Untitled Part 4

2 0 0
                                    

Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung bakit ganun ung nararamdaman ko kay Gio. Di naman ako ganun ka manhid para di malamang may gusto siya sakin. Well, dati pa sinasabi ni Will sa akin na crush ako ni Gio. Kaya nga happy ako dun. Pero bakit ganun? Bakit ganito?

Nasa kalagitnaan na ako ng pag iisip ko ng mag ring yung phone ko.

"Hello?"

"FREY!!"

"Oh? Makasigaw?"

"Wala lang. Hahahaha miss na kita."

"As far as I could remember, kasama pa lang kita kahapon. Wag masyadong pahalatang clingy ok?"

"Ang bitch mo talaga kahit kelan!"

"Sorry na. O sge na kikiss na lang kita. Hahaha mwaaa!"

"Heh! Mandiri ka nga!"

"Tignan mo to. Ikaw na ngang nilalambing, ayaw mo pa?"

"Buset! Sge na bye na nga. Wala lang talaga akong makausap. Busy si Vince e. Hahaha byebye."

At binabaan na nga ako ng loka. Sira ulo talaga ung babaeng un. Tatawag para mangulit. Tsk. Imba!

Bumangon na ko sa kama ko. Magsisimba pa pala ako.

Naligo na ako, nagbihis at lumabas na ng kwarto.

"Ma? Sama po kayong magsimba sakin?" tanong ko habang nagluluto si mama.

"Ah. Mamaya na lang kaming hapon ng mga kapatid mo anak. Tawagin mo na sila. Kakain na tayo." Sagot naman ni mama.

"Opo Ma." Tinawag ko na ung mga kapatid ko at kumain na nga kami.

Tinulungan ko namang maghugas ng pinggan si mama at saka na nagpaalam na aalis.

Matapos kong magsimba ay dumiretso muna ako sa Starbucks. Gusto ko munang mag isip isip mag isa.

Nagpost na lang ako sa twitter ko ng kung ano ano.

"At SBTri alone."

"Whattodo? Whattodo?"

"Kbye."

"You here alone Miss?" Tanong sakin ng isang lalaki. Boses pa lang. Alam ko na kung sino to.

"Nope. I'm with someone actually." Sagot ko naman.

"But.. Yung sa tweet mo."

"Hahaha kiddin. Stalker?"

"Yeaah. Haha. Wala din akong mapuntahan kaya pumunta na lang ako dito." Sabi niya at umupo na ng tuluyan sa harap ko.

"Kelan pala alis mo?" tanong ko sa kaniya sabay sip sa frappe ko.

"Ahh. Sa May pa. Bakit? Gusto mo na ba kong umalis?" pabirong tanong niya.

"Hindi a. Hahaha. Natanong ko lang." sagot ko naman.

"3 days na lang grad na. Haha. San ka mag aaral?" tanong niya sakin.

"Sa PATS. Mag A-avionics ako."

"Really? Edi sooner or later mag kikita pa din tayo." Sabi naman niya na parang may magandang ideya na pumasok sa isip niya.

"Pano naman?"

"Mag Pi-pilot ako. Maliit lang ang airline industry. Magkikita't magkikita tayo ;)" sagot naman niya sabay kindat sakin.

Tae naman! Pumunta nga ako dito para makapag isip isip kung ano ba talaga ung nararamdaman ko sa gwapong nilalang na to e. Tapos ngayon, heto kami. Nagkkwentuhan. Lalo akong naguguluhan nito e.

Nang medyo wala na kaming mapag usapan, napag desisyonan na naming umuwi.

"May dala ka bang sasakyan?" tanong niya sakin.

"Ah. Wala e. Nag commute lang ako." Sagot ko naman. Konti na lang kasi ung gas nung sasakyan namin. Ayoko namang ako ung magpa gas nun kaya dko na ginamit. Hahaha.

"Tara. Dala ko naman ung sasakyan ko e. Hatid na kita." Aya naman niya.

"Sge J" sagot ko na lang at saka sumunod sa kaniya.

Walang nagsasalita sa amin hanggang sa makadating kami sa harap ng bahay ko.

"Thanks sa time mo Gio. I really enjoyed your company tho." Then I smiled sweetly.

"Welcome Frey. Sana maulit uli to?"

"Oo naman! Magkaibigan na tayo diba?"

"Thank you."

"Sge una na ko. Ingat sa pag ddrive mo. Thanks ulit." Sabi ko at bumaba na. Nagwave ako sa kaniya as a sign of babye. Nag nod naman siya at umalis na.

Pagpasok ko sa gate, wala ung sasakyan. Baka umalis na sila mama. Direderetso lang ako sa loob at...

"Sino ung naghatid sayo? At san ka galing?"

Napahinto ako sa nagsalita at dahan dahang lumingon sa kaniya. Galit? Inis? Dko mabasa ung mata niya.

"Sagutin mo ko. Wag mo lang akong titigan."

"Ah sorry. Kasi ganito un. Nagsimba ako knina tas pagkatapos kong magsimba, dumiretso ako ng SB Tri para magpalamig. Ang init kasi. Tas un nandun din pala si Gio. So nagkwentuhan kami dun then hinatid niya na ko dito. You mad?" takot, lungkot, kaba, halo halo na ung expression ko ngayon. Pinaka ayaw ko naman kasi talaga ung nag aaway kami ni Ed. Di ako sanay. Mas sanay ako dun sa masayahing side niya. Nakakatakot siyang magalit.

"Lumayo ka na sa kaniya."

Nanigas ako sa mga sinabi niya. Wait what?! Dati di naman niya ko pinapakealaman pag dating sa kung sino ung kakaibiganin ko a? Bat ganyan siya ngayon?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crazy Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon