Viana's Point Of View
"Ang tawag sa hawak ko ngayon ay toothbrush o sipilyo.
Ginagamit ito upang panatalihing malinis ang ating mga ngipin."paliwang ko sa mga bata.Nagpalabas din ako ng toothpaste.
"Ito namang isang 'to ay para sa sipilyo.
Ito ay isang uri ng sabon para sa ating bunganga.
Bumubula ito sa ating bibig kapag nag sisipilyo tayo.""Gusto nyo ba turuan kayo nila ate zehra at ate talia kung paano mag sipilyo pagkatapos nyong kumain ng chocolate?"ngiting tanong ko sa mga bata.
"Wala po ba kayong ginagawa?
Baka po kasi nakaka-abala kami?"inosenteng tanong ni Mimi."Haha wala naman kaming ginagawa---"napahinto ako sa pagsasalita ng makita ko ang mga kasamahan namin na nagliligpit na ng kanilang mga kagamitan.
"Mukhang kailangan na nating umalis."dugtong ko habang nakatingin parin sa mga karwahe.
"Mamaya o bukas pa tayo ulit magkikita mga bata ayos lang ba sa inyo?."ngiting nilingon ko ang mga bata at isa-isang ginulo ang mga buhok.
Nalungkot naman ang mga 'ito sa aking sinabi.
"Sayang naman!
Aalis na pala tayo."dismayadong usal ni Zehra."May bukas pa naman."sambit naman ni talia at ngumiti sa mga bata.
"Ito mga tsokolate baunin nyo kapag nagugutom kayo. Bigyan nyo din nanay at tatay nyo para matikman nila.
Maliwanag ba?""Opo ate Viana!"nagliwanag ang mukha ng mga 'to ng isa-isa ko silang abutan ng chocolate.
"Maraming salamat po dito!
Mauuna na 'po kami.
Baka hinahanap na kami nila nanay at tatay."paalam nila sa amin.Tinanguan ko ang mga 'to at kinawayan habang sila'y tumatakbo papunta sa kanilang karwahe.
Nakangiti 'rin sila Zehra at Talia habang kumakaway sa papalayong mga bata.
"Tara na. Mukhang tayo naman ang hinahanap ni lolo ador."aya ko sa dalawa.
Nauna na akong naglakad at hinabol naman ako ng dalawa at kumapit sa aking magkabilaang braso.
"Viana alam mo 'ba? Parang ikaw Talaga ang mas matanda sa amin?"biglang sambit ni talia.
"Ha?! Parang hindi naman?"biglang nanlamig ang aking katawan sa sinabi nito.
"Tara bilisan na natin nakaalis na yung iba 'oh?!"pag-iiba ko ng usapan at hinila ko na silang dalawa at tumakbo papalapit sa karwahe ni lolo ador.
"Saan kayo galing mga iha? Kanina pa ako nag hahanap sa inyo."sigaw nito sa amin mula sa kanyang bagon.
"Hahah pasensya na po 'lo nalibang lang kami sa mga bata."sigaw ko pabalik sakanya.
Medyo magkalayo ang distansya namin kaya di kami magkarinigan kaya nagsisigawan nalang kami.Nang makasakay na kami, agad nya din pinatakbo ang karwahe.
MAKALIPAS ang dalawang linggo.
Masaya kaming tatlo sa aming byahe kasama sila lolo ador at ang kanyang mga kasamahan.Ako na rin ang naging tagaluto sa buong dalawang linggo na'yun. Katulong ko naman ang dalawa kong kaibigan sa pagluluto.
Ang limang batang kausap naman namin nung nakaraan ay naging sandamakmak na.
Kapag wala kaming tatlo ginagawa, nilalaro namin ang mga bata at tinuturuan kung paano maging malinis sa katawan.
Tinuruan din namin ang mga magulang nila kung paano magluto at pinalinawag ko din ang benepisyo ng mga spices at herbs na hinahalo sa mga pagkain.
Nung una hindi pa sila naniwala na kada luto ko ay may halo itong mga spices at herbs.
Kaya ang ginawa ko para maniwala silang lahat.
Tinikman ko isa-isa ang lahat ng spices at herbs para mapaniwala lang ang sila na hindi lason ang mga yun.Mukhang napaniwala ko naman na silang lahat.
Kaya pumayag narin sila gumamit ng mga spices sa pag luluto.Tinuruan ko sila magluto ng mga simpleng putahe na kayang-kaya nilang gawin sa kanilang mga tahanan.
"HOY VIANA!!"nabalikwas ako sa realidad ng sigawan ako ni zehra sa aking kaliwang tainga.
"Aray naman! Bakit naninigaw?!" Sigaw ko pabalik kay Zehra.
"Kanina pa kaya ako tawag ng tawag sayo hindi mo 'man lang ako pinapansin!"taas kilay na sambit nito sa akin.
"Pasensya na may iniisip lang."napabuntong hininga ito habang nakatingin sa akin.
"Tara na bumaba na tayo."aniya at nauna ng bumaba.Nagtataka 'man ay sumunod nalang din ako sakanya.
Saktong pagkababa namin ay sinalubong kami ni lolo ador."Mga iha pasensya na, ngunit hanggang dito ko nalang kayo maihahatid."sambit ni lolo ador.
Hindi ko 'man lang napansin na nandidito na pala kami.
Ganun ba kalalim iniisip ko at hindi ko napansin ang aming paligid?"Naku ayos lang po! Kami nga po dapat ang magpasalamat sayo dahil pinasabay nyo kami byahe nyo."ngiting sambit ni Zehra sa kanya.
"Wala yun mga iha.
Paano ba 'yan kailangan ko narin umalis dahil ihahatid ko pa itong mga paninda ko.""Sige po mag-iingat kayo sa byahe.
Maraming salamat po sa lahat!"ngiting paalam ni talia."Salamat din mga iha.
Hinding-hindi ko kayo makakalimutan!"Paalam nito at nagmamadali ng umalis.Yung iba palang kasamahan ni lolo ador ay nauna na sa amin at ang iba naman ay pumunta na sa ibang lugar.
Nagkanya-kanyang destinasyon na sila ng pupuntahan kanina."Teka Viana saan ba tayo pupunta?" tanong ni talia sa akin.
"Kaya nga tatayo lang ba tayong tatlo dito?" sambit ni zehra.
"Alam nyo ba kung anong lugar 'to?"tanong ko sa dalawa.
"Hindi, ngayon nga lang ako nakapunta rito eh."Zehra
"Ako din."talia.
"Hindi natin naitanong kay lolo ador kung anong lugar itong binabaan natin."
"Teka ano bang sabi mo kay lolo ador bago tayo makisakay sa kanya?"talia.
"Hmm ang sabi ko lang makikisabay tayo sakanya papuntang lendorr."Sagot ko sa dalawa.
" 'Eh ano itong binabaan natin lendorr naba 'to?"sambit naman ni talia habang nakatingin sa dalawang dambuhalang tarangkahan.
Nilibot ko ang aking paningin sa buong paligid.
Walang katao-tao dito kundi kami lang.
Ang nasa likuran naman namin ay puro naglalakihang puno at damo.Sa harapan naman namin ay ang dalawang dambuhalang gate na walang nakalagay na pangalan ng kung anong lugar.
Wala din mga bantay ang dalawang tarangkahan.
Para malaman namin kung ano ang nasa likod ng dalawang tarangkahan.
Lumipad ako pataas upang silipin ito.Ngunit nang nasa pinaka-itaas na ako ng gate.
Hindi ko man lang nakita ang loob nito.
Parang sinadya itong harangan ng kung ano para hindi makita ang loob.Kahit anong pilit ko ay hindi ko talaga makita.
Nilapitan ko ito at hinawakan.
Nang idadampi ko na ang aking palad sa harang bigla akong nakuryente kaya napalayo ako."Viana! Anong nangyari sayo dyan?!"sigaw saakin ni talia mula sa baba.
Hindi ko muna ito sinagot at nilapitan ko muli ang harang na ito at ginamitan ng kapangyarihan.
Ngunit wala paring nangyari kaya naisipan ko nalang na bumaba.
"May nakita kaba sa kabila?"tanong muli ni talia sa akin pagkababa.
"Wala....May harang na nakapalibot sa kabila....
Kailangan natin pumili ng isang tarangkahan napapasukan."sagot ko."Bakit ka pala nangisay sa taas?"takang tanong naman ni zehra sa akin.
" 'Nang hawakan ko ang harang nakuryente ako."paliwanag ko sa kanya.
"Ahh kaya pala nagsitaasan mga buhok mo."sambit nito sa akin at pumunta sa aking likuran at sinuklay ang aking buhok gamit ang kanyang daliri.
"Anong tarangkahan ang gusto nyong pasukin?"tanong ko sa dalawa.
"Ikaw nalang pumili!"sabay na sambit ng dalawa.
"Hala bakit ako? Dapat kayo kasi mas matanda kayo sa akin!"
"Ikaw nalang kasi."sabay 'ulit na sambit ng dalawa.
'Sa isip naman nina zehra at talia parang si Viana talaga ang dapat mag desisyon at sila naman ay taga-oo lang.
Si Viana lang din kasi ang matanda mag isip sa kanilang tatlo.'"Hay naku bahala na nga.
Tara sunod kayo sakin."lumapit kami sa kanan na gate at itutulak ko na sana ito nang bigla itong bumukas."A-anong nangyari!?"gulat na sambit ko at tumingin sa harapan.
"Ang lamig!"sambit ni zehra at lumapit sa akin, sumunod naman si talia sa kanya.
Pagkapasok namin sa loob ng tarangkahan kusa din itong nagsarado bigla ng malakas kaya napalingon kami doon at napahawak sa dibdib dahil sa gulat.
"Mga bagong salta."nakakakilabot ang boses ng kung sino sa likuran namin.
Dahan-dahan namin itong nilingon at para akong nakakita ng panget na multo.
Nagsitilian ang dalawa kong kasama at kumapit sa aking magkabilang braso.
Natakot sila sa mukha ng kaharap namin pero hindi sila natakot ginawa ni zehra sa isang elfron.
Binawi ko ang braso ko sa dalawa at hinarap ang matandang lalaki.
"Ano 'ho ang tawag sa lugar na 'to?" tanong ko sa matanda.
Isa-isa muna kami nitong tiningnan bago ako sagutin.
"Walang pangalan ang lugar na 'ito iha."sagot nito sa akin at akmang tatalikuran na kami."Teka lang 'ho?! Itatanong ko lang kung anong klaseng lugar ito?"Habol ko dito.
"Mag-iingat kayo dahil may mga matang nakabantay sa bawat galaw nyo pagkapasok nyo palang ng tarangkahan."hindi nito sinabi kung anong klaseng lugar ito ngunit may ideya na ako kung anong lugar klaseng lugar itong pinasok namin.
"Viana masama kutob ko sa lugar na 'to!"Pabulong na sigaw sa akin ni zehra.
"Tama ang kutob mo... Maling lugar itong pinasok natin."
"Tara na umalis na tayo dito."sambit naman ni talia.
"Hindi na kayo makakalabas pa dito. Maliban nalang kung matatalo nyo ang may ari ng lugar na'to."