Kabanata 14

5 2 0
                                    

Katatapos ko lamang maligo at magbihis. Minabuti ko na ring mag-impake ng mga natitirang gamit para wala akong maiwan.

"Mas mapapabuti naman ang lagay mo roon kahit wala ako dahil hindi ka pababayaan nina Peter at Kaka."

Maaga akong nagising kanina kahit na sobrang kulang ang tulog ko. Pumunta kasi rito si Tatay para ipagluto ako ng baon sa pagluwas. Mahigit isang oras din kaming nag-usap ni Tatay. Nagpupumilit pa itong ihatid ako sa Maynila at babalik na lamang daw agad siya rito pero sabi ko ay gastos lamang iyon sa pamasahe. Ang dami niyang iniwang payo sa akin habang kay Nanay, miski isang salita ay wala akong narinig mula sa'kanya. Si Lola Tasion naman daw ay hinahanap ako pero naintindihan niya agad na kailangan kong bumalik sa Maynila dahil nag-aaral daw ako.

"Wala ka ba talagang iiwang gamit? Hindi ka na ba talaga babalik?"

Ang kulob at tahimik na silid ay napalitan ng paghikbi ni Elwai na siyang lubha kong ikinagulat.

"Elwai? Akala ko...hindi ba't may pasok ka? Bakit bumalik ka rito?" Takang-taka kong pagtatanong.

"Ayaw ko mang sabihin 'to, Tattie, pero akala ko kasi mananatili ka rito dahil nasa ospital pa si Lola Tasion."

Para itong batang nagmamaktol habang nangingiligid ang mga luha.

"Elwai..."

"Alam ko namang ang dami kong dulot na stress sa'yo simula n'ong Sabado pero pangako, huli naman na 'yon, e!" Sabi niya habang pinapadyak ang paa at tuluyan nang umiyak.

"Pumasok ka na." Sagot ko rito at nagpatuloy sa pag-iimpake.

Ilang segundo pa ay naramdaman ko na naman ang apresensya ni Elwai nang agawin niya sa akin ang maleta ko at tinulungan akong mag-ayos.

"Baka hindi ka na talaga bumalik, kaya sana hayaan mo na ako. Ihahatid kita sa terminal ng bus."

"Pero, may pasok ka—"

"Pinayagan naman ako ni Mamu! Sige na, Tattie." Humihikbi pa rin ito habang sinasabi niya iyon.

Hindi niya ako tinitignan, patuloy lamang siya sa pag-aayos ng mga gamit ko sa maleta. Binalot kami ng katahimikan nang nagsimula nang hindi umimik si Elwai.

Binasag nga lamang iyon ni Segundo, "Ate T-Tamara," pumasok ito at saka ako mabilis na tinapik-tapik. "s-saan i-ikaw punta?"

Parang tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan dahil unang beses ko siyang narinig na magsalita at tawagin ako.

"Tatiana, bunso." Tipid na pagtatama sa'kanya ni Elwai. Tinignan ko ito at nanatili itong nag-iimpake ng gamit. "Gusto mo ba'ng ihatid ka namin ni Tattie sa eskuwela?"

Biglang kumunot ang noo ko.

Ano ba ang ginagawa ni Elwai?

Magsasalita pa lamang sana ako nang biglang tumunog ang telepono ko. Mabilis ko iyong kinuha mula sa bulsa.

[Sent by: Papa Pit]
P: Tattie, ano'ng oras ka makakarating dito?
P: Kaka 'to!
P: Ipagluluto raw kayo ni Papa Pit bago siya pumasok sa trabaho kaya sana mapaaga ka! Hihi.

"O-Oo, Ate Elwai."

Muli kong ibinaling ang atensyon ko sa magkapatid nang marinig kong muli si Segundo.

"H-Ha?" Mabilis kong tugon.

"I-Ipapakilala ko si Ate T-Tamara sa mga k-kaklase ko."

Nang tignan ko si Segundo ay noon ko lamang din ito nakitang ngumiti. Pinagmasdan ko ito mula ulo hanggang paa at tila gusot ang unipormeng suot niya.

PhilophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon