Four Disaster - Chapter 3

1 0 0
                                    

Chapter 3

Gabi na nang makauwi sila Dominic at Melanie sa bahay nila. Hindi parin nila makalimutan na nakita na nila ang isa sa tatlong kambal. Masaya silang umuwi at hindi iyon nakatakas sa paningin ni Autumn ng dumating sila.

"Akala ko ba, you two attended a funeral?" Kunot-noong tanong ni Autumn. Tinignan naman sya ng magulang nya at nginitian.

"Nakita na namin si Spring, anak." Nakangiting sabi ni Melanie sa anak nya at akmang hahawakan at yayakapin na nya ito pero mabilis umiwas si Autumn sa kanya.

"Good for you." Iyon lang ang sinabi ni Autumn at iniwan na nya kaagad ang mga magulang nya sa sala. Hindi man nya aminin pero sumasama nanaman ang loob nya. 24 years na ang nakalipas ay hindi parin nagsasawa ang mga magulang nya hanapin ang mga kapatid nya habang sya ay hindi man lang binigyan ng atensyon.

Kinabukasan ay wala syang trabaho kaya naman nagawa nyang matulog hanggat gusto nya. Kung dati ay maaga ang gising nya, ngayon ay late na sya nagising. Pagbaba nya ay nasa ibaba ang mga katulong nila at naroon din ang Mommy nya. Muhkang nagpapalinis ito.

"Ayon pa, yung nasa ilalim." Sabi ng Mommy nya at tinuro pa ang ilalim ng sofa. "Ayusin nyo yung punda ng mga unan dyan. Allergic si Autumn sa silk, baka may silk pa dyan." Sabi pa nito. Hindi man nais ni Autumn pero bahagya syang natuwa dahil sa sinabing iyon ng Mommy nya. "Ayusin nyo lahat. Baka bigla nalang dumating si Spring dito." Bigla nanamang naasiwa si Autumn dahil sa sinabi ng Mommy nya.

"Ohh, Autumn." Biglang sabi ni Tita Ali.

"Anak, kanina ka pa ba bumaba?" Sabi sa kanya ng Mommy nya. "Halika na, nagluto si Mommy ng paborito mong Sinigang." Sabi pa ng Mommy nya. Pinigil naman ni Autumn ang mapangiti. Ayaw nyang umasa nanaman.

"Halika na." Yaya sa kanya ng mayordoma nila. Sumunod naman sya dito hanggang sa makarating sila ng kusina. Naupo sya at kaagad naman syang ipinaghanda ng mga kasambahay sila.

"Kailan po dadating si Spring?" Hindi nya napigilang itanong. Bigla namang ngumiti ang mayordoma sa kanya.

"Hindi din alam ng Mommy't Daddy mo. Hinahayaan pa nilang magdesisyon si Spring dahil namatayan pa daw ito."

"Namatayan?" Gulat na tanong ni Spring sa kausap.

"Namatay daw ang mga umampon sa kapatid mo. Kaya mag-isa nalang si Spring ngayon. Hindi din malabong lumapit na iyon sa atin dahil wala na itong makakasama sa buhay nya ngayon." Mahabang sabi ng matanda. Bigla namang natahimik si Spring. Hindi nya akalain na ganon na pala ang pinagdadaanan ng kapatid nya. Nagpatuloy si Autumn sa pag-iisip kasabay ng pagkain nya. Hindi nya alam kung kailan dadating ang kapatid nya pero dapat nakahanda na sya kaagad.

Makalipas ang ilang araw ay wala paring Spring na dumadating. Minsan nga ay napapaisip na si Autumn kung darating pa kaya ang kapatid nya. Maging ang mga magulang nya ay nagtataka na din sa tagal ng pagdating ng kapatid nya. Naririnig nya sa mga pag-uusap ng mga ito ang tungkol sa kapatid nya at hindi nalang sya sumasabat. Muhkang nag-aalala nanaman kasi ang mga ito sa kapatid nya.

Ngayong araw ay nag-half day lang sya dahil gusto nya lang. Commercials at shoots lang naman ang ginawa nya ngayon at lahat iyon ay magiging empty na dahil sa bilis nyang magtrabaho. Nakauwi na sya ng bahay at nalaman nya na wala pala doon ang mga magulang nya. Umalis daw ang mga ito ng magkasama at hindi din alam ng mga kasambahay nila kung kailan uuwi ang mga ito.

Umakyat muna sandali si Autumn para magbihis ng pambahay nya. Sa buong bahay ay walang makikitang silk. Malakas kasi ang allergy reaction nya doon at nang minsang madikitan ng silk ang balat nya ay isinugod na kaagad sya sa ospital.

Pagkatapos nyang maligo at magbihis ay muli syang bumaba para kumain ng paborito nyang dessert, ang cake. Kung ang ibang mga katulad nyang artista ay tila manok kung kumain para ma-maintain ang mga katawan nila, kay Autumn ay hindi iyon problema dahil nasa lahi na ata nila ang kapayatan. Kung si Melanie nga ay 49 na, pero ang katawan nito ay nananatiling pang 20's, mas dumagdag pa ito dahil sa kagandahan ni Melanie.

Hindi naman iyon nakakapagtaka dahil isang model at sikat na Beauty Queen si Melanie noong mga kapanahonan nya. Nanalo ito sa isang patimpalak na buong mga probinsya ay maglalaban-laban sa isang beauty contest. Sa more than 100 na contestant, sya ang nagkamit at nag-uwi ng korona.

"Pero hindi nga po talaga ako si Autumn." Nang makababa na si Autumn ay narinig nya ito galing sa may sala nila.

"We?" Hindi naniniwalang sabi ni Amie, isa sa mga kasambahay nila. Mas lumapit pa si Autumn sa dalawa upang makita ito at nagulat sya ng makita ang isang babaeng nakasimpleng kasuotan lamang pero kamuhkang-kamuhka nya. 

"Nagsasabi po talaga ako ng totoo." Sabi pa nito at itinaas pa ang kanang kamay. Napabuntong-hininga naman si Autumn.

"She's telling the truth, Amie." Pinilit ni Autumn na hindi mautal at magmuhkang cool lang ang lahat. Ayaw nyang mag-freak out sa harap ng kapatid nya. Lumapit sya sa mga ito at habang naglalakad sya ay nababasa nya ang gulat sa muhka nito pati narin sa muhka ni Amie.

"Por Dyos, por santo." Bigla nalang sumulpot ang mayordoma nila at lumapit din sa kanila. "Naku, Spring, ikaw na ba iyan?" Nagagalak na sabi ng matanda. Nagtaka naman si Chloe kung ano ang sinasabi ng matanda at kung sino ito. Habang si Autumn ay tahimik lang na nakamasid sa kanila.

"C-Chloe po ang pangalan ko. Chloe Alonzo." Nahihiyang sabi ni Chloe. Nginitian naman sya ng matanda.

"Napakagandang pangalan." Nakangiting sabi nito. Napangiti naman si Chloe dahil sa sinabi ng matanda.

"Salamat po." Sabi ni Chloe.

"If you're really one of my sisters, you should try your best to remember that your name is Spring Garcia." Mataray na sabi ni Autumn at pumunta na sa kusina. "Tita Ali, give me some cake." Sabi ni Autumn habang naglalakad sya papunta sa kusina. Nakamasid lang naman sa kanya si Chloe at ang mayordoma nila.

"Halika, pumunta tayo ng kusina. Bibigyan din kita ng dessert." Sabi nito. Wala nang ibang nagawa si Chloe kung hindi ang sumunod nalang sa matanda. Nang makarating sila sa kusina ay naroon na ang kakambal nya daw at nakaupo na sa lamesa.

"Kumain ka na ba, hija?" Tanong sa kanya ng matanda.

"H-Hindi pa nga po." Nahihiyang sabi ni Chloe.
"Ano bang gusto mong kainin? Gusto mo bang magtanghalian muna? Anong gusto mong ulam? Ipapaluto ko kaagad---"

"Cook her some Adobo, yaya." Sabat ni Autumn. Nagulat naman si Chloe dahil sa sinabi nito. Paano nito nalaman na paborito nya ang adobo?

"Bakit?" Tanong ng matanda.

"If mom is here, I'm sure she's going to tell the cook to serve her Adobo." Sabi ni Autumn at sumubo na ng cake na nasa harap nito.

"Ok lang ba sayo ang Adobo, hija?" Tanong ng matanda kay Chloe. Tumango naman kaagad si Chloe. "Oh, sige. Maghihintay ka pa ng isang minuto pero sulit naman ang paghihintay mo. Papakuhaan muna kita ng dessert, anong gusto mo?" Tanong parin ng matanda kay Chloe. Hindi naman kaagad sumagot si Chloe dahil alam nyang walang halo-halo sa bahay ng mga ito.

"K-Kahit ano nalang po." Nahihiyang sabi ni Chloe.

"Sigurado ka?" Tanong ng matanda. Tumango naman si Chloe. Umalis na ito at pumunta sa kung saan kaya naman naiwan na silang dalawa doon. Hindi naman nagsalita si Autumn at ganon din ang ginawa ni Chloe. Dahil masyadong tahimik at sobrang nakakailang, nagsalita nalang si Chloe.

"Ahh, nasaan yung Mommy mo?" Tanong ni Chloe. Hindi naman sya tinignan ni Autumn.

"She's somewhere. She went outside with my Dad." Sabi ni Autumn at muling bumalik sa pagkain nya. Dahil doon ay muling natahimik ang paligid nila Autumn at Chloe. Hindi naman alam ni Chloe kung mananatili nalang ba syang tahimik pero muhka namang ayaw nyang kausapin ni Autumn.

"Nandito na ang pagkain mo, Spring." Mabuti nalang at dumating na ang mayordoma. Lumapit ito kay Chloe at inilagay ang isang lata ng ice cream sa lamesa. Gulat namang napatingin si Chloe sa matanda.

"Naku, hindi ko po kayang ubusin yan." Nahihiyang sabi ni Chloe. Taka namang napatingin sa kanya ang matanda.

"Ganon ba? Naku, si Autumn nga ay nakakadalawa ng ganito pero ikaw ay hindi ito kaya?" Parang nang-aasar na sabi ng matanda. Natahimik naman si Chloe at tumikim naman si Autumn.

"Yaya..." Mahinang sabi ni Autumn.

"Ohh, bakit? Totoo naman, diba? Sa payat ng katawan mo, walang mag-aakalang napakalakas mong kumain." Natatawang sabi ng matanda. Hindi naman napigilan ni Chloe ang mapangiti sa sinabi ng matanda habang si Autumn naman ay namula lang sa hiya sa kinauupuan nya.

"Kumain ka muna ng ice cream, natawagan na namin ang mommy nyo at on the way na daw sila ng Daddy nyo." Sabi pa nito. Bago nagpaalam na babalik muna sa kusina. Nang makaalis ang matanda ay nagkatinginan si Chloe at Autumn. Hindi maitatangging magkamuhka sila. Kung hindi mo masyadong kilala ang dalawa ay paniguradong malilito ka.

Naunang mag-iwas ng tingin si Autumn. Hindi parin sya sanay na may kamuhka sya. Sya ang tinaguriang pinakamaganda sa lahat mapa-local man o kahit internationally. Kung hindi nga sya nag-artista ay gusto nya nalang sana sumunod sa yapak ng mommy nya na maging isang beauty queen, not a beauty queen of her country, she wants to be the beauty queen of the whole wide universe.

"Oh, my god." Biglang may nagsalita sa gilid nilang dalawa at sabay silang napalingon. Nakita nila doon si Melanie at si Dominic. Mabilis na lumapit si Melanie sa mga anak nya at natutuwang tinignan ang mga anak nya.

"Look at you..." Parang naluluhang sabi ni Melanie. "I'm so glad to see you here, Spring."

"We're not even sure if she really is Spring." Biglang sabat ni Autumn. "She may look like me, but we can't be so sure that she really is my sister."

"Anak." Sabat ni Dominic.

"T-Tama po sya." Sabi ni Chloe. "H-Hindi nga po tayo sigurado kung k-kapatid nya nga po ako, kung anak nyo nga po talaga ako." Sabi pa nya.

"See." Nakangising sabi ni Autumn. "We can justify this by taking a DNA Test." Sabi pa ni Autumn.

"I agree." Sabi ni Dominic.

"I agree, too." Sabi ni Melanie.

"Papayag din po ako." Sbai ni Chloe. Muhkang lahat naman sila ay nagkasundo sa magaganap na DNA Test. Akala ni Chloe ay muli syang ipapatawag sa ibang araw para ganapin ang DNA test pero nang mismong araw din iyon naganap iyon. Ang sabi ng mga kumuha ng DNA Test ay aabutin pa daw ng ilang araw ang test at kailangan pa nilang maghintay.

"Gusto mo bang dito na muna mag-stay habang naghihintay tayo ng results?" Tanong ni Melanie kay Chloe.

"H-Hindi na po. Nakakahiya." Sabi ni Chloe.
"Bakit ka naman mahihiya sa amin? Kami naman ang family mo." Sabi ni Melanie.

"Hayaan mo na muna sya, Mel. Kapag nag-positive naman ang DNA test natin, dito na din naman titira si Spring sa atin." Sabi ni Dominic. Pumayag naman si Melanie. Ipinahatid nila si Chloe sa bahay na tinutuluyan nito at nang makauwi si Chloe ay hindi nya maiwasang makaramdam ng pagod at pagkalungkot.

Hindi nya alam kung anong mararamdaman nya sa biglang pagsulpot ng totoo nyang pamilya. Well, hindi pa naman sila sigurado, pero maaari. Kamamatay lang ng mga itinuring nyang mga magulang, mga magulang na kinagisnan nya, mga magulang na nagpalaki at nag-aruga sa kanya. Siguro nga ay plano na ng diyos ang muling pagtatagpo nila ng mga tunay nyang magulang. Upang mabawasan na ang sakit na nararamdaman nya sa pagkawala ng mga magulang na nagpalaki sa kanya.








Makalipas ang ilang araw. . . 

Lumipas na ang mga araw at dumating na ang DNA Results nila. Muling nagpunta si Chloe sa bahay ng mga magulang nya at naglaan talaga silang lahat ng araw para sa araw na iyon. Kahit na may trabaho na si Autumn at Dominic at lumiban talaga sila para lang makita ang result ng test na ito.

"Are you guys ready?" Excited na sabi ni Melanie.

"Mom, can you please calm down?" Mataray na sabi ni Autumn, magkatabi silang dalawa ngayon sa isang mahabang sofa ni Chloe.

"Pwede bang sabay-sabay naming buksan?" Tanong ni Melanie sa lalaking kumuha ng tests nila. Tumango naman ito. Sabay-sabay binuksan ni Melanie, Dominic, at Autumn ang DNA tests nila at napangiti ng malaki si Melanie at namasa din ang mata nya ng makita ang resulta nito. Maging si Dominic ay ganon din ang reaksyon. Habang si Autumn at Chloe naman, na nakatingin sa iisang papel ay nagkatinginan. Iisa ang iniisip nilang dalawa, magkapatid nga sila.

"Anak." Naluluha ang mga mata pero Masayang niyakap ni Melanie si Chloe. Kaagad namang sumunod si Dominic at isinama pa si Autumn sa yakapin nila.

"Dad!" Maarteng sigaw ni Autumn pero tinawanan lang siya ni Dominic at Melanie.

Matapos ang tagpong iyon, katulad ng kasunduan ay kailangan nang lumipat ni Chloe sa bahay nila. Madali lang naman nakalipat si Chloe sa bahay nila dahil ang mga kailangan at importante nitong dalhin lang ang mga dinala nya. Ang mga personal na pangangailangan nya ay ang mga magulang na nya ang magbibigay sa kanya katulad ng mga damit, alahas, at iba pa.

"Showbiz News! After 24 years, isa sa mga kapatid ng sikat na artistang si Autumn Garcia, nakita na! Ayon umano sa atin mga sources, identical quadruplets daw ang magkakapatid kaya hindi na nakakagulat na magkamuhkang-magkamuhka ang dalawa."

"Ugh!" Inis na sabi ni Autumn at pinatay ang TV. Parang bigla namang nahiya si Spring dahil sa mga naririnig nila sa News. Simula kasi ang isapubliko na ng pamilya nila ang pagbabalik nya ay naging usap-usapan ag pagiging magkamuhka nilang dalawa.

"Sorry, Autumn." Nahihiyang sabi ni Spring. Inis namang tumingin si Autumn sa kanya.

"You should be. This is all your fault!" Sabi ni Autumn at akmang aalis na nang biglang sumulpot si Melanie at Dominic.

"Nag-aaway nanaman ba kayo?" Tanong ni Melanie. Kaagad namang umiling si Spring at hindi na sumagot pa si Autumn.

"Hindi po, Mommy." Sabi ni Spring.

"Autumn?" Tanong ni Melanie sa isa pa nyang anak. Hindi naman sumagot si Autumn. Tumayo lang ito ng kinauupuan nya at umalis na doon. Naiwan naman silang tatlo doon.

"Ako na pong bahalang kumausap kay Autumn." Sabi ni Spring. Tumango naman ang mga magulang nila. Nagpaalam si Spring sa mga magulang nya saka nya sinundan si Autumn sa kwarto nito. Kahit na wala silang tatlo, may mga sarili parin silang kwarto. Nung una ay hindi masanay si Spring sa ganon kalaking kwarto pero unti-unti na din nyang sinanay ang sarili.

"Autumn?" Sabi ni Spring at kumatok sa pinto ni Autumn.

"Go away!" Wala pa man ay tila galit na kaagad si Autumn.

"Autumn, please. Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ni Spring.

"We don't have to talk about anything. Just leave me alone!" Sagot ni Autumn.

"Autumn, please." Nagmamakaawang sabi ni Autumn. Ilang minutong natahimik si Autumn at muli na sanang kakatok si Spring pero bigla namang bumukas ang pinto.

"What?" Mataray na tanong ni Autumn.

"Pwede ba akong pumasok?" Tanong ni Spring. Sandaling tumitig si Autumn sa kanya, nagdadalawang-isip kung papapasukin ba sya. Sa huli ay niluwagan din nito ang pagkakabukas ng pinto at pinapasok si Spring. Naupo si Spring sa sofa na naroon sa kwarto ni Autumn at naupo naman si Autumn sa gilid ng kama nya.

"What?" Tanong ni Autumn ng makaupo na silang dalawa.

"Gusto ko sanang makiusap sayo." Sabi ni Spring. Tinaasan naman sya ng kilay ni Autumn. "Gusto kong ipakiusap sayo ang pakikisama mo. Alam kong nahihirapan ka pa dahil nasanay kang mag-isa pero sana intindihin mo din na nahihirapan din kami. Alam kong dapat ako ang mag-adjust dahil ako ang bagong dating sa pamilyang to, pero gusto ko tong hilingin sayo para narin kila Mommy at Daddy at para narin sayo."

"At bakit naman ako susunod?" Mataray na sabi ni Autumn.

"Dahil ako ang ate mo." Biglang seryosong sabi ni Spring. Kung palagi itong mahinhin magsalita, iba ang ngayon. Hindi mo kayang ipaliwanag ang biglang pag-iiba ng boses at awra nito ngayon.

"O-Okay." Parang pati si Autumn ay natakot sa ate nya. Minsan kasi ay nakakalimutan talaga nyang sya pala ang bunso sa kanilang apat. Ngumiti ulit si Spring at tumayo na sa kinauupuan nito. Bahagya pang umiwas si Autumn dahil akala nya ay sasaktan sya nito.

"Salamat sa pakikinig mo." Nakangiting sabi ni Spring at lumapit kay Autumn para yakapin ito. Ayaw pa sana ni Autumn yumakap pero nahuli na sya ni Spring sa mga braso nito. Bumitaw din naman kaagad si Spring sa yakap nilang dalawa.

"Mauuna na ako." Nakangiting sabi ni Spring. Kumaway muli si Spring sa kapatid nya bago sya nagpaalam at lumabas sa kwarto ni Autumn. Ngayon alam na ni Autumn kung sino ang nagmana sa Mommy nila.

Hapunan na at pababa na si Autumn at Spring nang magkasalubong silang dalawa sa hagdan. Ngumiti si Spring sa kapatid nya at nauna na bumaba. Si Autumn naman ay sumunod nalang sa ate nya dahil ayaw nyang makita ang ipinakita nito sa kanya kanina. Nang makababa silang dalawa ay nakita nila ang mga magulang nilang nag-uusap sa may sala.

"Makikita pa kaya natin ang dalawa sa kanila?" Tanong ni Melanie habang nasa bisig sya ng asawa at umiiyak.

"Wag kang mawalan ng pag-asa, nakita na natin si Spring, makikita na din natin sila Winter at Summer." Sabi naman ni Dominic.

"Sobrang nagpapasalamat ako sa diyos dahil sa magandang buhay at maayos na pamilya nya ibinigay ang mga anak natin." Sabi ni Melanie. "Pero, paano kung isa sa kanila ang napunta sa maling landas? Anong gagawin natin, Nic?"

"Shhh..." Pagpapakalma ni Dominic sa asawa nya. "Hindi mangyayari yon. Palagi nating dinadasal sa puong may kapal ang magandang buhay na sana magkaroon ang mga anak natin, hindi ba? Kaya wag ka nang mag-alala dahil hindi naman nya pababayaan ang mga anak natin." Sabi ni Dominic at mas hinigpitan pa ang yakap kay Melanie.

"Mom, Dad, kakain na." Biglang sabi ni Autumn.

"Autumn." Saway ni Spring sa kapatid nya. Sabay na lumingon ang mag-asawa sa likod nila at nakita ang dalawa nilang anak na nakatayo sa likod nila.

"Nandyan pala kayo." Sabi ni Dominic.

"Kanina pa ba kayo dyan?" Tanong ni Melanie sa mga anak nya habang nagpupunas ng mga luha nya.

"Kababa lang po namin ni Autumn." Pagkukunwari ni Spring at ngumiti. Si Autumn naman ay mas lalong natakot dahil sa pagiging magaling ni Spring sa pagsisinungaling.

"Tara na, kumain na tayo." Sabi ni Dominic. Tumango naman ang lahat sa kanya.

- To Be Continued -

Four DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon