A decade. I thought I would never be able to step a foot on the land where I was born and raised. I never thought I would have the courage to breath the air of the Southeast.
Matagal kong tinakasan at tinaguan ang mga pagkakataon at opurtunidad na bumalik muli sa lugar kung saan ang lahat nang bagay at sumangguni sa resultang wakas.
Sa ulap palang, napakaraming alaalang dagsaang bumabalik sa akin. Ang ulap, ang paborito ko. Ang ulap kung saan pinaniniwalaan kong naroon ang mga magulang ko, ang mga taong nagsakripisyo ng buhay para sa akin. Ang ulap, kung saan kumapit ako para sa kinabukasang mas maliwanag at masaya.
Ang maingay at magulong kalsada. Ang mga punong sandalan ko noon. Ang matatayog na gusaling naging batayan ng mga pangarap ko noon.
"Papa, are you crying?" Hindi na namalayang umiiyak na pala ako. Kung hindi pa napansin ng anak ko.
"H-Ha? N-No baby, I'm fine." Sunod kong pinahiran ang mga luhang patuloy na naglalandas mula sa aking mga mata.
My son stared at me for a good three seconds, he stood up from his seat, went to me as he wrapped his arms on me. He's hugging me.
My angel. He'll always be my comfort.
I felt his hands tapping my back and that's more than enough for me to calm down. I smiled at him after he pulled away. Using his little fingers he started wiping my tears away.
"It's okay Papa, I'm here."
"Thank you, anak." He smiled once again.
Mas lalong kumirot ang puso ko sa kanyang ngiti, walang pinagkaiba iyon sa ngiti ng kanyang ama. Hindi kayang itanggi na anak siya nito dahil kahit ang maliit na maliit na detalye niya ay kuhang kuha ng anak ko.
Kaya rin siguro nabuhay ako ng halos sampong taong hindi siya nalimutan.
Our son reminds me every single detail about him. Our child reflected him, and every morning I wake up, he is the first thing I'd see.
Marahil ay iyon na ang parusa sa akin ng kalawakan sa nagawa kong paglisan. Siguro ay iyon na ang kapalit ng lahat ng sakit na naidulot ko sa buhay niya. Siguro iyon na ang kabayaran sa bawat paghihirap na dinanas niya sa aking tabi.
Ang manatili siya sa aking isipan, habang siya ay namumuhay na ng mapayapa at masaya.
"Papa, where are we?" Sa unang araw matapos naming lumapag sa Pilipinas ay dinala ko ang anak ko kung saan ako lumaki.
Bughaw ang Langit Foundation.
The orphanage where I grew up and spent half of my life at. Over the years, I've seen the organization grow with the help of the every child I've been with since I was a child inside. Almost of the people I spent my afternoon nap on our tree house have made names for themselves. I knew they'll do it. They're amazing people.
"This is where Papa grew up."
"Wow, your home is big Papa."
"Yeah, it is," Surprisingly, the orphanage castle like establishment didn't change. It is still what it is since I remember it. It still is a paradise in my eyes.
"You said you lived with amazing people here, Papa, are they still here?"
"No baby, but they're doing great." My son's curious eyes scanned the place as he nodded at my answer.
Agos will always be curious as me, and mysterious as his other father.
"Did you meet him here, Papa? My other father?" With his question, I always choke on my own saliva. I bit my tongue. I was startled but not shock that he'll be asking that question.
"U-Uh no, we meet at an art exhibit." My lips tremble at the memory.
"Okay." He nodded.
Pati pagtango katulad na katulad niya. Para lang akong nagkaroon ng mas pinabatang siya. Parang bumalik lang ako sa batang bersyon ng taong minahal ko nang halos buong buhay ko.
"Papa look! Isn't that on one of your designs?!" Hawak ko ang kamay ng anak ko kaya naman ng hilahin niya ako tungo sa isang bulletin board na may takip ng salamin ay mabilis kaming nakarating doon.
Oo nga. Isang maliit na ngiti ang sumilay sa aking labi. Ang pangarap ko mula noon hanggang ngayon. Ang kauna-unahang damit na dinisenyo ng batang ako. Ang disenyong nag-udyok sa akin na may pangarap ako at maabot ko ito.
Iisa lang ang taong maaring maglagay nito dito. Ang taong nag-iisang naniwalang kaya ko.
"Paulo? Anak ikaw na nga ba iyan?" At ang boses na iyon, nakasisiguro akong, siya iyon.
"Nana Lorie!" Paglingon sakanya ay bumungod sa akin ang palagi niyang bihis. Nakasuot ng kanyang abito at eskapularyo.
Sinugod ko siya ng mahigpit na yakap. Kita ko rin ang pagluha ng kanyang mata. Si Nana Lorie ang kasama kong lumaki at siya na rin ang nagsilbing magulang sa akin na kahit tumungtong na ako sa tamang edad at nakatayo na sarili kong paa ay bumabalik pa rin ako sa Foundation para bisitahin siya.
"Diyos ko, ikaw nga. Kumusta ka naman anak? Ang laki laki mo na." Unti-unting humina ang boses ni Nana habang hawak hawak ang aking pisngi.
Kitang kita na ang katandaan sakanyang mukha. Ang dating makinis niyang mukha ay nangulubot na. Pumayat rin siya kumpara sa huli naming pagkikita.
Sampong taon na mula noon.
"Ayos naman po ako Nana. Kayo po kumusta po kayo?"
"Heto, maayos rin. Saan ka ba galing na bata ka at bigla ka nalang nawala?" Matagal nago ko maiproseso kung ano bang dapat kong sabihin ngunit, ang pakay ko lamang ang naisip ko sa pagpunta dito.
Lumingo ako sa kinatatayuan ko kanina. Sumenyas ako sa anak ko na lumapit siya na siya naman niyang ginawa. Hinawakan ko ang kamay ng anak ko at inunahan sa akin.
Sunod ang tingin sa akin ni Nana Lorie at sa anak ko. Nagtataka at nagtatanong.
"Nana, si Agos po, anak ko." Marahan akong ngumiti kay Nana pagpapakilala sa anak ko.
"Anak, this is Nana Lorie, the one I was telling you about."
"A-Anak? Susmaryosep kang bata ka!"
"Papa isn't that Spanish?" I laugh at his question. I shake my head as an answer to his question.
He looked back at her. Agos take a step and gently held Nana Lorie's hands and take it to his forehead.
I stared at him. I only told him about that once!
Tinuturo ko sakanya ang bawat tradisyon at kulturang Pilipino. Nagkukwento dahil madalas siyang magtanong, hindi ko naman akalaing gagawin nga niya ang mga ito.
"Kaawaan ka ng Diyos, isa kang mabuting bata, Agos." Doon ay kita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Nana.
"Mahabaging Diyos, kamukhang kamukha niya ang batang iyon." Sa huling kataga ay tiningnan ako ni Nana.
Opo Nana, anak namin si Agos.
Hindi na ako magtataka na sa bawat nakakakilala sa amin ay sasabihin ang parehong tanong at iisa lang rin ang sagot ko.
Saksi ang mga taong malalapit sa akin sa kwentong pinilit simulan at tapusin. Saksi sila sa pagmamahal ko sa ama ni Agos. Saksi sila sa malupit na tadhanang hinarap niya sa akin.
Natatakot ako. Natatakot akong husgahan nila akong muli sa desisyon kong pagbabalik dito.
Pero hindi naman ako bumalik para sa sarili ko lang. Bumalik ako para sa anak ko.
Dahil gusto niyang makilala ang kanyang ama.
Kahit anong gawin ko, hindi ko pwedeng ikaila sa anak ko ang katotohanan. Hindi ko pwedeng itago ito sakanya habang buhay. Natatakot akong balang araw, kamuhian niya rin ako gaya ng lahat noon.
Siya nalamang ang tanging meron ako.
YOU ARE READING
Hilom
FanfictionMaraming sugat ang nakapaloob sa kahapon, kaya nga bang maghilom ng mga iyon sa kasalukuyan?