

Sobrang linaw ng tubig at maliwanag  ang buwan kaya malinaw kong nakikita ang mga isda sa tubig.

Umupo ako at pinakinggan ang agos ng tubig.
Dinama ko din ang malamig na simoy ng hangin na dumadapo sa aking balat.

Sa ganung posisyon lang ako ng
biglang tumunog ang aking tiyan.
napahimas ako dito at na-alalang
Hindi pala ako kumain simula kaninang umaga hanggang ngayon.
Nag isip nalang ako ng pwede kong kainin.

"Hmm?Gusto ko ng isang buong lechon manok,isang soft drinks tsaka madaming kanin."sambit ko.
Sumulpot ito sa aking harapan kaya sinimulan ko na itong lantakan.

"Hmm sarappp!"ngumunguyang sabi ko habang ngina-ngatngat ang hita ng manok,kasabay nito ang pagsubo ko ng malabundok na kanin sa aking bunganga.

Matapos kong kumain naghugas ako ng kamay sa sapa at nag toothbrush,malinis naman ang tubig dito kaya ayos lang.

Lumingon lingon ako sa paligid kung may madadaanan ba ako pakabila.

Mukhang wala kaya lumipad nalang ako pakabila at lumapag din agad.

Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad hanggang sa may
nakita na akong mga ilaw sa hindi kalayuan.

Nararamdaman kong madaming  tao sa lugar na 'yon mukhang pamilihan ang lugar na ito.

Naglakad ako papunta sa direksyon ng maraming tao.

Nang makapasok na ako. Sumabay ako sa mga naglalakad na mga tao habang tumitingin- tingin sa mga nagtitinda sa paligid.

Napakunot noo ako ng mapansing ang daming mata ang nakatingin sa akin.
Habang ang iba naman ay nakatulalang sinusundan ako ng tingin.

Yung iba naman ay nakatingin sa suot ko.

"Ayos naman suot ko ah!
naka black tshirt tsaka black leggings."reklamo ko sa aking isip

Napatingin ako sa kasuotan ng mga tao dito.
Doon ko lang napagtanto kung bakit ako pinagtitinginan.
Magkaibang-magkaiba ang kasuotan ko sakanila.

Napayuko ako sa hiya. luminga-linga ako sa buong paligid.
May nakita akong nagtitinda ng mga kapa.

Agad kong pinuntahan ito at kumuha ng itim na kapa.
Inabot ko agad ang bayad sa tindero.

Nanlaki ang mata nito at tumingin saakin na parang sinasabing 'seryoso kaba?'

"Ahh kulang 'ho ba ang bayad ko?"takang tanong ko rito.

Umiling-iling ito sa akin bago sumagot.

"Binibini masyadong malaki binigay mong salapi.
Wala kabang tatlong pilak riyan?"

"Pasensya na 'ho. Wala din po 'eh."sagot ko rito.

Napabuntong hininga ito.
"Paumanhin ngunit wala akong ipamamalit 'nyan."

"Ganun ho ba?" ibabalik ko na sana ang hawak ko ng makaisip ako ng paraan.

"Ah magkano 'ho ba ang lahat paninda nyo?"nagtataka man ito ngunit sinagot rin nya ang tanong ko.

"Singkwentang pilak at walong tansong barya."aniya

"E yung ginto ho,ilang pilak ba ang meron sa ginto?" napakunot noong tumingin ito sa akin.

"Limang daang pilak."sagot nito sa akin.

Namilog nalang ang mata ko sa sinabi nito.
Hindi ko akalaing napakaling pera pala ang isang gintong salapi.

Nanlamig ang aking katawan ng maalala kung gaano kadami ang gintong salapi ang nakatampak sa kwarto ng bahay.

Natauhan ako ng kalabitin ako ng lalaking tindero may edad narin ito.

"Pasensya na 'ho nagulat lang."

"Ah bibilhin ko nalang ho lahat ng paninda nyo."suhestyon ko sakanya.

"Maraming salamat ngunit hindi parin sapat ang salaping meron ako para isukli sa ginto mo." ngiwing sagot nito sa akin.

Natawa ako sa reaksyon nya.
Napatingin naman ito saakin at biglang natulala kaya nag pekeng ubo ako.

"Kukunin ko 'ho ang lahat ng paninda nyo.
Huwag nyo na 'ho akong suklian.
Sainyo nalang po ang sukli."sabi ko dito.

Nanlaki ang mata nito at paulit ulit na nagpasalamat sa akin.
Kukuha sana ito ng pangbalot pero pinigilan ko sya.

"Ay hindi na ho kailangan,
ako na bahala sa mga iyan."binigay ko sakanya ang ginto pagkatapos tinapat ko ang aking palad sa paninda nya at inilagay ko ito sa aking dimentional space.

Sinuot ko naman ang hawak kong kapa na napili ko.

Nagulat nalang ako ng hilahin ako nito papasok sa kanyang tindahan.

"Binibini hindi mo ba alam kung gaano kadelekado ang magpakita ng ganyang kapangyarihan dito."nanlakaking mata ma sabi nito sa akin.

Huminga ito ng malalim bago magpatuloy sa pagsasalita.
"Madaming mga masasamang tao ang naghahanap o nangunguha ng mga kakaibang kakayahan katulad mo, kaya mag iingat ka."babala nito sakin.

"Pasensya na 'ho.
Bago lang po kasi ako sa lugar na 'to."paumanhin ko rito.

"Salamat po sa paalala nyo.
Huwag po kayong mag-alala mag iingat po ako." sambit ko at tinanggal ang kamay nyang nakahawak parin sa pulsuhan ko.

"Mauuna na 'ho ako."paalam ko at naglakad palabas ng kanyang tindahan.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon